15

599 58 11
                                    

***

["Azal, ready kana ba para sa exam?"] Bungad sa'kin ni Dean pagkasagot ko ng tawag niya.

"D-dean, p-pwede po bang wag na muna ako?" Kinakabahan kong sagot.

["Bakit? Pa'no na ang pag-aaral mo?"]

"Dean, mas may kailangan po akong asikasuhin, mas importante, gagawan ko po ng paraan ang pag-aaral ko, nandiyan lang naman po yan at hindi aalis." Sagot ko.

Gusto kong makita ang tunay na ako, gusto kong makita ang tatay ng Mama ko, gusto kong patayin ang gumawa noon kay Mama, marami akong gustong gawin, ang pag-aaral, nandiyan lang at hindi aalis.

Nag-asikaso agad ako pagdating ni Boss sa bahay, siya daw kase ang maghahatid sa'kin kay Mr. Valdemore. Kabadong-kabado ako pagsakay ko ng kotse.

"Haha, Ms. Azal, 'wag kang kabahan, simula ngayong araw, magbabago na ang buhay mo." Natatawang sabi ni Boss.

"Boss-"

"Don't call me Boss, Kent na lang, kanang kamay ako ng lolo mo, ako ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya, kaya hanggang ngayon nandito ako para alagaan ka, saksi ako sa paglaki mo hanggang sa makapasok ka sa ground." Mahabang paliwanag niya.

Naalala ko naman kung pa'no ako nakapasok doon.

"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang matandang lalaki.

"Wala kang pake." Dahil sa sakit na nararamdaman 'di ko na siya narespeto.

"May nambubully na naman sa'yo noh?" Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin ng diretso.

"Pa'no niyo nalaman?"

"Matagal na kitang nakikitang nakikipag-away, alam ko rin na mahirap lang kayo, iniwan ka ng tatay mo, at ngayon ang mama mo ay nagbebenta ng kung ano-ano sa palengke."

"Sino ka? Bakit alam mo ang tungkol sa buhay ko?"

"Dimo na kailangang malaman, nandito ako para imbetahan ka sa isang party, don't worry mag eenjoy ka don."

"Party?"

"Oo, kasama yung tatlo mong kaibigan, si Liks, Jak, at Nash."

Dahil mukha naman siyang mabait ay sumama ako, at ganon na lang ang gulat ko ng pagdating namin don ay maraming tao, mga illegal na gawain, nandoon yung tatlo kong kaibigan, habang si Nash at Jak ay may kahalikang babae, si Liks tanging umiinom ng alak.

Nag enjoy ako ng unang araw dahil, bukod sa nagkakapera ako, nalalabas ko pa yung galit ko, nate-train ako sa pagiging basagulera ko, kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko.

"Andito na tayo Azal," nabalik ako sa ulirat ng sabihin niya yun, isang malaking gate ang bumungad sa'min, may nakaukit sa gintong gate na VALDEMORE, inilabas niya lang ang ulo niya sa bintana ay kusa na itong bumukas. "Dito kase ako lagi kaya saulo na ako ng gate haha." Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon