71

7 0 0
                                    

A red car stopped in front of me, and I knew it was Nayde. He’s wearing a red jersey jacket with white shirt inside of it, beige colored pants, white shoes, and a round anti-radiation glasses.

Amoy mamahalin, hindi baby powder.

“Nithe Ryui Escaler, at your service.” He said smirking, he even wink on me.

I raised my brows. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan. I smiled widely, gano’n din siya.

Well, I thought that Nayde was handsome and dreamy, pero sa nakikita ko ngayon, maling akala ako. Malayo sa iniisip ko ang hitsura niya, he looks like a prince!

He pouted. “Madaya, name reveal na, Ri.”

“Claries Light Calanza, sixteen and still, Riri for short.” Pakilala ko at malapad siyang ngumisi.

“Alright, Claries, shall we go?” He asked and I excitedly nodded.

Habang nasa byahe, puro kami kwentuhan. Hindi ko inaakalang sa unang pagkikita ay magiging ganito akong ka-komportable sa kaniya. Ramdam kong komportable kami sa isa’t isa.

Natutuwa ako at hindi na ako magmumukhang loner kung sakaling hindi ko maka-close ang iba. Halata namang pareho kami ng vibes ni Nayde.

“Kuya Nithe—”

“Please, I told you not to bother calling me Kuya anymore, and I prefer you calling me Nayde.” Aniya at binalingan ako sandali habang nagmamaneho.

“Gano’n din naman,” ngumuso ako.

Kinuwentuhan niya ako nang kinuwentuhan hanggang sa marating namin ang lugar ni Val. Hinanap pa namin ang bahay niya ng lakad dahil hindi maipapasok ang sasakyan sa lugar.

“Pahirap, ang gago! Pakain-kain ka lang diyan, kung lumabas ka na sana roon kanina pa edi nakaalis na sana tayo ngayon.” Anas ni Nithe kay Val na ngumunguya pa habang nakaupo sa may tindahan.

Vallin Macoy ang pakilala niya sa amin, iyon daw ang tunay niyang pangalan. Kaya lang naman namin nalamang siya iyon kanina ay ang dami niyang gamit na dala. Sinabi niya ring naka-hoodie siya, kahit mainit.

Sa ilang oras na byahe, magkakasundo na agad kaming tatlo. Introvert ako pero mabilis akong naging komportable sa paligid nila at agad silang nakasundo. We arrived at the venue in lunch time.

Since one ang call time, may time pa kaming kumain, ma-meet at maka-bonding ang iba. Napagkasunduan naming sa Jollibee magkita-kita, ang mga batang minsan lang makapuslit, Jollibee ang napili.

“Kinakabahan ako,” bulong ko kay Nithe. Nasa likod niya ako habang naglalakad kami papasok sa fast food chain.

Alam kong alam niya kaya sa kaniya ako nagsasabi. Inilahad niya ang kamay sa harap ko, tinitigan ko lang iyon dahil hindi ko alam ang gagawin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“It’s okay, hmm? Press my hand if you want to escape here already, ilalayo kita.” He stated and grabbed my hand to pull me inside again.

Nang makapasok kami, a chinita girl wave her hand and I assumed she is Rici, may lahing Chinese kasi siya. Katabi niya ay si Cici kung hindi ako nagkakamali, she’s blonde at nasabi niya noon na nagpakulay nga siya.

Ang babaeng naka-braid ay nagpakilalang si Verse, iyong may kaliitan ay si Dira, si Pine naman ang maputing mukhang masungit but she’s actually nice, they are all indeed nice.

Haley seems nice, as well. I heard, she’s Play’s friend. The one he is calling ‘mahal’ before.

Una kong napansin na wala pang Play dito. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya pero halata namang siya na lang ang wala. Lalo tuloy akong kinabahan, paano ko siya ia-approach?

Played By CupidWhere stories live. Discover now