30

475 26 0
                                    

***

"Anong nangyari Azal?" Nag-aalalang si Lolo.

"Lolo, nakita ko po si Kleon," Sabi ko habang tumutulo ang luha.

"Huh? Paanong-"

"Tinginan niyo po," pinakita ko sa kaniya ang cellphone ko na nandoon ang patunay na nakita ko si Kleon na nakatalikod. Pinakita niya rin ito kay Mang Miguel, nagkatinginan sila saglit bago ibalik ang cellphone sa akin.

"Azal, baka naman kamukha lang ni Kleon?" Tanong ni Mang Miguel.

"Tama siya Azal, 'wag mo muna kase siya isipin, kase kung gusto ka talaga niyang makita, pupuntahan kana niya kahit nasaan kapa," dagdag ni Lolo.

Kahit na ganon, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang makikita ko siyang muli.





Naka-upo lang ako sa sala habang patuloy na iniisip ang nakita ko kanina. Nakatitig lang ako sa cellphone ko kahit umaandar ang tv sa harapan ko.

Narinig kong bumukas ang pinto at binati ng mga katulong ang mga pumasok.

"Oh my god, 'di ko makakalimutan ang araw na'to," masayang sabi ni Ashley.

"Me too, this is memorable," Si Celine.

"Saan naman tayo bukas?" Tanong ni Diane.

"Kung saan maraming tanawin na magaganda," Sagot naman ni Nash.

Nagtatawanan sila doon, agad ko namang tinago ang cellphone na hawak ko at nagkunwaring nanunuod, kahit 'di ko naman alam kung ano ang pinanunuod ko.

Sana all masaya.

Naramdaman kong lumapit sila sa akin kaya inihanda ko na ang sarili ko. Nanatili akong nakatingin sa tv nang maupo si Nash sa tabi ko.

"Saan kayo pumunta Azal?" Tanong niya sa akin, 'di ko siya pinansin at nanuod lang.

"Azal?" Tawag naman ni Jak at hinarangan ang tv.

"Kahit saan," mabilis kong sagot at tumayo na, naglakad ako palabas ng bahay at pumunta sa garden na naroon. Umupo ako sa isa sa mga upuan at tumingin sa taas.

Sumalubong sa akin ang blue na langit, it gave me comfort this time, pinikit ko ang mata ko at mukha agad ni Kleon ang naisip ko.

Where are you? Nasana kana ba kase?

May kumawalang luha sa mata ko kaya mabilis kong yung pinunasan.

"Azal?" Tawag ni Celine at naglakad palapit sa akin kasama yung dalawa.

"Bakit?" Tanong ko.

"May problema ba?" Tanong ni Diane.

"Wala naman."

"Sinungaling, sa mukhang yan wala kang problema?" Si Ashley.

Di ako sumagot at hinintay na lang na lumapit sila. Timabi sa akin si Ashley at tumingin sa malayo kagaya ko, si Celine at Diane naman ay nakatayo lang at nakatingin sa akin.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon