A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 2
Jen's POV
Secretary
Ala-singko pa lang ng madaling araw pero mulat na ang mga mata ko. Bumangon ako at dumiretso na agad sa banyo para maligo at maghanda para sa trabaho. Kahit kasi pilitin ko pang matulog ay hindi ko na magawa dahil oras na nagising na ako ay hindi na ko makabalik pa sa pagtulog. I just wear my usual working attire, a black trouser and coat with a white long sleeve inside. I don't usually wear high heels but when needed, I don't have a choice but to wear one.
Dahil marami akong meeting ngayong araw pinili kong magsuot na lang ng flat shoes na babagay sa suot ko. Matapos makapaghanda ay lumabas na ako ng mansyon at nagdrive papunta sa trabaho. Pagdating ko sa opisina ay kagaya kahapon, may mga empleyado na bumati sa akin at sinasagot ko lang sila ng tango kapag naisipan.
Sumakay ako sa isa sa mga elevator at nakita ko kung paanong ang mga empleyado na nauna sa akin doon ay nagbago ang mga itsura ng makitang papasok ako. Nagkukwentuhan pa sila kanina pero bigla silang tumahimik ngayon na nasa loob na ko. I just stood there in front of them without even glancing in their way hanggang sa magsara na ang pintuan ng elevator.
Walang bumati sa akin ni isa sa kanila, I don't mind though. As long as they are doing their work properly, sapat na sa akin iyon. Isa pa, marami talaga sa mga empleyado ko ang ilag sa akin. Habang tumataas ang elevator ay unti-tuning nababawasan ang mga nakasakay hanggang sa mag-isa na lang ako nang makarating sa fiftieth floor.
Wala akong inabutan kung hindi ang walang taong lamesa ng secretary ko. Napailing na lang ako at dumiretso na sa opisina ko. Ibinababa ko ang black leather briefcase bag na dala ko sa lamesa at tinaggal ang coat ko at isinabit iyon sa likod ng swivel chair.
Itinupi ko ang long sleeve ko hanggang sa siko at ipinusod ang buhok ko na tuyo na ngayon. Tinignan ko ang relo sa palapulsuhan ko at nakitang 6:40 na at sa pangalawang pagkakataon ay napailing na lang ako. Tumayo muna ako sa harapan ng lamesa ko at humilig ng kaunti doon habang magka-krus ang mga braso.
Wala pang dalawang minuto ay nagmamadaling pumasok ang sekretarya ko sa opisina ko. Hinayaan ko muna siyang huminga dahil mukhang pagod na pagod ata siya at umayos naman ako ng tayo habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng trouser ko ng hindi tinatanggal ang tingin ko sa kaniya. Nang mukhang maayos na siya ay tumayo siya ng tuwid at humarap sa akin.
"Sorr—"
"Pass to me your resignation letter before 8 this morning." Putol ko sa sasabihin niya at tinalikuran na siya.
"Ma'am, please po! Huwag niyo naman po akong tanggalin. Pasensya na po at may aksidente kanina sa EDSA kaya po nalate ako. Promise po! Hindi na po mauulit Ma'am!" Sabi niya at nasa harapan na siya ngayon ng lamesa ko.
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa schedule ko for today. Nang napansin niya na wala akong balak na pansinin siya ay nagsalita siya ulit.
"Pakiusap po! Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho. Ako po ang breadwinner sa a—"
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina?" walang emosyong sabi ko at sa puntong ito ay nilingon ko na siya. "Ang sabi ko, pass to me your resignation letter before 8 am. Hindi kita tinatanggal. Binibigyan kita ng pagkakataon na isalba pa iyang pangalan mo kaya pinagreresign na lang kita. Kung tatanggalin kita dahil sa pagiging incompetent mo, bukod sa mawawalan ka ng trabaho, sa tingin mo ba makakahanap ka pa ng ibang kumpanya na tatanggap sayo?" nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako matignan.

BINABASA MO ANG
Irog(Mahal)
General Fiction*Hiatus Kabungguang Balikat(Kaibigan) Book 2 Mi amor Mon amour Amore mio Sayangku Nae sarang Watashi no ai Mahal ko Irog ko Gaano nga ba makapangyarihan ang salitang mahal? Marami ang nagsasabi na kapag nagmahal ka marami kang mararanasang bago. M...