“Ri?” Nithe called. “Okay tayo, ‘di ba?”
Nag-angat ako ng tingin sandali at mabilis dinh binawi nang magtama ang mga mata naming dalawa. Napakagat ako sa ibabang labi.
“Oo naman.” Mahina kong sagot.
“Bakit parang umiiwas ka? Kahapon pa.”
I shook my head lightly. “Hindi, ah.” Depensa ko.
Umupo siya sa harap ko, pinagigitnaan kami ng maliit na bilog na mesang kahoy. Nanatili akong nakayuko at nagsulat ng kung ano-ano, ideas dapat ang isinusulat ko, e.
“Usap tayo...” Masuyong aniya, pilit na hinuhuli ang tingin ko.
“Ayaw mong pag-usapan? It’s okay, basta rito lang ako sa tabi mo, whether you like or not, hmm?”
Hindi ako sumagot at nagpakawala ng malalim na paghinga. Nag-guilty ako. Bakit ko ba ginagawa ang pag-iwas na ito, in the first place? Wala naman siyang kasalanan. Walang may kasalanan, tama?
Choice nila kung gusto nilang ilihim o ipagtapat. Wala akong magagawa kung ginusto nilang i-sekreto. Naisip ko lang na parang ang samang tingnan noon matapos kong malaman.
Magpinsan sila, magkamag-anak, magkadugo. At kung totoo man ang sinabi ni Val, hindi ko alam ang mararamdaman. They are fighting because of me? What the hell.
Naging issue kaming tatlo sa mga kasama namin pero naiintindihan naman nila. We should have fun and write fun right now, sana nag-e-enjoy din ako kagaya nila.
“Ri, sorry na...” Val mumbled. Nginitian ko lang ito. Wala lang naman iyon.
Ngayong araw kami magf-finalize ng plot at baka mag-umpisa na ring magsulat tutal ay ilang araw lang ang mayroon kami. Magagawa ko naman siguro ng maayos ang part ko sa activity na ito.
Inilapag ko ang mga papel na pinagsulatan ko ng ideas. Hindi talaga ako nakapag-isip ng maayos pero tingin ko’y ayos naman kahit paano ang mga naisip ko.
Nagpalitan kami ng mga suggestions. We’re like professionals. Hindi nagdadaldalan kagaya ng ibang grupo, pure about writing ang pinag-uusapan namin. Parang mga seryoso sa buhay.
“Yesterday’s Smile... yesterday symbolizes the happenings years ago when and where they first saw each other, when their love story started,” I stated.
“The ‘smile’ part was like their mark, right? There are different kind of smile and the one they’re always using is the happiest smile could ever be. The smile that bring them to each other’s arms again.” Dagdag ko pa.
When they saw my ideas, hindi sila nag-abala pang basahin ang iba dahil tinggap agad nila iyon. Even Play agree with it without havings econd thought. Paniguradong maganda rin ang idea niya.
“Puwede na siyang maging description, Riri, iyong after ng meaning ng smile sa title.” Haley said, I just nodded and smiled.
“Which part do you want to take? Since sa ‘yo galing ang idea, feel free to choose.”
I looked at Play who asked me. Sandaling napako ang mga mata ko sa kaniya. His sharp eyes were always on me, ang kaibahan lang ngayon, mukha iyong malamya. Bahagya akong ngumiti nang may maisip na.
YOU ARE READING
Played By Cupid
Teen FictionWhen everything is align, is there a chance that destiny will turn and will lead me to a person who'll make me understand things better and learn my lesson? I guess, "We are just a victim of cupid's mistake..." -|-|- An epistolary-novel Started: 04...