12

769 76 4
                                    

This part is dedicated to all of my supporters, thank you for reading this book hehe, love you all muah...

***

Gaya ng sabi ni Kleon, pumunta nga s'ya sa bahay pagka-uwian, may dala siyang paper bag na naman, na ang alam ko ay pagkain uli.

"Good afternoon bebelabs." Nakangiti nitong bati.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.

"Ito naman ang maldita-maldita, dinadalaw ka syempre." Sagot niya.

"Tsk."

"Wag kana mainis, may dala ako para sa'yo." Umupo siya sa sofa at iniabot sa'kin ang dala niya, medyo may kabigatan pala.

"Ano 'to?" Takang tanong ko.

"Buksan mo."

Sinunod ko ang gusto niya pag bukas ko, isa yung box ng cellphone. Taka ko siyang tiningnan.

"Regalo ko sa'yo, para madali kita matawagan." Nakangisi siyang tumingin sa'kin.

Patuloy kong binuksan ang box at laking gulat ko na isa yung mamahaling cellphone.

"Bat ito? Pwede namang yung mumurahin na lang, kagaya ng keypad." Giit ko.

"Syempre special ka, kaya dapat special din yung regalo ko sa'yo," Malawak siyang ngumiti kaya inirapan ko na lang. "Inilagay ko na din diyan ang number ko, syempre pati yung sa'yo, unlimited din yung load niyan, ako sponsor mo hehe."

Wala ako masabi sa lalaki na'to, 'di ko alam kong magpapasalamat ba ako o ibabalik sa kaniya.

"Subukan mong ibalik, makakatikim ka talaga." Banta niya ng makitang ibinabalik ko yun sa lalagyan.

"Matapang kana ngayon?" Tanong ko.

"Hindi, joke lang." Nagpeace sign pa siya.

Pagkaalas syete ay umuwe na rin siya, kaya ako naman ay pumunta na sa ground para sa dati kong ginagawa.

"Oyyy Azal, welcome back." Bati sa'kin ni Jeff, isa sa mga trabahante dito. Nginitian ko lang siya.

"May laban ba?" Tanong ko.

"Oo, si King atsaka si Bruno." Taka akong tumingin sa kaniya.

"Akala ko ba tapos na sila?"

"Oo nga, pero gusto ni King na labanan siya uli kahit siya na ang panalo nung nakaraan, hindi daw siya satisfied sa laban nila." Paliwanag niya.

Ang yabang naman ni King.

Dumeretso ako kung saan naglalaban si Bruno at King. Nagulat pa ako dahil malaking tao pala itong si Bruno.

Sa kapayatan niyang yan, natalo niya si Bruno?

Di ko lubos maisip yun, halos magkasing payat lang sila ni Kleon eh.

"Iwan na muna kita, kung gusto mo maglaro, don sa billiards may naghahanap." Paalam nito bago umalis sa harapan ko.

Gaya ng sabi niya, pumunta ako sa bilyaran at nakipagpustahan, kapag talaga nakatapos na ako, hindi na ako pupunta pang muli dito.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon