Kanina pa ako palakad lakad dito sa botanical bagot na bagot kanina pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naalala ko nanaman ang nakaraan. Kahit kailan hindi ko na talaga ito makakalimutan pa, ano bang gagawin kong para makalimot? Pagod na pagod na ako sa kaalala nang nakaraan nakaka bagot.
Hays. Dineretso ako nang aking mga paa sa de Cafeteria nagugutom na ata ako kaya ako dinala nang sarili kong mga paa dito, napailing nalang ako.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa kwarto nang pag eensayo. Bagot na bagot ako kanina pa hindi ko alam kung bakit kaya dito nalang muna ako mamanalagi pansamantala.
Kinuha ko ang isang kahon na puno ng daggers at nilagay sa gitna ng nakalutang na pabilog upang doon ilagay ang kahon na kinuha ko. Pinindot ko ang switch kaya nagsimulang umuga ang kinatatayuan ko ngayon at nagsimulang humulma ng pormang tao pero isa lamang silang decoi.
Piniring ko ang aking mata ilang sandali lamang ay naramdaman ko silang gumalaw sa kinatatayuan nila at nagsimulang sugurin ako. Nandoon parin ako sa kinatatayuan ko at isa isang hinagis sakanila ang mga dagger. Ang goal ko ngayon ay hindi ako makakahakbang sa kinatatayuan ko habang pinapaslang ang mga decoi.
Pinakiramdaman ko lamang sila, sa isang dagger na lumipad ay katumbas ng dalawa hanggang apat ang natatamaan. Kung seseryosohin ko ito hindi lamang dalawa hanggang apat ang kaya kong asintahin sa isang dagger lamang. Walang wala ito sa mga pagsasanay ko noon bata pa ako hanggang ngayon.
Ramdam kong may bumulusok na kapangyarihan patungo saakin kay sinangga ko ito sa aking hawak hawak na dagger at pinalibutan ng aking kapangyarihan.
Biglang may pumalakpak, marami sila kaya napatanggal tuloy ako saaking nakapiring na mata.
Kitang kita ko ang pagkamangha nila na ikinabikit balikat ko na lamang. Sanay na ako sa mga papuri at panghuhusga. Napailing iling akong lumabas sa kwarto nang pageensayo at hindi pinakinggan ang kanilang mga sinasabi.
Ayaw ko muna sa mga maiingay ngayon tokang toka na ako masakit sa tainga, gusto kong mapag isa kaya pumunta na lamang ako sa kagubatan.
Ito ang tahanan ko. Malayo ito sa kabihasnang kagubatan ito ay isang sacred kaya walang pumupunta dito maliban nalang kung may mga misyong ang pumupunta dito.
Ginamit ko kanina ang aking telepostasyon kaya mabilis lamang ako nakapunya dito.
Simula ngayon ay hindi na ako makikialam sa mga problemang sila lamang ang gumawa. Tokang toka na ako. Tapos ako nanaman ang gagawing masama tama na yung huling digmaan.
Nakita ko na ang aking munting bahay. Kung tignan ito dito sa labas ay isa lamang munting kubo na napalibutan nang mga mumunting mga kumakatay na mga bulaklak ngunit pagpinasok mo ito ikaw ay mamamangha sa makikita sa loob nito.
Kahit ako ang gumawa nito ay hindi ko parin mapigilan ang pagkamangha sa nagawa kong bahay.
Dahil ito ay isang mansyong hindi mo inaakala. Isang kubo sa labas na pang anyo ngunit isa palang mansyon sa loob.
Anong magagawa ko, nakalimutan na nila kung sino nga ba ako. Sabagay matagal na panahon na iyon.
TO BE CONTINUED...
Sakura_km
YOU ARE READING
Immortal Warrior of the Endless World
FantasyThousands of another life, Queen of the Forgotten tribe