6

740 96 15
                                    

***

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pag-uwi ko ng bahay wala pa don si mama, maga alas otso na ng gabi, nakaluto na ako ng kakainin namin pero wala pa din siya.

Kanina pa din ako nandito sa labas ng bahay na naka-upo, bordong-bordo na ako dito.

Sa huli napagpasiyahan kong maglakad lakad na muna sa labas kesa umisip ng umisip ng mga negative thinking, masiyado pa naman akong nag o-overthink.

"Anong problema mo Azal?" Halos mapatalon ako sa gulat nung nagsalita si Mama sa likuran ko.

"Nandiyan na po pala kayo? Kanina kopa po kayo hinihintay eh." Sagot ko.

"Nakaluto kana ba ng hapunan natin?" Tanong niya at pumasok sa loob ng bahay.

"Meron na po, sa'n po pala kayo galing?" Tanong ko habang inaasikaso ang pagkakainan namin, siya naman ay inaayos ang gagamitin niya para bukas.

"Doon sa palengke." Sagot naman niya. Kadalasan naman alas sais pa lang umuuwe na siya.

"Nagabihan po ata kayo?"

"Andami pa kaseng bumibili kaya 'di agad ako naka uwe." Lumapit s'ya sa lamesa at umupo sa upuan. "Kumusta school mo?"

"Nakatayo pa din po."

"Haha I mean maayos ba pasok mo?"

"Oo naman ma."

"Dika napa away?" Deretso siyang tumingin sa mga mata ko.

"Hindi po."

Doon na putol ang paguusap namin at tahimik kaming kumain.

Kinabukasan ay maaga akong gumising kahit walang pasok, nagpaalam ako kay mama na di muna ako makakatulong sa kaniya dahil pupunta ako sa hospital.

"Anong gagawin mo don?" Takang tanong niya na nakakunot pa ang noo. "May sakit kaba? Sasamahan na kita?" Nagaalala niyang sabi.

"Wala po, bibisitahin ko lang yung kaibigan ko." Natatawa kong sabi.

"Sino?"

"Si King po."

"Sino yun?"

"Hayaan niyo po ipapakilala ko siya sa inyo kapag magaling na siya." Sabi ko.

Naglakad na ako papuntang hospital, sana naman gising na yun, wala akong madadala sa kaniya dahil wala akong pera, ni pisong duling wala ako.

Pag-akyat ko ng 3rd floor ay nakita ko uli yung babaeng nakita ko sa first floor kahapon, pero pababa na siya, hindi ko maiwasang hindi siya mapansin dahil subrang ganda niya at talagang hindi mo mahahalata na may anak na siya.

Nung makasalubong niya ako ay wala siyang expression sa mukha, nilampasan niya lang ako, sino ba naman ako diba?

Kibit balikat kong kumatok sa kwarto ni King. Nung walang sumagot ay binuksan ko na yun dahil hindi naman naka lock. Pagpasok ko tulog pa din siya.

Kumakad ako papalapit sa kaniya. Mahimbing pa rin ang tulog niya, payapa ang mukha at animoy walang problemang kinakaharap.

"Woi, bumangon kana diyan, diba ngayon ang laban natin kay Bruno? Pababayaan mo ba ako? Wala ka bang planong tulungan ako?" Nakanguso ko siyang kinakausap kahit alam kong 'di niya ako naririnig. "Ang daya mo, kahit na malakas ako, 'di ko pa din yun kaya, ang laki kaya niya, babae pa din naman ako eh, atsaka pwede ba bumangon kana, nakokonsensya na ako eh, kasalanan ko talaga kung bakit nandito ka ngayon."

Lumipat ako ng tayo sa may gilid niya kung saan kaharap ko ang pintuan, inayus ko din yung kumot niya.

"Bumili ako ng-" napatingin ako sa pinto ng may pumasok, yun yung babaeng maganda na hinahangaan ko ng subra. "Ohw, I'm sorry, who are you?"

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon