CHAPTER 8

4 0 0
                                    


A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 8

Jen's POV

Face

Naimulat ko ang mata ko na parang gulat na gulat. Bigla namang sumakit ang ulo ko dahil doon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinilot ang sintido ko. Habang nakapikit ay unti unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari.

Hindi ko na napansin ang oras at nang napalingon ako sa nasa likod ko ay tumambad sa akin ang isang lalaking naka-white polo na bukas ang unang tatlong butones ng damit habang isang faded jeans naman ang pang-ibaba. Kanina pa ako sumasayaw kasama ang lalaking 'to.

Tiningnan ko ang mukha niya at aaminin kong gwapo siya kahit na may manipis na balbas at bigote. I didn't mind if I just met him, I just dance like what is supposed to do here at the bar. Nakikita ko na minsan ay ngumingisi siya kapag mas napapalapit ako sa kaniya dahil sa mga taong nakakabunggo sa akin.

Hindi ko na matandaan paano ako napadpad sa lugar na 'to. Dati lang ay pinoproblema ko ang pagbabar ni JM na nagpapalate sa kaniya. Ngayon ito ako, nasa parehong lugar na kinakaayawan ko.

It's been months now, I got to make JK Group to invest in us and make some successful big deals in those months. I should be doing some work now but here I am, partying and dancing to my heart's content.

Sa kalasingan ko na rin siguro ay hinayaan ko ang sarili kong mag liwaliw. Hanggang sa makaramdaman ako ng kamay sa exposed kong bewang. That's when my senses got me. Lumayo ako kaagad sa lalaki sa likod ko at agad na iniwan siya sa dance floor.

Inilibot ko ang tingin ko at hinanap si Ate. Nang hindi ko siya makita ay pinili ko na lang na magpunta ng restroom dahil naiihi na ako.

"S-Sorry. Hindi ko shinasadya." Sabi ko ng matapilok at mabangga ang basurahan matapos umihi. Habang may ngisi pa at sinundan pa iyon ng isang sinok na hindi ko alam kung saan nag mula. Iniangat ko ang tingin ko at bumugad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Hindi ko mapigilang panlakihan ng mata. Naituro ko na lang ang daliri ko sa kaniya na siya namang nagpakunot ng noo niya.

"Ikaw?! A-anyong ginagawa mo d-dito?" And I can't control the shivering of my voice. Naramdaman ko na lang din na may tumulong luha sa mga mata ko at bigla na lang umikot ang paningin ko.

"Hey. Kilala ba kita?" At iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

— — —

"Hey." naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko at sa kalasingan ay tinapik ko ang kamay na iyon pabalik.

"Hey lady. Wake up." bulong niya sa akin na nakapag pamulat ng mata ko. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at bumungad sa akin ang imahe ng isang lalaki.

Tinignan ko ang lalaki na nasa harapan ko ngayon at inilibot ang paningin ko. Nasa restroom pa rin pala kami. Agad na nag resistor sa utak ko ingay sa paligid at ang amoy ng bar. Tumayo ako na parang walang nangyari at lalabas na sana ng CR nang mamukhaan ko ang mukha ng lalaki.

Nilingon ko siya na nakakunot ang noo at agad naman niyang itinaas ang kamay niya at makikita mo ang pagtataka doon na may kaunting takot. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya kahit na pagewang-gewang ako. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nang makita siya ng mas malinaw ay agad nawala ang kunot ng noo ko at hindi na namang maiwasang pangilidan ng luha.

Irog(Mahal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon