A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 9
Jen's POV
Unusual
Sa mansyon na ko nagpahatid sa taxi. Nang makauwi ay wala akong inabutang tao. 8am na rin kasi. Nakapasok na ang mga bata at ganun na rin si Ate at si JM. Saka ko lang naalala na bigla na lang pala akong nawala sa bar kagabi.
Nang sinubukan kong buksan ang cellphone ko ay lowbat pala ito. Agad ko yung chinarge para icheck ang messages. Ayun na nga. Ate flooded me with missed calls and text messages. Ganoon na rin si JM at pati si Princess ay may iilang text doon.
I checked my email and there they are, a lot of different people sending me emails from my whereabouts because I just missed my 8am meeting. It can go on without me actually but it doesn't mean that it is not important and I still feel bad for not attending.
I busy myself calling and messaging people for an hour bago ako nakaligo at naka pagpalit ng damit. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi kaya lumabas ako para uminom ng malamig na tubig. Saka ko diniale ulit ang number ni JM.
"Yes, Ditche?" agad na sagot niya.
"I forgot to add on what I told you earlier. Cancel all my meetings today. I need to rest." sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" rinig ko ang inis pero may halong pag-aalala sa boses niya.
"Don't mind it. That's not important right now. For now, make sure you cancel everything. Cancelling it is already a problem. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema kung bigla na lang akong 'di sisipot ng walang dahilan." inipit ko ang phone ko sa leeg ko at kinuha ang isang pitchel ng tubig at isang baso saka naglakad pabalik sa kwarto.
"Just to remind you. I'm not your secretary, Ditche." pabalang na sagot niya sa akin sa kabilang linya.
"Then bilisan mo sa paghahanap ng bago kong secretary kung nagrereklamo ka. 'Di ko na kasalanan na kukupad-kupad ka." Ibinaba ko ang pitchel at baso sa side table ng kama ko at kinuha ang cellphone ko sa pagkakaipit sa leeg ko. "Do what I say or else!" pananakot ko sa kanya.
"As if I have a say in anything you said. Sige na." sabi ni JM sa kabilang linya. "Oo nga pala, tinawagan mo na ba si Ate?" dagdag na tanong niya.
"Siya ang una kong tinawagan kanina. Bakit?"
"Just making sure na nasabihan mo na siya. Alam mo naman pano mag-alala 'yun. Oh sige na. Magpahinga ka na. I still have many calls to make to comply with your whims." sabi niya na may pipilitan na boses sa huling sinabi.
"Whatever." at pinatayan ko na siya ng tawag.
Humiga agad ako sa kama after ng tawag. Nakatitig lang ako sa kisame habang namayani naman ang katahimikan sa buong kwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa nagdaang gabi.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at unti-unti na namang bumalik ang mga alaala kagabi.
I still feel the unusual, but at the same time, familiar pain on my body and...down there. That made me realize more that there's really something that happened between us.
That's all I can think about before I fall asleep.
Habol-habol ko ang hininga ko matapos humiwalay ng halik ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kamukhang-kamukha niya si Matthew. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na ikulong ang mukha niya sa mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Irog(Mahal)
General Fiction*Hiatus Kabungguang Balikat(Kaibigan) Book 2 Mi amor Mon amour Amore mio Sayangku Nae sarang Watashi no ai Mahal ko Irog ko Gaano nga ba makapangyarihan ang salitang mahal? Marami ang nagsasabi na kapag nagmahal ka marami kang mararanasang bago. M...