Chapter::08

197 8 0
                                    

Chapter::08

"Tigilan mo ako ng ganyan tingin tang*na ka!" inis na singhal ko rito,kanina pa toh eh kung tignan ako parang may ginawa akong malaking kasalanan

"So bawal ka ng tignan ganun?"nang aasar na tanong nito

"Yung totoo,Chael ano bang problema mo?" kunot noong tanong ko rito

"Wala ah tinitignan lang naman kita."

"Ewan ko sayo,Chael minsan rin hindi kita maintindihang g*go ka."iling iling na saad ko saka bumalik sa pag susulat

"Anong magiging reaction mo pag nalaman mong gusto ka rin ni, Timothy?" muli akong nag angat ng tingin rito upang siguraduhin kung Ako ba ang tinatanong niya

"Masaya." tipid na sagot ko rito saka ngumiti "Sigurado kung Ikaw nagustuhan ka din ng taong gusto mo magiging masaya ka."

"Sigurado kaba talaga sa nararamdaman mo sakanya?"may pag dududang tanong nito, napa buntong hininga na lang ako saka humarap rito

"Kilala mo Ako,Chael hindi ako yung tipo ng taong mag sasayang ng oras sa mga walang bagay at walang halaga sa akin."tanging sagot ko rito

"Ayaw ko lang naman na masaktan ka-kayo mahalaga kayo sakin eh."

"Chael, kahit anong gawin mo o Ako hindi pa rin maiiwasang masaktan Ako-kami, Ang sakit ay kasama sa lahat okay?"

"Gustong gusto mo talaga siya noh?"naka pabuntong hingang saad nito naka ngiting tumango tango ako rito

Nginitian na lang ako nito bago siya bumalik sa ginagawa niya, napa iling iling na lang ako..

"Anong trip mo at naisipan mong mag-aya ng lunch?" tanong ko rito habang magkasabay kaming nag lalakad papuntang Cafeteria

"Gusto ko lang masama ba?" pa sagot tanong na turan nito

"Wala lang nag tataka lang ako." kibit balikat na sagot ko

"Bakit nga pala hindi kita nakikita rito sa Cafeteria?Lagi kitang hinahanap tuwing free time eh." takang tanong nito

"Hindi ako mahilig sa maraming tao at maingay saka bukod sayo at sa mga classmate ko at mga kaibigan ko lang ako nakiki paglapit. Kaming magkakaibigan may tambayan kami rito at dun kami naglalagi." sagot ko rito

"Close ba talaga kayong mag kakaibigan?"

"Oo parang pamilya na kami eh Hindi lang halata kasi lagi kaming nag babangayan." natatawang tugon ko rito

"How about that,Chael kaibigan lang ba talaga kayo?"

"Oo naman parang kapatid ko na yun eh silang dalawa ni,Gav ako pinaka close parang kami yung Trio sa groupo."

"Ahh! Baka sayo kaibigan lang ang tingin mo pero pano sakanya?"tanong nito naikinalingon ko saglit sakanya

"Kung iniisip mong may gusto siya sakin nag kakamali ka protective lang talaga siya sa akin-sa amin yung pag bugbog nila sayo nun hindi lang ikaw ang una actually binugbog din nila yung lalaking nangloko kay,Ana well deserve niya Yun pasalamat nga siya naging mabait kami sakanya eh."

"Saka misunderstanding lang talaga yun."dugtong ko

" I know!"may ngiti sa labing wika nito saka hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko "Kung ganun dapat sakanila ako mag-paalam sa pag liligaw ko sayo."turan nito napa tigil ako sa paglalakad at nanlalaking matang napalingon rito

"L-Ligaw? Liligawan mo ako?" Gulat na gulat na tanong ko rito mahinang natawa ito en

"Of course." naka ngiting wika nito

CHOICE:Hide or Stay(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon