PROLOGUE

3.1K 172 60
                                    

***


"HABOL!" Sigaw ko.

"Bumalik ka dito!" Sigaw naman ng mga siraulo kong kaaway na tambay.

"Manigas ka," natatawa kong sigaw pabalik habang tumatakbo. Patuloy lang ako sa pagtakbo dahil baka maabutan nila ako, mabilis ako sa kanila kaya nang medyo malayo na ako ay huminto ako para magpahinga. "Ang bagal nyo namang tumakbo, pa'no nyo'ko mahahabol n'yan?" Umupo pa ako sa simento habang tinitingnan sila palapit sa'kin.

"HOY!" Sigaw nila, tumingin ako sa orasan ko at napansing malapit na akong ma-late.

"Pa'no ba yan? Mauna na ako? Malapit na akong ma-late eh," Tumayo ako at sinukbit ang backpack sa likod ko.

"HOYY! Bumalik ka dito!!" Sigaw na naman nila. "Hindi pa tayo tapos!!! Magkikita pa tayong bata ka!! Tandaan mo yan!!" Sigaw muli nila.

"Oo!" Balik sigaw ko, tumatawa akong tumakbo patungo sa school.

Hinahangos akong dumating sa gate. Hinawakan ko ang tuhod ko sa subrang pagod. Nakakahingal tumakbo.

"Nasaan ang ID mo? At bakit naka jogging pants ka?" Bungad sa'kin ng guard.

"Guard naman, para namang di kana nasanay sa'kin."

"Bakit nga?" Tanong niya.

"Magpapalit na nga."

"Eh yung ID mo?"

"Nandito sa bag." Padabog akong pumasok sa CR at nagpalit, inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas.

"Alam mo ikaw na bata ka, napaka basagulera mo, kababae mong tao, lagi kang nakikipag-away, para kang lalaki," puna sa'kin ni manong guard.

Tingnan mo, nangingialam pa talaga.

"Manong guard, lalaki po ako, hindi po ako babae," sagot ko at inakbayan pa siya, matapos kong magpalit.

"Nasaan ang lawit mo kung lalaki ka?" Tumingin pa siya sa ibaba ko.

"Hayaan mo, sasabihin ko kay Nanay gawan niya ako," sagot ko at tinawanan niya naman ako. "At saka, intindihin mo na lang ang buhok mo, patubuin mo, wag ako ang pansinin mo, lalo lang numinipis ang buhok mo kapupuna sa'kin eh, mapa umaga, tanghali, hapon, ako na lang lagi," reklamo ko.

"Aba, trabaho ko yun, at saka wag mo ngang pakialaman ang ulo ko, pumasok kana at late kana naman," sabi niya at aktong ihahampas niya sa'kin ang hawak niyang batuta.

"Easy ka lang, papasok na." Sagot ko habang tumatawa.

"Yung ID mo-" kumaripas na ako ng takbo dahil nakalimutan ko ang Id ko, hindi ko pala nadala. Magtatago na lang ako mamaya kapag uwian na.

Halos lahat ng nadadaanan kong room ay may mga guro na, malamang 8 am ang klase ko, 8:30 na, I'm 30 minutes late, yari na naman.

"Good morning ma'am, sorry I'm late," sabi ko at yumuko ng hanggang bewang.

"Na naman Azalea Rieko?" Nakapamewang na si Miss Baclaine. Nakataas pa ang isang kilay.

"Sorry miss, hindi na po mauulit," nakangisi akong ngumiti sa kaniya.

"Yan na naman sasabihin mo, tuwing klase ko na lang, lagi kang late, kung hindi ka lang talaga..."

"Sorry po."

"Umupo kana at humabol ka sa pinag-uusapan namin!" Galit niyang sabi at ako naman ay nag martya papunta sa gitna kung saan naroon ang mga tropa ko.

"Gago late kana naman," natatawang sabi ni Nash.

Incomplete Love- Student Series #1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon