2

9.2K 149 2
                                    


" Can we talk in Private Ma'am?" Tanong nya kay mommy. Pasimple syang tumingin sa akin. Alam ko naman kong anong ibig nyang sabihin dahil napakadali nya lang talagang basahin.

"Sege na mom, pupunta lang ako sa unahan" Paalam ko kay mommy.

"Kaya mo mag isa? May lagnat ka pa naman,  pwede naman kitang pasamahan sa aking secretary" Biglang umubo ang Mayor. Kaya mabilis akong umiling at tuluyan na silang iniwan. Naglakadlakad lang ako at paminsan minsan ay pumitan sa prutaas para kainin ko. Naka upo ako ngayon sa hagdanan sa isang kubo. Ginawa ang kubo na ito para may sisilungan ang mga empleyado namin. 

"Ate Zoren!" patakbong pumunta sa akin ang isang dalagang babae. Kilalang kilala ko sya, SIya ang anak ni Kuya Rene na empleyado namin.  Ako ang nagsasabi nila Daddy na suportaan ang  pag- aaral niya. Lumapit sya sa akin at may ibinigay na pagkain na gawa daw sa cassava. "Totoo nga ang narinig ko, umuwi ka nga ate Zoren" manghang tingin niya sa akin tsaka sya umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang sya napansin na may dalang tupperware. "Masarap yan ate, gawa ko yan tapos tinitinda ko para may dagdag ipon" 

"Anong grade kana ngayon?" Tanong ko at kinain ang tinda nya. Masarap nga iyon, at alam kong mas lalo pa itong sasarap kong lalaagyan ng cheese sa ibabaw.

"Grade 12 po ate, TVl- Cookery po kinuha kong strand  para pagkatapos kong grumaaduate sa grade 12 ay gagawa kami ng karendirya ni mama"Magiliw na sabi nya sa akin. "Malaking tulong niyo na sa amin ate, salamat kasi nakaranas akong makapasok sa isang mamahaling skwelahan" lumapit sya sa akin at niyakap ako.

" May manliligaw ka na ba dun?" Bigla syang napa ngiti sa naging tanong ko.

"Ate madami po, kaso nakakahiya silang sagutin kasi mahirap lang kami" Biglang sabi nya sa lungkot na boses.

"Averyn! Sinasabi ko na, dito ka talaga always magtambay" Lumapit sa kanya ang isang gwapong lalaki at kumuha sa tinda nya.Magrereklamo sana si Averyn ng mapansin niya ako kaya bigla syang namumula. Morenang bata si Averyn, ngunit sobrang nagagandahan talaga ako sa kanya. 

"Niko, mahiya ka nga! Nandito si ate Zoren oh" Saway nya sa lalaki. Tumawa ako ng nagka tinginan kami. Talaga namang sa babaeng mahal nya lang sya naka focus ano?

" Ako nga pala si si Nicholaus  ate, ikinagalak ko po kayong makita" Pagpakilala niya sa akin. Kanina ko lang napansin parang kamukya nya si Kiel. " Alam ko na kung ano iyang nasa isip mo ate. Half brother po nya ako. Recently lang po nalaman ng lahat since tinago ako ni papa. Anak kasi ako sa labas eh" Ngumiti sya ng  mapait.

"Hey dont say that, kung ano ang maling naigawa ng ating mga magulang ay sa kanila na iyon. Hindi mo naman ginusto ang mga nagyayari" sabi ko sa kanya dahil mapapansin ko ng kinakahiya nya talaga ang kanyang sarili.

"Nicholaus" Napatigil ako ng may boses na parang nyebe sa aking kiliran. Agad napatayo ang kanyang kapatid.

"Sorry kuya, nasasabi ko po kay Ate Zoren" nanginginig na sabi ni Nicholaus kaya naman kumunot ang noo ko. 

"Alam mo naman pala eh" Pampilosopo ni Kiel. Hindi ko nagustuhan ang inaasta nya kaya sasabat na sana ako ng bigla lang syang umalis at tiningnan ng masama ang kanyang kapatid. Nang nawala na si Kiel ay biglang bumuntong hininga si Nicholaus. 

" Pagpasensyaan niyo na si Kuya, mainit talaga ulo nya sa akin palagi" Naawa akong tumingin ni Nicholaus.

" Palagi ka bang sinasaktan ng kuya mo?" seryusong tanong ko sa kanya.

"Tanggap ko naman na po ate ang galit nila, eh anak ako sa labas eh. Inshort ako ang dahilan kung bakit nagwasak-wasak ang pamilya nila.Sege na ate at Averyn, maiiwan ko muna kayo" Biglang tumakbo si Nicholaus at sinundan ang kuya niya.

Politician Series 1: Seize me,Mayor [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon