35

628 30 0
                                    

***

Tama na, ayaw ko na, 'di ko na kaya, subrang sakit. Bakit ganon? Anong hindi masaya? Hindi ba kami naging masaya? Sa pagkaka-alala ko subrang saya namin, sa pagkaka-alala ko hindi siya ganon.

Mas gustong makasama ang kaibigan niya hindi yung itataboy niya.

Hanggang dito na lang ba Kleon?

"Sinabi niya yun?" Di makapaniwalang tanong ni Jak sa Video Call. Tumango naman ako.

"Sabi ko na talaga eh," sabi ni Nash. Kumawala ang luhang kanina kopa pinipigilan.

"You don't deserve that bastard," sabi ni Liks. Nakatakip ang mukha ko habang alalang-alala sila sa akin.

"Azal?" Tawag ni Lolo sa labas ng kwarto ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at kung ano-ano pa ang sinasabing pagbabanta sa lalaki bago ko patayin.

"Bakit po?" Tanong ko kay Lolo ng pagbuksan ko siya ng pinto.

"Umiiyak ka na naman?" Tanong niya, agad kong pinunasan ang luha ko.

Nagiging hobby ko na ang pag-iyak ha. Pumasok si Lolo sa kwarto ko at naglibot.

"Uuwi na tayo next week, ano nang plano mo?" Tanong niya.

"Ede uuwi po, wala na din naman akong gagawin dito," sagot ko.

Wala nang dahilan para habulin pa ang ayaw huminto, bakit ko siya hahabulin kung ayaw niya namang magpahabol? Mas masakit umasa, kaya mas mabuting tanggapin na lang ang katotohanan.

Besides wala namang kami, hindi naging kami kaya tama na muna, nakakapagod pala magmahal.

"Mag ready ka, may pupuntahan tayo," utos ni Lolo bago lumabas ng kwarto ko, kahit nagtataka man ay sinunod ko siya.

Saan kami pupunta? Akala ko ako lang yung kasama niya pero pagbaba ko kasama pala yung kambal.

"Kasama ka din?" Tanong ni Anthony.

"Ay hindi," Sarkastikang sagot ni Althea. "Kita mo na ngang nakabihis na malamang kasama," dagdag niya pa.

Babatukan na sana siya ni Anthony pero agad namang nakatakbo ang isa, sabay na kaming bumaba dahil naghihintay na pala si Lolo sa baba, kasama namin si Mang Miguel.








Ilang minuto pa lang ang byahe ay bumaba na kami ng kotse sa isang malaking building.

"Kambal, Azal, welcome to our company." Sabi ni Lolo at tinanaw namin ang subrang taas na building.

"Atin 'to?" Di makapaniwala kong tanong.

"Yup, and I want to tour you inside," Sagot naman ni Lolo, manghang-mangha kaming pumasok sa loob, agad kaming binati ng mga staff na nakasalubong namin.

Subrang taas ng building kaya alam kong sasakay kami sa elevator. Excited akong sumakay doon kaya nauna ako sa kanila.

"Pick a number," utos ni Lolo sa akin, tuwang-tuwa akong pinindot ang number 7 kaya sa 7th floor kami napadpad, paglabas namin ng elevator ay isang opisina ang tumambad sa amin, maraming staff ang nagkakagulo dahil nagta-trabaho, 'di ko maintidihan sinasabi ng iba kaya binalewala ko na lang yun.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon