Chapter::27

202 6 0
                                    

Chapter::27

Napa hilot ako sa ulo nang maramdaman ko ang pagkirot nito ilang linggo na pala ang nakakalipas simula nung ilibing si Lola at malapit na rin ang pasukan

"May hindi ka sakin sinabi, Courtney?" napa hinto ako sa pag-inom ng marinig ko ang tanong ni,Mama "Akala mo ba hindi ko napapansin, Courtney."

Sunod sunod ang nagawa kong pag lunok dahil kaba sa pwedeng maging reaction nito bakit ba kasi tulog mantika si Chael nakakaasar

"M-Ma..."kinakabahang usal ko "Sorry po k-kung hindi ko natupad ang pangako kong makakapagtapos ako." naka yukong paumanhin ko mariing napa kagat labi ko habang hinihintay ang gagawin nito..

Nagulat ako ng maramdaman ang yakap nito Hindi ko tuloy mapigilang maiyak at mag isip ng kung ano

"Ayos lang naman sakin, Courtney saka pwede ka namang mag-aral ulit ikaw pa ang talino mo kaya."

"Hindi ka galit, Ma?" natatakot na tanong ko rito agad itong umiling

"Bakit naman ako magagalit? Baby is Blessing, Courtney." naka ngiting wika nito habang hinahaplos ang buhok ko

"Thank you, Ma..." mahinang usal ko rito

"Tell me, Courtney ilang buwan na ang dinadala mo?" tanong nito

"More than 6 weeks na, Ma saka babies po siya hindi baby." turan ko rito umawang ang labi nito dahil sa gulat

"Father side?"tanong nito

"Wala po silang lahing ganun, Ma saka sabi ni Doc may mga ganitong case naman daw." paliwanag ko rito

"Nasaan ang Ama nila, Courtney?" tanong nito nakaramdam na naman Ako ng lungkot at pag kirot nang puso ko

"I-i-iniwan ko siya, Ma Hindi niya alam na buntis ako..." naluluhang wika ko rito puno ng pag aalalang pinunasan nito ang luha ko

"Bakit mo naman siya iniwan, Courtney? Hindi niya ba gusto ang batang dinadala mo?" agad akong umiling iling rito

"Hindi, Ma mahal na mahal Ako ni Timothy Calvin at alam kong hindi niya ako pababayaan."

"Kung ganun bakit mo siya iniwan?"may pagtatakang tanong nito

" Ayaw ko siyang makitang nasasaktan at nahihirapan, Ma kung hindi ko siya iiwan Itatakwil siya nang magulang niya tapos pati kayo madadamay dito. "

"Hindi mo naman kailangang gawin yun, Courtney tignan mo ikaw tuloy ang nahihirapan at nasasaktan at kung tulad nga ng sinabi mong mahal na mahal ka ng lalaking yun siguradong nasasaktan na rin siya."

"Alam ko, Ma pero hindi na mababago ang isip ko saka sabi ng Doc umiwas ako sa problema at stress na iisip ko palang yung Mommy at Daddy niya a sstress na agad Ako baka sa sobrang stress ko pangit na ang Babies ko pag lumabas."naka ngusong wika ko

"Ayan ang sinabi ko sayo."pareho kaming napilingon kay, Chael na bigla na lang sumulpot sa kung saan

"Good morning, Chael. "bati ni, Mama rito

"Good morning, Tita."

"Kailan ka uuwi? Malapit na matapos ang summer tandaan mo, Chael graduating kana huwag ka ng absent nang absent."turan ko rito

"Alam ko ho, ngayon ang uwi ko iiwan ko na lang ang gamit ko rito dahil babalik Ako tuwing check -up mo."turan nito napa ngiti naman

"Ayieee Ninong na ninong ah."pang aasar ko rito mayabang na nginisihan ako nito

"Ako ang magiging Favorite Ninong niya."

"Di mo sure Hahaha." pang aasar ko rito

"Bakit hindi na lang kayo?"pareho kaming natigil sa biglaang tanong ni, Mama nag katinginan kami bago kami humalagpak sa tawa

"Ma hahahaha baliw na baliw pa yan sa babaeng hindi niya nakita eh Hahaha "tawa ng tawang wika ko natigil sa pagtawa si, Chael at ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin nito

"Yun ba yung babae sinabi mong sumira sa ka inosentehan mo?"natatawang turan ni,Mama rito Ako naman ay pigil ang tumawa pulang pula na rin ang Mukha ni,Chael

"Tita naman matagal na yun grade 7 palang Ako nun,Tita." naka busangot na reklamo ni, Chael rito

"Ayun na nga eh nung grade 7 ka pa nun yung nangyari pero Hanggang ngayon."pigil ang tawang sabat ko

" Courtney ah Hindi porket buntis ka mang aasar ka na ng mang aasar."

"Baka kay,Chael ka nag lilihi,Nak."agad na sumama ang mukha ko dahil sa sinabi ni Mama

"Sa peanut butter at kay, Timothy yan nag lilihi,Tita..."turan ni,Chael

"Manahimik ka nga, Chael hangga't napipigilan ko ang sarili kong saktan ka."nag babantang turan ko

"Mukhang namana mo sakin yan Hahaha nung pinag bubuntis kita Walang ibang makalapit sakin maliban sa Papa, Lolo at Lola mo kung ibang tao kasi ay parang gusto kong gawin punching bag."natatawang kwento ni, Mama

"Pati ba yung mananapak pag na gugulat,Tita?"may sarkasmong Tanong ni, Chael rito saka inirapan ako

" Hmm.. Hindi ako nananapak pag nagugulat eh nananampal lang."naka ngiting sagot ni,Mama Hindi ko napigilang matawa....

"Grabe kayo,Tita nasa lahi niyo ba pagiging mapanaket." nag mamaktol nitong wika parehong natawa lang kami ni,Mama rito

"Malay mo,Chael mas malala yung magiging inaanak mo." natatawang biro ko rito

"Hindi dapat maaga palang tuturuan ko na silang maging mabait."Determinadong wika nito

" Hoy kung maka pagsalita ka parang ang sama nang anak ko.."asar na saad ko rito saka siya pinalo sa braso

"Aray ah sadista mo na talaga."asar na wika nito habang hinihamas ang braso niyang pinalo ko inirapan ko lang siya...

"Tell me about this guy,Nak pano kayo nagkakilala?" masuyong tanong ni,Mama nandito kami ngayon sa likod bahay naka upo sa ilalim ng mangga tree

"Na meet ko po siya sa labas ng Bar kung saan ako kumakanta, Ma may mga lalaking pinag tutulungan siya tapos ayun tinulungan ko siya dinala ko siya sa apartment ko hehehe tapos nalaman kong parehong school kami pumapasok mag kaiba nga lang kami ng Strand tapos dun na po nagsimula ang lahat."naka ngiting kwento ko rito

"Tapos nangligaw siya sakin ng ilang buwan, Ma tapos sinagot ko siya sa exact Birthday niya alam mo, Ma simula nung naging kami hindi kami nag-away kamuntikan lang pero hindi natutuloy kasi nag-usap kami."

"Iniintindi ako ni, Timothy Calvin Ma hindi siya gumawa ng mga bagay na ikakasakit ko samantalang ako nasaktan ko siya pero hindi siya nag rereklamo na iniintindi niya ako sa lahat pinaramdam niyang walang kulang sakin na sobrang worth it ko na pagsayangan ng oras. "

"Your worth it Courtney huwag mong ququestionin yan."turan ni, Mama ngumiti na lang ako rito

" He planned his future with me, Ma. Tapos alam mo ba, Ma nung dinala ko siya sa puntod ni Papa para Ipakilala tapos sa harapan mismo ni Papa nangako siyang Ako lang ang ihaharap niya sa Altar at Mamahalin alam kong tototohanin niya yun, Ma tapos iniwan ko lang siya alam kong nasaktan siya nang sobra at hindi ko alam kung tatanggapin niya ulit ako pagbumalik ako."Puno ng sakit at pag sisising saad ko niyakap ako ni, Mama

"Sa mga kwento ko nararamdaman kong sobrang mahal na mahal ka niya kaya alam kong kung darating ang araw na bumalik ka sakanya siguro hindi ka agad niya matatanggap pero kung ipapaliwanag at sasabihin mo ang lahat sakanya alam ko nararamdaman kong tatanggapin ka niya ulit nang buong puso baka nga Hindi mo na kailangang ang mag paliwanag eh ang mahalaga sakanya ay bumalik ka sakanya."mahabang lintaya nito

"Sana nga, Ma..."mahinang hiling ko habang naka sandal sa balikat ni, Mama...

CHOICE:Hide or Stay(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon