13

621 65 2
                                    

This part is dedicated to my Tatay tatayan Raque, because he's the one who make me feel happy, at isa sya sa mga sumusuporta sakin, iloveyou tatay❤️

***

I was happy because in that day nakalimutan ko lahat ng problema ko, pero ngayon naalala kong 'di pa pala ako nakakahanap ng trabaho.

Yung pera na natira sa'kin, 'di ko sure kung kakasya. Ilang buwan na lang din, magabakasyon na, kaya kailangan kona makahanap ng trabaho.

"Azal, tawag ka daw sa Dean's office." Sabi ni Nash, pagkapasok niya ng room.

"Bakit daw?" Takang tanong ni Liks at tiningan niya ako.

Nagkibit balikat ako bago sila tinapikan ng kamay at lumabas ng room. Para saan na naman ito? Baka masamang balita na naman ang sasalubong sa'kin ah.

"Pasok ka, Azal," Sinunod ko yung secretary ni Dean at umupo sa upuang naroon, "antayin lang natin si Dean, may ginagawa kase." Dagdag niya pa.

"Opo." Sagot ko.

Ilang minuto lang ay pumasok si Kleon, nakangiti siyang tumabi sa'kin.

"Hi bebelabs," bungad niya agad sa'kin kaya agad akong napa irap.

"Tumigil ka nga." Irita kong sabi sa kaniya.

"Yung noo mo, nakakunot na naman, 'di kaba masayang makita ako?" Malungkot na tanong niya.

"Hindi." May diin kong sabi.

"Sama." Yun ang huli niyang sinabi bago pumasok ang dean.

"Thanks for coming, ahm... Gusto ko lang sabihin na ihanda niyo na ang sarili niyo dahil, aalis kayo bukas ng umaga." Deretsong sabi niya.

Bukas na pala, sakto na kaya yung review ko?

"Exempted kayo ngayong araw, pwede kayong mag-aral pa, para bukas." Dagdag niya pa.

Kailangan ko itong maipasa, ito na lang ang makakatulong sa akin, kaya never ko itong papakawalan.

Matapos ang usapan namin don, ay lumabas na kami ni kleon.

"Azal, don kaya tayo sa cafeteria." Sabi niya habang naglalakad.

Pumayag na lang ako sa kaniya dahil nagugutom na din ako.

"Kaso, hindi tayo makaka concentrate don." Nakanguso niyang sabi.

"Ede bumili na lang tayo ng pagkain tapos punta tayo don sa likod ng Library." Sabi ko at tumango naman siya kahit nagtataka.

Pagdating namin don, madami ang nagbubulungan tungkol sa laban namin.

"Kakayanin kaya nila yun?"

"I think, matalino naman si Kleon at Azal."

"Eh, alam naman natin lahat na ang makakalaban nila ay hindi basta basta."

Alam ko yun, at hindi madaling talunin lalo pa at mayayaman ang mga nag-aaral sa school na kakalabanin namin.

Kahit gaano ako katalino pagdating sa school na'to, hindi ko masisiguro pagdating don, kinakabahan ako na baka mapahiya lang kami ni kleon.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon