21

3.7K 55 0
                                    

Tatlong taon na akong naka tira dito sa Cebu. Marami na din akong mga natutunan na mga language nila at naging favorite ko na din dito iyong dried mango. Sa tatlong taon na iyan ay naka ipon ako ng pera kaya bumili ako ng condo ko dito.

"Uy si Doc may iniisip" inirapan ko iyong nga nurse dito na panay asar nila sa akin. Mga assistant namin sila pero may pinag aralan naman sila about sa mga ngipin at may uniform sila na parang nice talaga na kula light brown.

"Mag si tigil nga kayo baka mamaya hindi talaga ako maka pag pigil at tatawagan ko na siya."






"Pag hilom mo" saway ko sa kanila. Napa tawa sila dahil ginamit ko naman ang Cebuano language na natutunan ko dahil sa kanila. Pag Hilom is Shut up in English.

Lunch break namin ngayon at andito kami sa Restaurant na nasa harap lang ng building na pinag trabahuan namin. Si Grace at Waren ang naging kaibigan ko dito. Si Waren ay bakla yan kaya wag kayong ma issue.

"Liar ka gerlalu lahams naman namin na si Papa hot iyong iniisip mo" Ayan na naman ang weird na mga word ni Waren. Noong una ay grabe talaga siyang mag salita like iyong ako maging akiz at iyong Papa niya ay fafa, Iyong gir naman nya ay gerlalu,iyong alam niya ay lahams akala ko noong una ay mahal iyan pero sabi niya with s daw iyong sa kanya kaya alam daw iyan. Nakaka sakit ng ulo pero keri ko naman din.

Si Grace at Waren din ang kasama ko sa condo.Hati hati kami sa babayarin.Mayroon namang tatlong kwarto iyong condo kaya tig iisang kwarto kami.

"Sweet talaga nila doc Cris at ni Kriza ano?" Papasok na kami sa clinic namin at naabutan namin sila Doc Cris at Kriza na nag yakapan. Isa din sa mga batang dentist si Doc Cris na nagtrabaho dito at assistant naman niya si Kriza. Wala pang opisyal na announcement na naging sila pero halata naman na sila na.

"Hmpp sa una lang yan" mahina akong sinapak ni Waren tsaka napa tawa lang sabay iling na iling si Grace.

"Ang bitter mo" sabi ni Waren. Pumunta na ako sa clinic ko na nasa second floor. Sa araw ngayon ay dalawang pasyente ang nag pa brace sa akin at isang pasyente naman ang nag pa pasta. Hindi ko ba alam kung bakit iyong mga bata ngayon ay gustong mag brace siguro ay nakisabay uso lang.


Kasalukuyan akong nag scroll sa Instagram ko ng may kumatok. Binalik ko na rin lahat ang mga account ko ng naka move on na ako sa kanila. Hindi ko alam kong bakit walang update ngayon si Micole at lalo na sa Mayor na iyon.

Niluwa doon si Ivan na mukhang ina antok pa. Suot niya ngayon iyong white coat niya. Bigla syang ngumiti sa akin. Kung noon ay naiirita ako sa ngiti niya ngayon naman ay palagi ko na itong hinanap sa kanya. Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Kakatapos lang ng meeting namin" para syang batang nag sumbong sa akin. Umupo ako muli sa swevil chair ko at siya naman sa upuan na nasa harap lang ng table ko.

"Ohh tapos?" Hindi ko sya tiningnan dahil gusto ko syang asarin.

"Bambolina!" Napa irap ako dahil iyon na naman ang tonawag niya sa akin. Alam nyang hate ko na iyang endearment na iyan pero iyan ang itawag niya sa akin tuwing mang asar ako sa kanya. Tumawa siya sa pag irap ko. Hindi ko alam kong ano ba iyong ekspresyon ng mukha ko pero sa tuwing Naiirita ako sa kanya ay tawa lang sya ng tawa.

Hindi kami mag jowa at mas lalong hindi din kami kaibigan kaya wag kayong ma issue dahil wala kaming ibang naramdaman sa lalaking ito kundi ang pareho naming gustong asarin ang isat isa. Lahat ng mga nag trabaho dito ay inasar nila kami ito namang lalaking ito ay sumama din sa pang aasar sa akin like umakbay sya sakin pag inasar ako? Mag i love you I love you kahit nakairita.

"Its been a month na rin nung last nating  mission wala pa bang pa meeting ang mga officers?" Every month kasi kaming busy dahil sa misyon na iyan.

" Wala pa ehh?baka malaking lugar iyong mission natin sa susunod" kadalasan kasi kaming mag dental mission sa mga paaralan.

"Paano pag sa lugar niya iyong mission?"

" Di pa ako naka move on kay Daddy" bigla namang bumalik ang bigat nang aking damdamin ng maalala ko si Dad.Oo ngat naka move on na ako sa relasyon namin ng Mayor sa San Raphael pero hindi pa ako naka move on sa pag ka wala kay Daddy.

Mag 1 year and 5 months na nung pangyayaring iyon pero ang sakit parin.Hindi ko pa alam kong bakit nasunog iyong mansyon namin.Kasama ko si Ivan na patagong pumunta sa lugar namin.Sunog na ang katawan ni Daddy nung nakita namin kaya deritso libing sya.

Kaya pala si Mommy nalang ang nangumuata s akin noon dahil divorce na iyong mga magulang ko at kaya hindi ko na sila masyadong makita sa mansyon dahil may kanya kanya na silang Buhay.Nag papasalamat pa rin ako kay Mommy dahil hindi sya naki pag asawa ng iba gayun din si Daddy.

Napa ka challenging ang buhay ko sa nag daang tatlong taon.I lost my man,Nawala din sa akin si Daddy at nalaman kong nah divorce ang nga magulang ko pero ito ako ngayon patuloy parin at sinisiguro kong ikinagulat nila ang aking pag babalik muli.

"Umiiyak ka na naman.Gusto mo lollipop?" May kung anong kinuha sya sa bulsa ng kanyang white coat at nilabas doon ang lollipop.

"Mag sitigil ka nga!" Saway ko sa kaniya.Binalik niya ang lollipop sa kanyang bulsa at seryusomg naka tingin sa akin.

"Kaya mo nabang malaman kung bakit namatay si tito?" Seryuso nyang tanong pero napa tawa ako dahil naki tito na naman sya sa Daddy ko kahit hindi sila close ni hindi nga nya nakita si Daddy pwera nalang sa bangkay nya.

"May alam ako pero little lang" Narinig ko kasi noong may katawag si Ivan at doon nalaman kong sinampahan nila ng kaso si daddy dahil nag nakaw daw siya ng pera noong member oa sya sa politics.Naging sikat din ako nun dahil alam nilang ang babaeng naka sama ng Mayor namin ay anak ni Mr Legazpi which is ang daddy ko at agad lumabas ang issue na baka ginamit ko lang si Mayor upang nakawakan ng Pera.

"Anyway kumusta na ba ang puso na tin ngayon?" Pang aasar nyang tanong sa akin.

" Napalibutan na ng Yelo"sagot ko bigla syang ngumiwi.

" Baka nabalutan ng ampalaya kako"pag tatama niya.Sobrang bitter ko na daw kasi to the point na man logaw siya ay sasabihan ko lang na 'walang forever kaya wag ka nang manligaw'. Wala nga akong ideya kung bakit naging bitter ako basta ang tanging alam ko lang ay nakaka suka iyong mga mag jowang sobrang sweet tapos kung mag sawa ay basta basta nalang ibasura iyong relasyon nila.

~•~•~•~•~

Politician Series 1: Seize me,Mayor [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon