CHAPTER 5

5 0 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 5

Jen's POV

Remember

Patay na halos lahat ng ilaw sa building nang makarating ako. Bukod sa guard at iilang taga-linis na night shift ay wala na akong nakita pang ibang tao doon. Dahil may naglilinis pa at bukas pa ang ilang elevator ay dumiretso na ako kaagad doon.

Nakarating ako sa office ko at agad na dumiretso sa kwarto ko roon. Sa ganitong sitwasyong ko naiisip na tama na nagpagawa ako ng kwarto dito sa opisina ko. Na tama rin na nagpalipat ako ng opisina. Because here? I am far from the sad memories. As much as I want to be happy, lagi na lang ganito. I've been trying hard and harder to forget everything for them, for my family, but it always hunts me down. What's worse now, sila mismo ang nag-paalala sa akin.

Flashback...

Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho na parang walang nangyari. Instead of thinking about what Mami said, inabala ko na lang muna ang sarili ko sa trabaho. I still have 5 months. Panigurado naman siguro na makakahanap ako nang solusyon sa gusto ni Mami before that ends?

As days passed by, I am just busy on handling the company. I am doing my best to fulfil my job in order to not get my family into danger. I also do my research for the possible way I can accomplish Mami's order without doing "that". Hanggang sa hindi ko napansin na isang buwan na pala ang lumilipas.

I had a meeting now in some beach resort in Baler for one of our joined projects. They want to conduct the meeting there because it is the location of where the project will be constructed and to inspect the place na rin. I planned on leaving immediately after the meeting and inspection but they didn't let me. To add that Mami also called me to stay so I don't really have a choice but to stay.

Sumunod na lang ako at ginawa na lang itong little vacation for me. Habang naglalakad sa gilid ng dagat ay may nakita akong mga batang naglalaro. They seem happy at nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti habang nakatingin sa kanila.

I miss those days being a child. Walang ibang iniisip kundi ang tapusin ang assignment para makapag-laro agad. Hindi pa gan'un ka-komplikado ang buhay... Hindi pa gan'un kahirap... Palagi lang masaya...

Habang mas tumatagal ang pagtitig ko sa mga bata ay biglang pumasok sa isip ko 'yung utos ni Mami at unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi ko. Mahaba pa ang oras na mayroon ako. Pero ngayon, hindi ko maiwasang isipin na marami pa nga akong oras pero ayaw kong sayangin iyon. Ayaw kong magpakakampante.

Nakauwi na ako't lahat sa bahay pero hindi na nawala sa isip ko iyon. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay bukas na ang lahat ng ilaw. Which is unusual dahil wala naman ako sa bahay ng halos isang linggo.

Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa kusina kaya ibinababa ko ang bag na dala ko sa sofa at nagtungo agad doon. Dinampot ko ang vase na nadaanan ko at mabagal na naglakad papunta sa kusina. Habang taban ang vase sa dalawang kamay ay unti-unti akong sumilip sa kusina.

Hindi ko inaasahan ang nakita ng dalawang mata ko. Si Jerick. Matapos ang mahigit isang buwan niyang hindi pagpapakita. Nandito siya sa kusina, naghihiwa ng sibuyas. Ibinaba ko ang vase na dala sa malapit na cabinet at naglakad papasok sa kusina habang maka-krus ang mga braso.

"What are you doing here?" bungad na tanog ko habang nakakunot ang mga noo sa kaniya na nakapagpaangat ng tingin niya sa akin mula sa hinihiwa.

Irog(Mahal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon