CHAPTER 6

21 0 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 6

Jen's POV

Crushed

After a month ay walang nangyari, hindi ako nabuntis. Sa mansion na rin nakatira si Jerick at hindi nga ito umalis kagaya nga ng sabi niya na mananatali siya sa tabi ko. Hindi ko pa rin siya tinatrato bilang asawa ko. Hinayaan ko lang siya sa paligid ko pero hanggang doon lang iyon.

Nagsunod-sunod ang trabaho ko. Ganoon na rin si Jerick kaya hindi na nasundan pa ang nangyari nang gabing iyon. Nagulat na lang ako nang ipatawag ako ni Mami. Dumating ang secretary niya sa opisina ko at sinabing gusto akong makausap ng amo niya.

Noon ko lang napansin na November na pala. Ginapangan na naman ako ng kaba. Kahit na kumakabog ang dibdib ay pumunta pa rin ako sa mansion niya kung saan niya ako palaging ipinapatawag. Pagpasok ko pa lang sa opisina niya ay bumungad kaagad sa akin ang nakangisi niyang mukha.

"Siguro naman alam mo kung bakit kita ipinatawag?" hindi ako sumagot at nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang nakayuko.

"It's already November. The time is clicking. The day is passing. Magagawa mo ba ang utos ko? Dahil kung hindi sabihin mo lang. Ngayon pa lang ipapadispatya ko na an—"agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huwag!" at tinignan ko siya na may galit sa mga mata. Nakita kong seryoso ang mukha niya at ginapangan ako ng takot dahil doon. Napayuko na lang ako. "M-Magagawa ko. I still have more or less two months. I can do it. I will do it. I promise." Sabi ko na lang.

"Good. Maganda na iyong malinaw. You can leave now. Sa susunod na ipinatawag kita, dapat buntis ka na." naikuyom ko na lang ang kamao ko sa galit. Hindi talaga siya nakukuntento at gusto niya akong nakikitang nahihirapan.

Yumuko ako tanda ng paggalang sa kaniya dahil iyon ang turo at baka madagdagan pa ang ipagawa niya kung hindi ko iyon gawin. Tinalikuran ko na siya at naglakad na palabas.

"Oo nga pala". Malapit na ako sa pintuan nang sabihin niya iyon kaya napatigil ako. "How's Moshi? Magaling ba siya? Baka naman kasi hindi ka willing kaya hindi kayo makabuo?" at tumawa pa siya matapos sabihin iyon. "Maybe if you'll do it with love, makabuo kayo? Ano sa tingin mo?"

Mas naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko para sa kaniya dahil doon pero pinili ko na lang hindi pansinin. Itinuloy ko na lang ang paglabas ko ng opisina niya hangga't napipigilan ko pa ang sarili ko na sugudin siya at sampalin dahil sa mga sinabi niya. Alam ko namang bago ko pa magawa iyon ay nabaril na ako ng secretary niya kaya hinayaan ko na lang.

She's the most cruel person I've ever met. The worst at hindi na ako umaasa na makaramdam pa siya ng awa sa amin kahit na sa kaniya na rin mismo nagmula na kamag-anak namin siya. Kung tratuhin niya kami ay parang mga utusan niya lang. Hindi ko pa rin maitindihan hanggang ngayon bakit kailangan niya pa kaming idamay sa nagawa ng mga magulang namin.

Umuwi na lang ako sa bahay dahil nawalan na 'ko ng lakas na magtrabaho. Magulo rin ang isip ko kaya baka wala rin akong matapos. Itinawag ko na lang sa secretary ko na bukas na lang ako ulit papasok at i-reschedule ang mga meeting ko ngayong araw.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at agad na humiga padapa sa kama. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa ganoong posisyon. Naramdaman kong may nagtatanggal ng flat shoes ko kaya nagising ako. Pagmulta ko ng mata ay bumungad sa akin ang madilim na langit na tanaw sa binata ng kuwarto.

Irog(Mahal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon