5

7.4K 98 1
                                    

-Ezicole


"Ayy wow ha? Mali ka ata ng pinuntahan friend. Nasa restaurant ka wala sa bar" sabi nya pero tumayo naman din sya at may kung anong kinuha sa kanyang cabinet. "Ayan na ho ma'am" bigay ni Chia sakin. Cocktail lang iyon, kung tutuusin parang juice lang tong cocktail kaya lang may kunting alcohol kaya bawal sa mga bata.

"Saan ang anak mo?" Tanong ko ng mapansing wala sa opisina nya ang baby boy.

"Sumama sa Daddy nya" tumango ako.Nilibot ko ang tingin sa opisina nya at napa dapo ang tingin ko sa weeding picture niya.

"Ang gwapo ng baby loves mo ah" panunukso ko kay Chia.

" Ako pa!"sabay flip hair sa hindi naman gaano kataasang buhok nya.

Alas sais na ng matapos kaming uminom ni Chia.Pina hatid lang nya ako sa isa sa trabahante nya dahil hindi kona keri ang mag drive ng Kotse.Hindi naman sa nahihilo ako though may kunting hilo pero mas nangingibabaw sakin ang sakit ng ulo.


"Ayy wow!Ano kayang inaasikaso ng babaeng ito" Hawak ni Zen ang braso ko at pinaupo sa couch. "Yaya paki templa po ng coffee" rinig kong sigaw nya.


" Bihis lang ako" akmang tatayo na sana ako ng hinila nya ako para maupo.Ano bang problema ng babaeng to?hindi na naman ako lasing at isa pa I can manage my self naman ahh.Hindi naman ako yong tipong babae na basta basta nalang lunurin yong sarili nila sa alak.

"Mamaya kana mag bihis.Explain muna kung bakit ka nag lasing" masungit na sabi nya.Kahit kailan ang maldita talaga ng babaeng ito kung maka asta parang older na sya sakin ng nga 1 year.


"Wala,nag kwentuhan lang kami ni Chia then ayon napa sarap kaya medyo tipsy" sabi ko nalang tsaka tumayo at pumunta sa kwarto ko.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga.alas sais pa lang ay nasa clinic ko na ako.Hindi ko nga alam kong bakit ang rami naming costumer siguro ay mahilig kumain ng mga matamis yong mga tao dito.


"Aga mo ah" bumukas ang isang sliding door papunta sa clinic ng pinsan ko at niluwa ang magaling kong pinsan suot ang kanyang white coat.

"Pambawi ko lang kahapon" tumingin ako sa cctv monitor na nag hintay na tawagin yong mga last name nila. " Pumwesto kana dun!rami ng tao ohh"utos ko kay Zen at nginuso ang cctv monitor.


" Sira na ata mga ngipin ng nga tao ngayon"labas ilong na sabi ng pinsan ko tsaka nya sinarado ang sliding door na naka pagitan sa clinic ko at clinic nya.


Alas dyes ng medyo wala nang masyadong nag hintay kaya umupo ako sa swevil chair ko at kinuha ang phone ko.Wala man lang text?calls?yong too naging kami ba?or sadyang parte lang yun ng kalandiaan nya o baka naman tigang lang yon?desperada ng mailabas yong mga sperm nya.



"May bisita ka sa labas" nilingon ko ang pinsan ko ng basta basta ko nalang marinig yong boses nya sa clinic ko.kinunotan ko sya ng noo.sino namang bibisita sakin? "Bilis na!" Hinawakan nya ang white coat ko at pilit na itinaas kaya tumayo nalang ako st iniwaksi ang kamay nya na nasa white coat ko.


Lumabas ako sa clinic at tiningnan ang buong paligid.Sino namang nag hanap sakin?o sadyang pinag tripan lang ako ng pinsan ko.Mabilis akong oumasok muli sa clinic at dumiritso sa pwesto ng pinsan ko.


Naabutan ko syang nag babasa.Tumingin sya sakin dahil siguro napansin nya iyong presinsya ko.Ngumisi sya bigla. "Sa susunod na pag tripan mo ako ay lagot ka sakin" pag babanta ko sa kanya.


"Seryuso mo kasi,mukhang may hinihintay ka kaya ayon" Inirapan ko sya at pumasok muli sa pwesto ko.Alas tres ng nag pa alam ako sa pinsan ko.May pupuntahan kasi ako ngayon at hindi ko alam kong bakit ako kinabahan.



"Ohh shit Zoren!" Tinapakan ko bigla yong break ng kotse ko kaya halos masubsub na yong mukha ko papunta sa manobila mabuti nalang at naka seat belt ako. "Ano naman ang gagawin ko dun?" Parang tangang tanong ko sa aking sarili.




Ngunit namalayan ko nalang ang aking sarili na nasa parking lot ng Munisipyo."Ano naman ang idahilan ko?".Nandito nalang din naman ako kaya lumabas nalang ako ng kotse at pumusok sa Munisipyo.



Hindi na ako hinihingian ng pangalan ko bagay na ipinag taka ko.Dumiritso ako sa elevator at tinap sng floor kung saan ang opisina ng Mayor.





Kakalabas ko lang sa elevator at hindi ko alam kong bakit napa ka ingay ng floor na ito.Noong pumunta kasi ako rito ay walang ingay ang marinig mo pero ngayon?




"Si Mayor?" Magalang na tanong ko sa kanyang secretary.




"Nasa office nya po ma'am pero nay kausap papo sya ngayon.Maari ka naman pong maka upo dyan" sabi ng Secretary nya turo sa upuan na nasa harapan ng lamesa nya.




"Hindi pa ba mag jowa sila Mayor?"


"Naku!nag jowa na yan lowkey lang ang peg"


"Sabi mo pa!marami kayang nag kalat na photos at vedio na mag ka sama sila tapos ang sweet sweet pa"



" Bagay din sila ano?parihong mga anak ng mga politicians"



" Naku balita ko may jowa yan si Mayor noon"



" Meron talaga yan teh,sa gwapong mukha nya?"




" Ehh alam nyo ba kung sino iyong jowa nya noo?"



" Hindi ehh pero ang balita balita noon ay nag hiwalay sila dahil sa kanilang mga pangarap"




" Ayy baka si ate girl muna yan teh?"



Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila.Kinuha ko ang phone ko para mag scroll scroll sa Ig ko.Sino kaya ang kasama ngayon ni Mayor?Ito kaya yong anak nung katawag nya kahapon?Bakit naman sya nandito?





Dahil medyo matagal pa sila sa kung sino mang kausap ngayon ni Mayor ay napag isipan kong eh stalk ang Ig ni Mayor.Mayroon na iyong 800k thousand followers at isa lang ang post nya at wag ka hindi yun mukha nya pero umabot ng likes sa 1million.Kwentas iyon na binigay nya sakin noon. Natatawa pa ako sa mga comments nila noon. 'kesyo daw baka may gf yong anak ng Mayor' sa panahon kasi ng post nya ay iyong daddy pa nya ang naging Mayor sa lugar namin ngayon. May iba ding comments na baka sa Mother lang nya ito or sa pinsan.





Sa pag scroll ko sa Ig comment ay nakita ko yong mga hashtag Ezicole. Tiningnan ko ang mga comments at 3 months ago,6 months ago lang iyon. May nag sasabi pang 'mayor E confirm nyo na yong relationship nyo with @Coleymi '. Ti nap ko iyong kulay blue at napunta ako sa account ng 'Coleymi'. Mayroon syang 234k followers.





Binasa ko ang mga comments sa latest post nya which is 4 hours ago. Ang post nya ay selfie nya background ng mga pag kain with a caption of 'preparing for our lunch'.May ibang nag comments pa na congratulations,Ss pero mas nakuha ang atensyon ko doon sa may pinaka raming likes at reply.


@Ezicole_fanacc - Miss Micole,para kay Mayor ba yan?


Marami pang nag reply sa comment nya like 'tinatanong pa ba yan?'.So ito ba iyong babaeng sinasabi ni Chia na anak ng politicians?No doubt maganda din ang babae at kung maging sila man ni Mayor ay tiyak na mga magaganda at gwapo ang maging anak nila.





"Ma'am pwede ka ng maka pasok" sabi ng Secretary.Tumango ako at binalik sa bag ang cellphone ko.Uminom muna ako ng tubig bago ako tumayo at pumasok sa opisina ng Mayor.

~•~•~•~•~



Politician Series 1: Seize me,Mayor [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon