Chapter 9

83 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nagkakagulo ang lahat dahil sa isang pagsabog na hindi inaasahan ng lahat. Isa lang ang masasabi nila at iyon ay kalaban.

Biglang umusok ang kapaligiran tila may gustong ipahiwatig.

Sa kabilang dako, ang mga tao sa loob ng arena ay hindi magkamayaw dahil sa usok na biglang lumitaw sa hindi malamang dahilan.

Hindi nakayanan ng mga may mahihinang resistensya ang kakaibang usok, kaya natumba na ang iba dahil sa matinding hilo. Kakaiba ang usok na iyon. Isa iyong usok na nakakahilo sa pakiramdam para ikaw ay matumba at hindi na makakabangon pa kailanman. At iyon ang hindi alam ng mga taong nakalanghap sa usok na inaakala nilang ordinaryo lamang, ngunit hindi pala iyon ordinaryo isa pala iyong mapanlinlang na usok. Usok na nakakamatay.

Sa kabilang dako naman ay isa isa nang lumalabas ang mga kalaban, Dark Sorcery.

Ang namamahala sa mga Dark Sorcery ay malaki na ang ngisi sa kanyang mga labi.

'Ito na ang pinakahihintay kong laban'

Isang tuso ang namamahala na si Ormanda. Babaeng nakapurong itim lang. Mula sa kanyang mga buhok na hanggang balikat, makakapal na kilay, maiitim na pares na mata, ang kulay ng kanyang labi, hindi rin magppahuli ang kanyang damit na itim na itim din, at hanggang sakanyang suot na pares na sapatos. Nag mimistulang itim.

She step her foot with the chin up, and walk like a queen, a real queen.

They are staring at her formidable, in her thoughts ' Yes darling you should fear me. All of you should fear me.'

'No one can escape from my sweetest revenge, and this is my sweet revenge!'

'Surprise darlings!' At halakhak nya nangingibabaw sakanyang isipan.

Sa kabilang dako naman ay, kalansing nang mga gamit panlaban ang maririnig at isama narin ang mga hiyaw dahil sa sakit na nararamdaman.

Pagkamuhi at galit ang kanilang mga nararamdaman sa panahong ito. Labis na pagtangis ang maririnig sa kagilid-giliran. Mga taong nakaligtas sa mapanlinlang usok. Ang ibang umiiyak ay tumayo at inihanda ang mga sarili upang ipaglaban din ang kani-kanilang mga buhay.

Sa kabilang dako naman, naroon ang mga tinatawag na dark shadows na nakatingin sa mga walang mga kamuwang muwang na mga tao na nakikipaglaban para sa kanilang mga buhay. Makikita mo sa mga dark shadows ang saya nang kanilang pakiramdam dahil sa wakas nakapaghiganti rin.

Sa kabilang dako naman, ang namumuno ng mga Dark Sorcery na si Ormanda ay napakalaki laki nang ngisi sa kanyang labi. Dahil sa wakas ay nakapaghiganti rin sa mga taong nanira nang kanilang pamumuhay.

Sa totoo lang, wala dito sa arena ang may sala sakanila. Gusto lang nilang pagbugtungan ng galit ang mga maykapangyarihan.

Sa kabilang dako naman ang mga taong may dugong maharlika.

"Hindi kaba tutulong saamin?" Sabi nang babaeng mataray na nagngangalang Alina, isang light holder.

"Hirap na hirap na kami dito, pero ikaw panaka-naka lang ang tingin saaming mga naglalaban." Mararamdaman mo ang inis sa boses na nag ngangalang Blaze, isang Fire holder.

Iisa lang ang tinitingan at sinasabihan nila iyan ay ang babaeng misteryoso. Tama naman ang sinasabi ng dalawa, kanina pa ito tingin nang tingin sa paligid, nakikiramdam lang. Wala syang ginagawang galaw. Iyan ang kinakainis nang kanyang mga kasama.

Pero ang babaeng misteryoso ay parang wala lang narinig at panaka naka lang ang tingin sa kanyang kapaligirang na nag aagaw buhay sa laban.

Sinugod sya nang nagngangalang Alina, ginamitan ito ng dahas. Isang sampal ang natanggap ng misteryosong babae kay Alina.

"Hindi kita gusto sa hindi malamang dahilan pero tumulong ka naman hirap na hirap na kami dahil malalakas ang mga kalaban. Mukhang pinaghahandaan nila ang araw na ito. Tapos ikaw may pachill chill ka pang nalalaman? Ang kapal naman ng mukha mo aber!!" Isang sampal uli ang ginawa nya sa babae.

"Iyan! Para mata-uhan ka sa kagagahan mo!"

Pero ang babaeng misteryoso ay kiming nakatingin lamang sakanya parang wala lang ang sampal sa kanya.

"I'm doing my best here to defeat an enemy." Mahinahong saad ng babaeng misteryoso.

"Wow! Doing my best? Eh wala ka ngang ginagawa! Tapos may pa doing my best, doing my best ka pang nalalaman!" Sigaw na ang lumalabas sa bibig ni Alina dahil sa tindi ng kanyang iritasyon sa babae.

" I don't need to walk or roam around to defeat an enemy. My eyes and commands are enough to kill them." Saad ng babae kay Alina.

Napataas amg kilay ni Alina sa sinabi ng babae pero na agaw ang atensyon ni Alina bago pa nya sagutin ang babae.

"Tama na ang away nyo dyan tumulong na lang kung sino man ang gustong tulong." May pagka irita naring saad nang nagngangalang Shyrain, isang Water holder

"Hindi pa tayo tapos, bruha ka!" Sigaw ni Alina sa babae.

Hindi pa nakakalayo si Alina sa babae ay marami ang kanyang mga nakaharap mga nasa sampong bilang.

Silang dalawa ang nasa harap ng sampong bilang, ang babae at si Alina.

"Die." Isang salita pero isa isang nagsibagsakan ang taong nasa sampong bilang. Gulat ang nasa mukha ngayon ni Alina sa nasaksihan. Poprotesta pa sana sya sa babae pero nakatalikod na at nagsimula nang maglakad sa mga kalabang mararami ang bilang.

"Oh my gosh!, I can't believe what I just saw, right now. As in!" Nakangangang sabi ni Shyrain na nakasaksi sa ginawa nang babae. Actually silang buong Monarchal ang nakakita sa ginawang karumaldumal na ginawa ng babae. Hindi sila makapaniwala pati narin si Collis na hindi rin makapaniwala sa nasaksihan pero kalaunan ay napangisi na lamang ito at bumalik na sa pakikipaglaban.

Double blade ang hawak na sandata ni Rai ngayon. Tumakbo sya sa mga kalabang marami rami din ang bilang at inihampas sa ulo ng kalaban at napugutan ng ulo. Brutal na kung brutal tignan but he's aiming the head para siguradong patay agad at hindi na mabubuhay pang muli.

Sa kabilang dako ay inis ang nararamdaman ni Ormanda dahil unti unti ng namamatay ang kanyang mga alagad. Hindi sya makapaniwala na lumakas pala ang kabilang panig. She let her guard down. Iyan ang nasaisipan ni Ormanda.

'Hindi pa ako tapos. Babalik ako at sisiguraduhin kong hindi na ako matatalo pang muli.'

Pero bago pa sya makapag teleport ay nahuli nang kung sinuman ang kanyang kamay.

"Pain." Saad ng babae kay Ormanda. Si Ormanda naman ay hindi na magkamayaw sa sigaw dahil sa sakit ng kanyang nadadarama ngayon. Napahawak sya sakanyang puso dahil doon nangingibabaw ang sakit.

"I want more pain." Para nang baliw si Ormanda sa kanyang sigaw, sigaw nyang mararamdaman mo ang sakit nang kanyang nadadarama.

Napahinto ang lahat dahil sa lakas nang sigaw na iyon. Bawat isa sa mga nakakarinig ng sigaw ni Ormanda ay nararamdaman nila ang sakit sakanyang boses. Kahit gusto nilang maawa ay hindi nila magawa dahil sa kadahilanang si Ormanda ang May gawa ng gulong ito. Marami na ang mga namatay. Sa usok palang libo libo na ang mga namatay.

Bumagsak ang malamig na bangkay ni Ormanda sa lupa kasabay iyon nang paglabas ng panibagong mga kalaban na kanina pa pala nakamasid sa paunang patikim nang digmaan.

Dark Shadows

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now