A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 11
Jen's POV
Site
Walang nagsalita sa aming dalawa at kitang-kita sa mukha ni Eman ang pagkagulat. Malamang na pati ako ay gan'on din. I cleared my throat and averted my gaze from him. Sa dami-dami ng pwedeng mahanap ni JM, si Eman pa ang nakita niya?
"Have a seat." pagpuputol ko sa mahabang katahimikan. Sumunod din naman siya.
Umupo kami pareho sa sofa, ako sa gitna at sa mahabang sofa naman siya umupo.
"What a coincidence, huh?" medyo natatawa pa na sabi ko. "It's been a long time, Eman."
"Oo nga po, Ms Cruz–I mean, Ma'am." sabi niya, medyo nahihiya pa.
"Come on, Eman. You can talk to me casually for now. It's fine." nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya after ko 'yun sabihin.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Tinignan ko lang naman siya ng may pagtataka sa mukha at nakakunot ang noo. Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin niya ako.
"Ms. Cruz. It's nice to see you again." sabi niya at naramdaman kong humigpit ang yakap niya. Yinakap ko naman siya pabalik.
"Me too, Eman." Humiwalay siya ng yakap sa akin at ng marealize siguro ang ginawa ay bigla na lang siyang bumalik ulit sa pag-upo at diretso pa ang likod. Natawa na lang ako sa ginawa niya.
"Kamusta ka na? Ang tagal na rin noong huli tayong nagkita." pangangamusta ko sa kaniya.
"Ayos lang naman po. Hindi ko po inexpect na kayo po ang magiging boss ko. Ang akala ko po baka kapangalan niyo lang." kumakamot pa sa ulo na sabi niya. "Kayo po? Kamusta po kayo?"
"Ayos lang din naman." maikling sagot ko. Hindi na rin alam kung ano pang sasabihin. Namutawi ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Pasensya na po. Medyo nabibigla pa rin po ako sa nangyari. Sorry po, ang awkward ko. Hindi naman ako dati ganito." kumakamot na naman sa ulo na sabi niya at tumawa pa siya ng mahina.
"Oo nga po pala! 'Yung breakfast niyo!" tumayo agad siya ng maalala 'yun at yumuko. "Kumain na po kayo. Binigyan na po ako ni Mr. Cruz ng insight about sa trabaho ko and nasa akin na rin po ang schedule niyo for this week. Isesend ko na lang po sa email niyo. Eat well po." sabi niya ng hindi tinatanggal ang pagkakayuko sa akin.
For some reason, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Maybe because finally I have a secretary but I can't deny that meeting an old friend feels good too. Not like what I imagined before, this doesn't bother me anymore. I feel like I have nothing to worry about. Even though he is part of my past.
"Right. We have work. Come in after 15 minutes. I need to discuss something with you." I said in my working mode voice.
"Okay po." he said obediently at lumabas na siya ng office ko.
Masyado pala akong nasabik, hindi ko napansin. As much as I want to chat with him, marami pa nga pala akong meeting ngayong araw. Maybe sa ibang araw na lang kami magkwentuhan. Kapag may free time na kami. Which seems impossible, but we can probably make time for that.
Sinimulan ko ng kumain at nakakailang subo pa lang ako nang biglang may pumasok sa opisina ko. Nang lingonin ko ay si JM pala. Himala? Maaga ata siya ngayon?
"Ditche. I need to tell you something." diretsong sabi niya. Nakita ko naman si Eman sa likod na siyang nagsara ng pintuan. Ibinalik ko ang tingin ko kay JM at pinagtaasan siya ng kilay.

BINABASA MO ANG
Irog(Mahal)
General Fiction*Hiatus Kabungguang Balikat(Kaibigan) Book 2 Mi amor Mon amour Amore mio Sayangku Nae sarang Watashi no ai Mahal ko Irog ko Gaano nga ba makapangyarihan ang salitang mahal? Marami ang nagsasabi na kapag nagmahal ka marami kang mararanasang bago. M...