A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 10
Jen's POV
Past Friend
It's 5:30am and I am already here, walking towards my office. Marami akong meetings ngayong araw kaya maaga ako ngayon. I really need a secretary. Hindi ko na ata kakayanin kung lilipas pa ang isang linggo na ganito.
I've been patient with JM pero malapit ko na talagang makutusan 'yon sa sobrang tagal niya sa paghahanap ng bago kong secretary. All he does is party and party every night. Pareho sila ni Ate.
Speaking of, it's been a week since that incident and I can't seem to get it out of my mind. Magigising na lang ako sa gabi minsan dahil sa panaginip tungkol doon. Idagdag pa na ayaw akong tantanan ni Ate.
"Jen!!" gabi na at kakauwi ko lang ng bahay. Literal na kakapasok ko lang ng bahay at ito na si Ate, mukhang hinintay talaga ang pag-uwi ko.
"Ate." walang ganang bati ko pabalik. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya 'kong hilahin paupo sa sofa. Napabuntong hininga na lang ako.
"Saan ka pupunta, ha? Sabi ko mag-uusap tayo pagkauwi ko, 'di ba?" at ito na nga tayo sa round 3.
"Ate, gusto ko na magpahinga. I did so much work today since I took a day off yesterday. Please. Isa pa, I already told you. Umuwi nga ako kagabi kaya ako nawala. Nakatulog ako agad kaya hindi ako nakapag sabi pag uwi ko." paliwanag ko ulit kahit na alam kong hindi niya naman paniniwalaan 'yun.
"Sa tingin mo maniniwala ako 'dyan? " nakataas ang kilay na sabi niya. Bumuntong hininga na lang ako ulit at tumayo na.
"Opss!" pigil niya sa akin. "Sa tingin mo saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Huwag ako, Jen! Kilala kita. Alam kong hindi 'yon ang nangyari." confident na sabi niya.
"I'm tired, Ate. Please!" maktol ko.
"Magsisimula kang mag-kwento or hindi ka makakapag-pahinga? Mamili ka?" at mas hinigpitan pa niya nag hawak niya sa kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang umupo na nga ulit sa tabi niya.
Aangal pa sana ako at magpapaliwanag nang itaas niya ang daliri niya, pinapatahimik ako.
"Sa tingin mo 'di ko mapapansin ang glow mo? Saka iyan–" at itinuro niya ang gawing likod ng leeg ko. "Kitang-kita 'yang mapulang marka sa likod ng leeg mo. Saan naman 'yan nanggaling kung umuwi ka lang dito? Ha?"
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak agad ako sa leeg ko. Bakit hindi ko 'to napansin?
"So, ano? Aangal ka pa?" nakahalukipkip na sabi niya sa akin. Wala na kong nagawa kundi ang mag kwento.
"Okay at nang matapos na." walang ganang sagot ko. Gusto ko na rin magpahinga at alam kong hindi niya ako tatantanan.
"Yay!" at pumalakpak pa siya sa tuwa. "So, ano nga talagang nangyari?" tutok na tutok ang tingin niya sa akin at kumikinang kinang pa ang mata niya. Inayos niya pa ang upo niya.
"I slept with someon–" tumili na agad siya 'di pa ko tapos magsalita.
"OMG! I am so happy for you!" at yinakap niya pa ako. "I am so proud of my Jen." umiiyak pa kunyari na sabi niya.

BINABASA MO ANG
Irog(Mahal)
General Fiction*Hiatus Kabungguang Balikat(Kaibigan) Book 2 Mi amor Mon amour Amore mio Sayangku Nae sarang Watashi no ai Mahal ko Irog ko Gaano nga ba makapangyarihan ang salitang mahal? Marami ang nagsasabi na kapag nagmahal ka marami kang mararanasang bago. M...