THIRD PERSON'S POV
I
sang napakalakas na hangin ang umihip para bang may paparating na delubyo sa sanlipunang ito. Hindi na nakakapagtaka ang malakas na hangin dahil sa ibaba nito ay ang delubyo mismo.
Mga walang kamuwang-muwang na mga nilalang.
Sila ang magliligtas sa lipunang ito pero ang hindi nila alam na ang lipunan mismo ang nagdala sa kanila nang delubyo.
Akala nila ay may dadating na saklolo, Oo meron ngang saklolo pero hindi mismo ang tao sa propesiya, dahil walang propesiyang inilabas o lalabas o lumabas.
"Saklolo tulungan nyo kami!"
"Tulungan nyo ang anak ko, kahit anak ko nalang parang awa nyo na!"
Panghihingi nila nang awa at tulong pero walang tumugon dahil wala naman talagang tutugon. Sa panahon ngayon ay sila lamang ang makakaligtas sa sarili nila. Wala silang aasahan sa iba kundi ang mga sarili lang.
Sa ibang estorya ay kapag malapit nang mawalan ng pag-asa ay may darating na tulong, at iyon ang iniisip nilang lahat maliban sa isa.
Sa kabilang dako, lahat sila ay naglalaban laban dahil na naman sa panibagong umusbong na kalaban.
Lahat ay nanghihina na sakadahilanang pagod na sila sa pakikipaglaban at hindi maubos ubos na kalaban. Ito ang nagpapatunay na digmaan, buhay sa buhay, ubusan ng lahi. Ni isa sakanila ay walang gustong magpatalo.
Kahapon lang ay dumating ang mga tulong sa iba't ibang kaharian. Marami na ang mga nasawing kalaban at kakampi. Pero kahit saan mo tignan hindi maubos ubos ang mga kalaban.
"Monarchal!" Saad nang Head master sakanila. "Be ready."
Sa north pupunta sina Shyrain na isang water holder at si Rai na isang Lightning holder. South naman sina Alina na isang light holder at si Blaze na isang fire holder. East sina Alizeh na isang Wind holder at si Terran na isang earth holder. At sa west naman ay sina Hale na isang ice holder at si Collis na isang Dark holder.
"Monarchal! Go to your assign settings now! And for you." Turo nya sa misteryosong babae. "Dito ka lang, you will roam the whole area. Tulungan mo ang mga nangangailangan nang tulong. Aasahan kita dito."
'Yan naman talaga ang gagawin ko sa ayaw at gusto ninyo' saad nang babaeng misteryoso sakanyang isipan lamang.
Gaya nang sinabi ng head master ay inikot nya ang area at tinulungan ang mga nanghihingi at nangangailangan ng tulong.
Sa isang banda ay nakikipaglaban si Shyrain sa isa sa mga dark shadows. Hawak hawak nila ang kanilang mga espada. Inihampas nang kalaban sa tagiliran si Shyrain ang espada pero naiwasan niya ito at sa pagkakataong iyong ay si Shyrain naman ang humampas nang espada sa kalaban. Umikot sya nang maramdaman na may pabulusok sa likuran nya. Naiwasan nya naman ang isang patalim na gawa sa itim na enerhiya pero hindi ang suntok na nagawa nang kalaban sakanya.
Napaatras sya dahil malakas-lakas din ang pagkakasuntok sa kanya upang magdurugo ang kanyang kaliwang pisngi. Napangisi tuloy ang kalaban dahil sa nangyari sakanya.
Pero hindi napansin ng kalaban na may bumubuong bolang tubig sa mga kamay ni Shyrain kaya ginawa nya iyong pagkakataon upang tumira sa kalaban.
Sa isang dako naman ay si Rai papunta sa kinaroroonan ni Shyrain. Parang tumigil ang mundo ni Rai sa kanyang nasaksihan. Isang gintong patalim ang lumipad sa kinaroroonan ni Shyrain na hindi namamalayan na papalapit ito sakanya.
Ang gintong patalim ay isang patalim na kahit isang daplis lang nito ay maaari mong ikamatay kaya ganoon na lamang kagulantang si Rai sa kanyang nakita.
Rai teleport behind Shyrain at itinulak ito at sumunod naman sya pero hindi nya naiwasan ang isang napaka-maliit na hiwa sa kanyang braso.
Agad na napaluhod si Rai sa lupa dahil isang napakatinding sakit ang nararamdaman nya ngayon.
Napalingon si Shyrain sakanya dahil sa pagluhod nito at pag-inda sa sakit. Gulat ang makikita sa mga mata ni Shyrain ngayon isang butil nang luha ang unang lumabas sa kanyang mga mata bago nagsisi-unahan ang mga luha nya pababa.
Napaluhod din sya sa tabi ni Rai nang may humila sa buhok nya at sinugatan ang pisngi nya. Napahawak sya sakanyang pisngi at naramdaman ang pagdaloy nang kanyang dugo pababa tulad ng kanyang mga luha.
Nakita nya ang hawak na panugat sa kanya at nang makita iyon ay labis ang agos na naman nang kanyang mga luha. Kasabay nang pagbagsak nya at pagbagsak ni Rai ay ang pagkabagsak nang humihila hila ng buhok nya.
Sigaw ni Alizeh ang maririnig sa bulwagang iyon labis ang kanyang pagtangis nang nadatnan nya ang kanyang mga kaibigan na wala nang buhay.
Yakap yakap nya ang katawan nina Rai at Shyrain ngayon sa lupa na wala ng mga buhay. Sakit at poot na lamang ang nararamdaman ngayon ni Alizeh dahil ang nag-iisang nasusumbungan at tinatakbuhan nya pag may problema ay wala na dahil kinuha na sya ng nagmamay-ari sakanilang lahat.
Isang tawag ng pangalan nya ay ang muling nagpabalik ng katinuan nya. Paglingon nya ay si Terran iyon. Pero nagulat si Terran na makita ang pamamaga nang mga mata ni Alizeh huli na nang marealize nya ang mga nasa bisig ni Alizeh.
Biglang nanginig ang mga tuhod ni Terran at kasabay nang pagbagsak nya sa lupa ay ang pagbagsak din nang kanyang mga luha nang makita ang kanyang minamahal at matalik na kaibigan sa mga bisig ni Alizeh na kapwang wala nang mga buhay. Labis ang kanyang paghagulgul nya mas malakas pa iyon kay Alizeh.
Sa kabilang dako naman ay sina Alina at Blaze ay nakikipaglaban sa isa sa mga pinakamalakas na kalaban lima laban sa dalawa. Kanina pa silang dalawa nahihirapan sa pakikipaglaban dahil kapwang malalakas ang kanilang kalaban ngayon sa kanilang harapan.
Ngayon ay kapwa nang nakatalikod ang dalawa sa isa't isa dahil pinapalibutan na sila ng limang kalaban.
Sabay nilang dalawa pinakawalan ang isang fire at light bullet ngayon sa mga kalaban panay iwas naman ang mga ito sa mga tira nila.
Nakakita nang butas ang isang kalaban at napatamaan sa kaliwang binte si Alina, malalim ang naging sugat non kay iyon ang dahilan nang pagluhod nya at ang paghinto ni Blaze dahil sa nakitang kaawa awang sitwasyon ni Alina kaya iyon ang ginawang pagkakataon ng isang kalaban upang saksakin ng espada ang dibdin ni Blaze na sapol na sapol sakanyang puso.
Napangiti na lamang si Blaze ng pilit upang iparating kay Alina na okay lang sya kahit hindi naman talaga.
Kasabay nang pagkawala nang ulirat ni Blaze ay ang paghawak ni Alina sakanyang mga kamay. At sabay sabing 'nawa'y magkikita-kita at magkakaibigan parin tayo sa susunod pa nating buhay'. At pagkatapos niyang bigkasin iyon ay sya namang pagbagsak nang kanyang ulo sa lupa bago ang kanyang katawan.
TO BE CONTINUED...
Sakura_km
YOU ARE READING
Immortal Warrior of the Endless World
FantasyThousands of another life, Queen of the Forgotten tribe