21

512 46 0
                                    

***

Hiyang-hiya ako ng umupo ako sa dinning kasama si Lolo, 'di ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil hiyang-hiya ako sa nakita n'ya kanina.

Nakakainis naman kaseng lalaki na yun eh, ba't ba kase kami magkayakap? Di ba may unan sa pagitan namin? Haystt...

"Where's kleon?" Tanong niya.

"N-nasa taas po." Utal-utal kong sagot.

Pinatawag niya sa katulong si kleon na agad namang sumunod, nakayuko lang ako at nilalaro ang mga daliri sa paa. Nang makababa yung isa ay umupo siya sa harapan ko.

Nagsimula na kaming kumaing tatlo, tahimik lang ako habang kumakain. Kinabahan sa pwedeng sabihin ni Lolo dahil sa nakita niya.

"Ahem..." Nagsimula ng kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Kunwari wala akong narinig kaya nagpatuloy ako, nang tingnan ko si Kleon, prente lang siyang kumakain at wala manlang kakaba-kaba ang hinayupak. " Kelan niyo sasabihin sa'kin na magkakaroon na ako ng apo?" Bigla kong naibuga yung nasa bibig ko at dali-daling kumuha ng tubig.

"Lolo naman..." Reklamo ko kaagad.

"Kleon?" Tawag niya dito.

"Lolo, wala pa pong nangyayari sa'min, 'di pa nga po alo sinasagot ng apo niyo eh." Matalim ko siyang tiningnan pero ang mukong tawa lang ng tawa.

"I thought, the both of you are in relationship?"

"Oh? Akala mo lang yun Lolo, never nanligaw sa'kin yang mukong na yan." Sagot ko naman and I continue eating.

"Hala, 'di pa ba sapat yung mga pinapakita ko sa'yo na nanliligaw ako?" Takang tanong niya.

"Ede sana sinabihan mo ako na nanliligaw ka pala," sagot ko naman.

"Haysttt..." Reklamo niya at umiling ulit.

Papasok ako ngayon sa school, medyo okay na din naman ako, kaya pinayagan na ako ni Lolo.

Pagkababa ko ng kotse ng nasa tapat na ako ng School, bigla na lang may naglagay ng kung ano sa ulo ko, ang baho ng amoy at medyo nahihilo ako. Naramdaman ko na lang na nawalan na pala ako ng malay.

"Got yah." Sabi ng familiar na boses bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nagising ako sa ingay sa paligid ko, kung 'di ako nagkakamali, puro huni ng ibon ang naririnig ko, dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

Laking gulat ko na mapansing nasa rooftop ako ng isang building, tatayo sana ako pero nakatali ang mga kamay at mata ko, ultimo bibig ko may tali.

Ano na naman 'to? Kagagaling ko lang sa sakit eh, sigaw ako ng sigaw pero 'di naman naiintindihan dahil sa nakatali sa bibig ko. Kapag talaga ako nakatakas dito, humanda kayo.

Pilit kong kinakalas ang pagkakatali sa'kin pero bawat galaw ko nasasaktan ako dahil sa higpit nito.

Maya-maya maya pa ay bumukas ang pinto ng rooftop at bumungad sa'kin ang isang lalaki na may balot ang ulo at nakatali ang mga kamay habang hila-hila ng dalawang naka maskarang lalaki.

Tulog ata siya, kase walang ingay na nagmumula sa kaniya, sinundan ko sila ng tingin habang papalapit sa'kin.

"Hmmm...mmmm." pinipilit kong nagsalita pero 'di maintidihan.

"Manahimik ka!!" Sigaw sa'kin ng isa. Gaya ko ay tinali din nila yung lalaki at tinanggal ang takip ng mukha. Laking gulat ko ng makitang si Kleon yun, wala na yung glass niyang malaki at puro pasa din ang mukha dahil mukhang naglaban ata siya.

Nang matapos sila sa ginagawa nila ay umalis din sila at nilock ang pinto. Galaw ako ng galaw para magising si Kleon, pilit kong inikot ang upuan ko kahit nakatali ang paa ko at sipain ang upuan niya.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon