28

525 29 0
                                    

***

Pinapanuod ko lang yung anim na mag away-away dahil sa kakulitan ng mga babae. Tumingin naman ako kay Mang Miguel at nakita ko siyang nakatulala doon sa anim.

Pinilit ko pa si Lolo na isama siya kase sayang naman, nandoon na din siya tapos 'di pa isasama, malaki din ang natulong sa akin ni Mang Miguel kaya deserve niyang magbakasyon kasama ko.

Para ko na rin kaseng tatay si Mang Miguel, kaya mahirap kapag mawala siya. He help me to grow, he help me to realize what my real world was.

"Mang Miguel." Tawag ko dito pagkalapit ko sa kaniya.

"Oh?" Tanong nya.

"Ba't ka po nakatulala?" Natatawa kong tanong.

"Masaya lang ako, nag-aasaran kase sila, ikaw? Bakit 'di ka makisali sa kanila?" Tanong niya pabalik.

"Hayaan niyo na po, medyo masakit din yung braso ko," sagot ko naman.

Pagkatapos kong makipag kwentuhan kay Mang Miguel ay lumapit naman ako kay Lolo na busy sa cellphone niya.

"Bakit?" Tanong niya agad nung umupo ako sa tabi niya.

"May balita po ba kayo kay Kleon?"

"Sabi ko na itatanong mo yan eh," Napasimangot naman ako doon.

"Lolo,"

"Wala akong balita."

"Pero kaya niyo po siyang hanapin 'di ba?" Tanong ko, umaasang sasagot siya ng 'oo' pero kabaliktaran ng inaasahan ko ang isinagot niya.

"Hindi..." May kasama pang iling. "Azal, mahal mo ba yung lalaki na yun?" Napayuko ako at 'di naka sagot, napa buntong hininga naman siya. "Azal, kung mahal mo siya, hahayaan mo muna kung nasaan man siya ngayon, kaya mo bang makita ang lalaking mahal mo na nasasaktan dahil sa'yo?" Tanong niya na ikinataka ko.

"H-hindi po,"

"Yun naman pala eh, hayaan mo muna siya, at kung talagang mahal ka niya, babalik siya at hahanapin ka," sabi niya. "Balak pa naman sana kitang ipakasal kay Zion." Dagdag niya pa.

"Lolo naman," Reklamo ko agad.

"Alam ko, alam ko namang ayaw mo, kaya nga 'di ko na itinuloy eh, nakita ko rin kung gaano ka kaimportante kay Kleon, kaya ka niyang ipagtanggol kahit buhay niya pa ang kapalit, nagpasalamat kana ba?" Umiling ako sa tanong niya.

Alam ko naman, simula pa lang alam ko na kung gaano ako ka importante sa kaniya.

"Magpasalamat ka."

"Pa'no po?"

"Di ko din alam, gumawa ka ng paraan," sagot niya na ikinataka ko. Paano daw yun?

Alam ko na kung saan ako nagmana.

Binalik niya ang tingin niya sa ginagawa niya sa cellphone niya, sumilip naman ako doon at nakikita ko s'yang naglalaro ng offline games na candy crush.

"Naglalaro ka pala niyan Lolo?" Tanong ko.

"Oo naman haha," sagot niya.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon