Chapter 11

52 3 0
                                    

"Alizeh sa kaliwa!!!" Tarantang sigaw ni Terran kay Alizeh dahil muntikan na itong nadaplisan nang gintong patalim. Mabuti nalang at nakaiwas sya sakanyang kamatayan.

Ihip ng hangin at kalansing ng mga armas ang maririnig sa dakong ito. Sa itaas naman at ang mga taong nakalipad at duon naglalaban laban.

Pagod at hirap na ang kanilang nararamdaman ngayon dahil ilang araw na silang walang pahinga, walang tulog, walang kain dahil sa walang tigil na pakikipagdigma sa kalaban upang kahit papaano ay mabawasbawasan ang mga kalaban.

Sa kabilang dako naman ay ang pinuno ng mga kalaban isang ngisi ang namutawi sakanyang mga labi.

Sakanyang isip ' Papanalo na rin. Kay tagal kong inaasam ang sandaling ito. At kay sarap din pagmasdan ang mga nilalang na ito na naghihirap.'

"Masarap ba pagmasdan?" Isang malamig na tinig ang narinig ng pinuno ng kalaban sa kanyang tabi na nakadungaw rin kagaya nya sa baba at pinagmamasdan ang mga taong naglalaban laban.

Gulat ang namumutawi sakanyang puso dahil hindi nya lang man naramdaman ang presensya nito.

Pero hindi nya pinahalata sakanyang mga mata at ekspresyon ang kanyang pagkagulat nananatili lamang iyon sakanyang kaloob looban.

Ngumisi sya." Oo, kay sarap nilang pagmasdan lalo na pag nahihirapan na sila." At isang tawa ang isinunod nya.

"Hmm, tama ka masarap pagmasdan ang kalaban lalo na at nahihirapan." Ngising saad ng babae." Pain."

Napapikit ang pinuno dahil sa sensasyong nararamdaman. Sa una mahina lang ang nararamdaman nyang sakit pero kalaunan ay pasakit ng pasakit na iyon.

Kahit sino man ay walang makakapantay sa kapangyarihan ng babaeng kanyang makakalaban. Wala pa ni isang nakakatalo sa kanya kundi ang tadhana lamang.

Hindi pagkakatalo na namatay kundi papatayin ng tadhana ang kanyang puso.

Kahit gaano ka pa kamakapangyarihan ay walang sino man ang makakapatay sa kanya.

Dahil hindi sya namamatay.

Iyon ang tinatawag nilang Immortal.

Immortal.

Kahit sino man ang makakarinig niyon ay talagang Makapangyarihan. Talaga naman. Ilang taon na silang namumuhay sa mundo tapos wala silang natututunan? Isa iyong imposible.

Sa kabilang dako ay nadatnan ni Hale ang walang buhay na katawan nina Alizeh at Terran malapit sa gubat nasesense nya pa ang mga kalaban nito na makapangyarihan talaga.

Umagos ang mga luha ni Hale dahil sa pagwagas ng mga kaibigan niya. Hindi nya matanggap na nawalan sya pero wala na syang magagawa pa dahil nangyari na ang kinatatakutan nyang mangyari.

Sa kabilang dako naman nakaluhod parin ang pinuno ng kabilang panig sa harapan ng babae na nahihirapan. Isang ngisi ang namutawi sa labi ng babae. Isa lang ang masasabi ng kanyang kaharap 'She's too dangerous'. Pero kahit ganoon ay ngumisi parin sya dahil meron pa syang isang napakatinding alas.

Ang mga tao mismo. Bago sila sumabak aa laban ay sinigurado nilang may alas sila kahit papaano. Kagaya nalang ngayon.

Matagal na nila itong ginagawa pasekreto nilang nilagyan ng bomba ang buong lugar. No, hindi lamang ang buong lugar kundi ang buong mundo.

Kahit matalo sila at least damay damay na. Walang matitirang buhay.

"Kahit patayin mo ako ngayon wala paring matitira HAHAHAHAHAHAHA" Tawa nang kabilang panig ang umalingawngaw sa kanilang dapit.

Pero kahit ganon panatag parin ang babae. Dahil simula't sapul alam nyang mangyayari ito.

Kaya hindi na sya nagpaligoy ligoy pa at agad ng winakasan ang buhay ng kanyang kalaban.

Kasabay non ang pagsabog ng buong mundo nag mimistulang domino effect ang buong pagsabog ng mga bomba.

Napatawa na lamang sya nang mahina dahil alam nyang sya na lamang ang matitirang buhay dito sa mundo.

At ilang pang mga taon ang kaniyang hihintayin upang bumalik sa dati ang lahat.

Ilang mga taong hihintayin ang kaniyang iniirog na bumalik ulit sa pagkabuhay.

Reincarnation

That's what we called.

Lahat nang namatay ay babalik muli sa pagkabuhay.

Muling uusbong ang mga mabubuti at masasama. At uulit sa pakikipagdigma.

Uulit ng uulit parang walang katapusan.

Akala'y katapusan pero dito pa pala nagsisimula ang lahat ng pagsubok nakakaharapin.

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now