74

5 0 0
                                    

“Ayos lang ba ‘yong line na ‘to?” I asked.

Play immediately move closer to check my work. “Yeah, that’s nice. Good job,” he smiled.

When that small talk happened, we’re kinda get closer after. Pero hindi maiiwasan ang mailang kami sa isa’t isa kung minsan, lalo na’t alerto sila sa pang-aasar.

Si Nithe, parang nabaliktad ang mundo. Siya naman ang hindi lumalapit sa akin nang magka-usap kami ni Play. I’m bothered at iniisip ko kung anong tamang gawin.

Isang araw na lang ang natitira at kailangan na naming ipasa ang mga naisulat, tapos man o hindi. Kahit paano nama’y may teamwork kami, kahit hindi gaanong ayos sa isa’t isa.

“Nithe...” I called him. Pero nanatili ang tingin niya sa binabasa. “Kuya Nithe?” I tried again.

“Hyung, mianhae...”

“Claries, stop it.”

Nawala ang masuyong ngiti sa labi ko. I was just trying to tame him. Alam kong masama ang loob niya, ang hindi ko alam ay ang tunay na dahilan kung bakit.

Binasa ko ang labi at nag-iwas ng tingin. Naupo ako ilang pulgada ang layo sa kaniya. Nanatili akong tahimik kahit bumibigat ang dibdib ko. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin.

“Why are you still here?” He asked with a not-so-cold voice.

I smiled a little. “Kasi hindi mo rin ako iniwan.” Tapat na sagot ko.

I watched how his expression soften. Lalong lumambot ang puso ko dahil doon. Sa maikling panahong pagkakakilala namin sa isa’t isa, hindi ko alam na puwede iyong lumalim ng ganito.

Val and I go out to buy some snacks. May 7/eleven naman sa ‘di kalayuan kaya nilakad na lang namin at mabilis naman naming narating.

“Lakas ng tama sa ‘yo ng dalawang ‘yon.” Bigla na lang sabi ni Val habang naglalakad kami pabalik.

Hinapit niya pa ako para akbayan, may mga mukhang adik kasing habol ang tingin.

“Palagi ka naming topic sa gc naming tatlo. Noong una, si Kae ang madalas magkuwento ng tungkol sa ‘yo, tapos nagulat ako dahil ibinibida ka na rin ni Ryui. Jusko!” Tila stress na aniya.

I pouted. “Seryoso ba?”

“Ang Play but serious mo, hindi marunong magbiro ‘yon.” Natatawang sagot nito.

“Si Nithe?”

“Kung alin pa ang pabiro niyang sinasabi, ‘yon pa ang totoo at seryoso para sa kaniya. Living meme ‘yon, e.” Walang alinlangang pagbubunyag nito sa kaibigan.

“Kung sino man ang piliin mo, susuportahan kita. Kahit magalit pa sa akin ang isa sa kanila.”

Habang nagd-dinner, maingay ang mesa. Since wala si Miss Ynah, nagkakagulo sila ngayon. Nahuli ako dahil may tinapos pa akong chapter at ang sampung upuan ay isa na lang ang bakante.

Sa gitna ni Play at Nithe. I gulped. Sa sala na lang siguro ako kakain, hindi ko yata maatim na maupo roon. I bit my lower lip and walked towards the table when Val called me.

“Dito ka sa tabi ko! Haley, lipat ka roon, oh. Kanina ka pa sulyap nang sulyap,”

Natawa ang iba dahil itinaboy ni Val ang babae. Walang angal na lumipat si Haley sa isa pang upuan na bakante at binigyang daan ako sa upuan na inalisan niya. Kinindatan at nginisian pa ako nito pagka-upo ko. Val saved me.

Pagkatapos ng dinner ay napagpasiyahan na naming magpahinga lahat. Bukas ng alas-sinco ang pasahan ng works at hindi pa namin naayos ang lahat.

Lumabas ako dahil hindi ako makatulog, alas-otso pa lang naman kaya binuhay ko ang TV sa sala. Tahimik akong nanonood nang may tumabi sa akin. Iisipin ko na sanang multo kaso nakapulang hoodie.

Played By CupidWhere stories live. Discover now