Chapter 3

100 6 2
                                    

SHYRAIN POV



Position" "Start"

Biglang pinakawalan ni Rai ang lightning speed attack nya at hindi naka iwas si Alizeh sa sobrang bilis. Madaling tumayo si Alizeh at kinumpas ang kamay at gumawa iyon nang ipo ipo, pinainit nya ang temperature at hinaluan nang malamig na temperature kaya nagkaroon nang mahihinang kidlat at unti unting lumaki ang kidlat. Kung wala siguro itong barrier patay na guro kami.

Pinatakbo ni Alizeh sa kinaroroonan ni Rai tumakbo si Rai para hindi sya maabutan nang ipo ipong May lightning. Naiintindihan ko na ang ginawa ni Alizeh gusto nyang makaharap ni Rai ang sarili nyang kapangyarihan, Lightning sa Lightning. Kinumpas ni Rai ang kamay nya at lumabas doon ang lightning ball pero walang epekyo sa ipo ipo iyon.

Huminto sa pagtakbo si Rai at kinumpas ang dalawang kamay at nagulat nalang kami dahil ang lightning power nya ay nagiging ipo ipo din. Nilakasan ni Alizeh ang temperature sa ipo ipo nya kaya nagiging makapal ang lightning na nakapatong sa hangin nya.

Parehong papunta sakanilang dereksyon ang mga ipo ipo na ginawa nila pero laking gulat namin nang dumikit ito sa isa't isa, para silang magnet na naka dikit pero patuloy lang sa pag ikot. Humina ang pag ikot nila pero umingay ito, napakasakit sa tenga ang ingay nito kaya di ko maiwasan takpan ang dalawa kong tenga. Ang dalawang ipo ipo ay biglang naging isa nag iba din ang kulay naging kulay Light orange ito pero laking gulat namin nang bigla itong sumabog na nagpatalsik sa kanilang dalawa at biglang nawalan nang malay.

"It's a tie!" Sabi nang MC na si Head Master. Wala paring naka imik dahil sa tension nang kapangyarihan na naganap. Astig!

"Shyrain and Alina from Monarchal!" Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa tinawag na pangalan. Si Alina ang kalaban ko this time. Malakas si Alina kaya imposible na matalo ko sya pero I still have a hope. Hope nalang ang tanging pag asa ko ngayon. She's a light user. Light user ang karibal ng dark user they're both powerful.

Kaya ko to.

"Position" "Start"

Pinakawalan ko ang isang water spike patungo sakanya pero nailagan nya yun sa kabilang banda pinakawalan nya ang isang light bomb patungo saakin pero nasangga ko iyon nang water shield. Pinakawalan nya ang kanyang light dragon at gayun din saakin, pinakawalan ko ang aking water dragon.

Nginisihan nya ako . Binawala ko nalang yun at nag focus sa laban. Malaki ang puro ko sakanya gayun din ang sakanya pero mas malaki ang akin.

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa dugong kanina pa tumutulo. Sya naman ay nakatayo di kalayuan saakin na sapo sapo ang kanyang balikat na umaagos pababa sa kanyang damit. Kung mapuruhan man ako ay gayun din saaking kalaban. Malakas sya pero hindi din ako magpapatalo. I am one of the Monarchal, I am the only one heir of the water tribe. Hindi ko na ulit bibigyan ng kahihiyan ang tribo ko dahil lang sa kabulastugan ko.

Pinahid ko ang tumutulong dugo saaking noo at tumindig nang maayos na para bang walang iniindang sakit. Ikinumpas ko ang aking kamay at lumabas doon ang isang napakalaking water snake sa kabilang kamay ko ay lumabas din doon ang isang napakalaking water horse.

Sumakay ako sa kabayong tubig at sinimulang pinatakbo ito. Nakita ko si Alina na nakatayo parin. Wala man lang ginawa pero nakita ko ang kanyang kamay na kinukumpas may lumabas sa likod nya ang isang white tiger at white lion. Sumugod din sila saakin.

Itinaas ko ang aking kamay at lumabas doon ang libo libong water spike at sinamahan nadin nang water bomb. Sinangga nya iyon nang lightning sheild pero hindi sapat ang lakas nya upang hindi tumugon ang mga itinira ko sakanya, ngayon marami na syang daplis sakanyang katawan.

Umayos sya nang tindig at sinamaan ako nang tingin pero nginisihan ko lang sya. Bumaba ako sa kabayong tubig at hinarap sya. Matira matibay.

Inunahan ko syang bumuga nang tubig pero madali lang nya iyong nasangga pero hindi nya napansin ang isang water spike sakanyang tagiliran kaya natumba sya. Naramdaman kong  umilaw ang aking dalawang mata, bigla kong naramdaman ang kakaibang lakas na dumadaloy  sa aking katawan, kakaibang enerhiya. Napangisi ako dahil sa pagkakataong ito ay ako ang mananalo.

Buong lakas ko syang tinirahan nang water force biglang sumabog sa kinatatayuan nya pero siniguro kong hindi sya ganoong maaapektuhan.

"The Monarchal winner, SHYRAIN!"

Umakyat na ako sa kinauupuan ko at sumunod naman saakin ang mga manggagamot. Iniabot nila saakin ang candy mint. Isa iyong candy healing. Mawawala ang sakit na nararamdaman mo pero hindi mawawala ang mga pasa at sugat. Hinawakan nya ang mga sugat ko kusa ng gumaling.

"Terran and Collis from Monarchal!" Napa-angat ang ulo ko dahil sa tinawag na pangalan. Napangisi ako dahil nanginginig na tumayo ang aking katabi. Siniko ko sya pero sinamaan lang niya ako ng tingin, hindi parin mawawala ang kaba sa kanya dahil obvious naman sa panginginig nya.

Si Collis naman ay kampanteng nakatayo sa stage. Walang duda na sya ang mananalo sa laban. Collis is a dangerous man.

"Position" "Start"

Kahit nanginginig ay una paring umatake si Terran kay Collis. Lumakad si Collis papunta kay Terran at si Terran naman ay atras nang pa atras. Hindi ko mapigilang tumawa kaya napatingin saakin ang ibang mga tao. Nag peace sign lang ako at bumalik na sa laban ang tingin.

Pagdapo ng tingin ko at nagulat na lang ako dahil tapos na ang laban, tumba na si Terran at wala nang malay.

"The Monarchal winner, COLLIS!" Sari saring mga sigawan ang naririnig ko ngayon dahil si Collis ang pinakamaraming tagahanga dito sa Academy at sa iba ding Academy.

"OKAY! Sa pagkakataong ito ay ang mga natirang nanalo sa Monarchal ay maglalaban laban, matira matibay. Be ready!" Nag iingay na naman sila, wala talagang katapusan ang kaingayan nila.

"So let's call, all the winners in the Monarchal. HALE!....... SHYRAIN!.........and.....COLLIS!"

Tumayo na kaming tatlo at nagsimula ng maglakad patungo sa stage. Kahit kinakabahan ay hindi ko pinahalata dahil sigurado akong pagtatawanan ako ni Terran. Madali lang syang nagising dahil sa mga healers. Napailing nalang ako ng dilaan nya ako. Childish.

Pa triangle ang Position namin ngayon para malaman nyo.

"Position" Start"



ALIZEH POV



Pinakawalan ni Hale ang kanyang Ice spike at dumeretso patungo kay Collis. Si Shyrain naman ang umatake at si Collis din ang kanyang tinarget. Ah, alam ko na tatalunin nilang dalawa si Collis at silang dalawa ang mag lalaban para mamaya. Tsk, kung mananalo sila laban kay Collis.

Hindi naging leader si Collis dahil sa wala lang. He's strong, stronger than rock and metal. Sya ang pinakamalakas dito sa Academy. Himala nalang kung matalo nila si Collis ngayon.

Sa isang kumpas ni Collis sa kanyang kamay ay tumalbog ang dalawa sa malayo. Sabi ko na nga ba kahit magtulungan pa silang dalawa ay wala silang magagawa dahil nga malakas si Collis.

Umabante si Collis sa kanyang kinatatayuan at sumugod sa dalawa. Hindi paman nakaanot si Collis sa kinalalagyan nila ay gumawa agad ng shield ang dalawa dahil kahit papaano ay may pananggalang sila kay Collis. Biglang nawala si Collis sa paningin naming lahat at bigla nalang itong tumanghay sa gilig ni Shyrain at sinakal gamit ang black smoke. Delikado ang black smoke pag hindi mo ito kontrolado kaya laking pasasalamat ko ng kontrolado ito ni Collis.

Namumuti na ang mga labi ni Shyrain, buti nalang at binitawan na sya si Collis pero may kasamang palipad buti nalang ay kahit nanghihina sya ay nakalagay sya ng pananggalang sakanyang sarili.

Sakabilang banda ay pinakawalan ni Hale ang kanyang Ice Snake. Sumugod ito kay Collis pero hinampas lang ito sa kamay nya at nawala nalang bigla kaya sa mga hindi talaga nakakakilala sakanya ay magugulat talaga kayo. Ang cool tignan ni Collis habang naglalakad patungo kay Hale.

Ang lakas ng dating nya. Halos lahat ng babae ay napapanganga sa kanya para syang nakahubad dahil hanggang ngayon ay nakanganga parin ang ibang babae. Klarong klaro kasi ang mga abs nya dahil fit na fit sakanya ang kulay black nyang damit.

Tinitigan ni Collis si Hale sa mga mata at bigla nalang natumba si Hale at nawalan ng malay.

"The Monarchal winner, COLLIS!"



TO BE CONTINUED...



Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now