Chapter 18

47 2 0
                                    

LURUSHE'S POV

"Saan ka na Naman pupuntang Bata ka ha!" sigaw nang aking Ina saakin.

Nginisihan ko lamang sya at Hindi na pinansin. Tumakbo ako nang mabilis Ng bumulusok saakin Ang kapangyarihan nya dahil sa inis. Wag na magtaka dahil ganito palagi Ang eksena pagkasama ko Ang aking pinakamamahal na Ina.

Palagi ko syang iniinis Lalo na pag maganda Ang mood nya. Nasasayahan akong Makita syang naiinis sa sarili nyang anak. Dapat nga Hindi na sya magtaka dahil Namana ko Naman to sakanya.

"Lurushe!" sigaw nang aking pinsan nang Makita nya akong tumatakbo patungo sakanya at sa mga kaibigan nya.

Tinanguhan ko lamang sya at umalis na dahil alam Kong ayaw saakin Ng mga kaibigan ni Karisha, Ang aking pinsan.

Dumeretso na lamang ako sa aking pinaka paboritong lawa  Dito sa La carata pena. Iyan Ang ngalan sa bayang ito. Puruvilha Ang tawag sa lawang ito. Dito ako palaging pumupunta dahil nakakarelaxing Ang simoy Ng hangin Dito.

Ang Puruvilha ay matatagpuan sa pinakagitna sa gubat na ito. Walang pumupunta Dito dahil narin siguro sa history nito.

Maraming Sabi Sabi na Dito daw paulit ulit pinapatay Ng sinaunang Reyna Ang kaniyang sarili. Kahit hindi sya namamatay ay sinusubakan nya parin Ang magpakamatay dahil Hindi na nakayanan Ang kaniyang nadarama.

Napabuntong hininga nalang ako dahil nakaka-awa Ang sinapit Ng sinaunang Reyna. Meron ding Sabi Sabi na pinagbabawal Ang Sabihin Ang ngalan Ng sinaunang Reyna dahil daw noong unang panahon ay mag taong naglalakas loob isatinig Ang ngalan Ng sinaunang Reyna ngunit nang isinatinig nya iyon wala pang Segundo nang sya bulagta na lamang at bumubula pa Ang kaniyang bibig. Kaya simula noon Wala Ng may lakas loob isatinig Ang ngalan Ng sinaunang Reyna.

Maraming nagsasabing kakampi nya Ang Dios Ng kamatayan dahil kung sino mang may lakas Gawin Ang isatinig Ang ngalan Ng Reyna ay mamamatay sa pinakamasakit na paraan kahit Wala pang Segundo.

Kahit ganoon Ang history Ng lawang ito ay palagi parin akong pumupunta Dito Ang iba Kasi ay natatakot dahil pagmamay-ari daw ito Ng sinaunang Reyna. Baka daw Kasi may makalap Silang sumpa.

Natatawa nga ako dahil sa mga pinagsasabi nila.

Pagkatapos Ng anim na Oras na pamamalagi Dito sa Puruvilha ay tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa Isang sekreto.

Sekretong hindi nabubunyag.

Tumalon ako sa bangin at bumulusok ako paibaba. Kumuha ako Ng pwersa para tumalon at sinipa Ang hangin. Ng sa gayon ay natapakan ko na Ang dapat tapakan, Ang sekretong Lugar kung saan matatagpuan Ang kaharian Ng sinaunang Reyna.

Lumabas ako sa gubat Ng Blamirouge at naglakad papuntang bayan.

Kada Daan ko ay lumalayo saakin Ang mga tao Dito kaya napangisi ako.

Dahil narin sa iba Kong suot. Naka tattered pants lang ako at naka t-shirt.

Sila Kasi ay pangsinaunang kasuotan. Katulad Ng barong at saya at may dala Rin Ang mga kababaihan na pamaypay. Don't get me wrong may mga kapangyarihan din sila nag tatransform Ang kasuotan nila pag naglalabas Ng kapangyarihan.

Pumasok ako sa Isang lumang Kubo na naglalaman Ng mga iba't ibang uri Ng sandata.

Ang pinaka paborito ko sa lahat ay Ang sandata Ng sinaunang Reyna ngunit Hindi iyon nahahawakan. Katulad nang sinaunang Reyna kung sya ay pagsinasabi Ang pangalan ay namamatay Ang sandata nya Naman ay pag nahahawakan. Bilib nga naman ako sa kamatayan.

Isang ngisi Ang namutawi saaking labi--

"Nakabalik ka na pala hija." Isang natural na ngiti Ang binigay ko sa may Ari Ng Kubo na ito.

"Nagawa mo na ba Ang ipinagawa ko sayo?" Isang tango Ang kaniyang ibinalik saakin kaya kuminang Ang aking mga mata.

Iginaya nya ako kung na saan Ang ipinagawa ko sakanya.

Malawak Ang aking pagngiti nang Makita sa actual Ang sandatang ipinagawa ko sakanya.

"Maaari mo nang Kunin iyan dahil binigyan ko Rin Yan nang basbas ko." nakangiting Saad nya at tumango lang ako at agad na kinuha Ang sandata ko.

Nag teleport ako papunta sa Bahay na ginawa ko Dito sa Blamirouge.

Nagbihis ako nang simpleng dress lang at nagsuot rin 2 inch na sandal.

Isang ngiting matagumpay Ang aking pinakawalan saaking labi.

Nagsisimula na.

TO BE CONTINUED...


Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now