Chapter 17

65 3 0
                                    

ELI'S POV

Napatingin ako sa malayong dako at Doon ko Nakita ang aking sinisinta.

Lumobo ang aking pisngi nang makitang saakin rin sya nakatingin. Gumuhit ang napakagandang ngiti sakaniyang labi para ako'y gumanti rin sakaniyang malawak  na ngiti.

Sakalaunan ay napawi ang aking ngiti nang sya'y mawala saaking paningin. Naalala kong wala na pala siya. Binawi na pala siya saakin ng may kapal. Hindi man lang ako nakapagpaalam Ng maayos sakaniya.

Naalala ko rin palang Hindi ko makakalimutan Ang nakaraan kahit ano Ang Gawin ko. Kahit iuntog ko pa ang aking ulo sa matigas na bagay ay Hinding Hindi ko parin malilimutan Ang mga alaalang nakaraan na.

Nang dahil sa ipinagbabawal na pagsasama ay nagkaganito ako, nagkaganito kami.

Nagkawatakwatak kami. Ngunit kahit ganoon ay Wala akong pinagsisihan sana ganoon din sya kung nabubuhay sya sa panahong ito.

Hindi na ako maghahabol baka maulit na Naman Ang nangyari sa nakaraan at Doon na magsisi. Pagod na akong magpanggap na malakas, na okay lang.

Sana kung nabubuhay man sya sa panahong ito ay sana lang Hindi na nya ako hanapin o dikaya makita pang muli. Dahil alam Kong mauulit lamang Ang nakaraan. Mauulit Ng mauulit.

Hindi na ako magtataka kung mauulit Ang lahat dahil simula pa lamang alam ko na Ang lahat. Alam Kong mauulit Ng mauulit Ang nakaraan.

Ganoon Naman parati eh, maging Masaya, malungkot, Malaya, maghihinagpis, mabubuhay Silang muli at muling mamamatay. Hindi katulad ko na maging paghihinagpis lang Ang nararamdaman. Sila Ang may kasalanan nito dahil inalis nila Ang aking pakiramdam kaya Ngayon ay para akong hunghang na walang alang na emosyon kundi Ang pagkamuhi nang dahil sa paghihinagpis.

TO BE CONTINUED...

Sakura_km

Immortal Warrior of the Endless WorldWhere stories live. Discover now