Chapter::24
Hinang hinang napa sandal ako sa pader malapit sa kinasasalpakan ko naubos ata lahat ng energy ko dahil sa pag susuka
Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sakin eh basta nagising nalang Ako na parang may kumikiwal sa tyan ko saka Ako nag suka pero wala namang lumalabas puro tubig lang ata...
Nang makabawi ng lakas ay tumayo na ako saka nag mumog muna ako bago lumabas at muling nahiga sa kama ko dahil parang hinihila akong matulog ulit...
Nang magising ulit ako ay sobrang taas na ng araw kaya kahit inaantok ay pinilit kong bumangon saka nag tungo sa kusina para kumain dahil nakakaramdam na ako ng gutom...
Nag sandok ako ng kainin saka kumuha ng peanut butter para yun ang gawin kong ulam mas natakam akong kumain Hindi ko tuloy namalayang napa dami ang kain ko...
Wala sa sariling napa titig ako sa sarili ko sa malaking salaming nasa salas ko
"Tumataba na talaga Ako."naka ngusong wika ko habang pinag mamasdan ang sarili wala sa sariling napa tingin ako sa tyan ko...
"So weird."mahinang wika ko habang hinahaplos ang sinapupunan ko nang mag sawa akong titigan ko ang sarili ko ay naupo na ako saka inabot ang cellphone ko at nag scroll scroll sa Facebook
Napatigil lang ako sa pag sscroll ng may maka kuha ng attention ko it's about pregnancy..
Habang nagbabasa ay unti unting umaawang ang labi ko kasabay nang mga mata ko dahil sa gulat
"Hindi naman siguro diba?" mahinang tanong ko sa sarili saka wala sa sariling napa hawak sa tyan ko
"Should I try the pregnancy test?"pagka usap ko sa sarili ko matinding clash ang nangyari Hanggang sa napag desisyunan kong lumabas ng apartment at nagtungo sa malapit na pharmacy at bumili ng dalawang pregnancy test...
Nang maka bili ako ay dali dali akong umuwi ng apartment at nag diretso sa banyo binasa ko ang direksiyon nito kung Paano gamitin...
Dahil sa pinag halong Kaba at takot habang hinihintay ang resulta nito ay tinawagan ko si,Chael dahil siya ang pinaka malapit...
Ilang sandali pa ay nadinig ko ang sunod sunod na katok kaya patakbong lumapit ako para pagbuksan ito
"Anong nangyari?Ayos ka lang ba?May masakit ba sayo?"hinihingal man ay bakas ang pag aalala sa mukha at boses nito
"C-Chael..." naiiyak na tawag ko rito saka siya niyakap
"Huy ayos ka lang ba?Ako ang kinakabahan sayo eh."bagkus na sagutin ito ay hinila ko ito papasok sa loob
"Ano bang nangyayari sabihin mo sakin, Courtney."
" Huwag kang matakot sabihin sakin Ako toh si,Chael Kaibigan mo Ang best friend mo."pang hihikayat nito kaya wala akong nagawa kung hindi I kwento sakanya lahat Ang nangyayaring kakaiba sa sarili ko
"So ibig sabihin buntis ka?"
"Hindi ko alam Hindi ko kayang tignan mag isa yung resulta kaya tinawagan kita." wika ko rito
"Bakit Ako?Bakit Hindi si, Timothy?"may pag tatakang tanong nito
"Ikaw na rin nag sabi best friend kita saka Ikaw ang pinaka malapit at Hindi ko alam kung paano mag rereact si, Timothy Calvin." tugon ko rito narinig ko ang pag buntong hininga nito
"Kung ganun nasaan na yung pregnancy test? Siguradong lumabas na yung resulta nun." sambit nito agad naman akong tumayo saka nag tungo sa banyo para kunin...
"Here." kinakabahang inabot ko rito yung dalawang pregnancy test mariing pumikit ako habang hinihintay ang sasabihin nito
"Wala naman akong alam dito eh." dinig kong reklamo niya
"One line means negative Hindi Ako buntis two lines means positive buntis Ako."imporma ko rito
" One line negative and two lines positive?"tumango ako bilang sangayon
Halos nakalimutan ko ng huminga dahil sa sobrang kaba
"Then magiging ninong ba ako sa magiging baby mo?"wala sa sariling nagmulat Ako at takang napalingon kay, Chael
"Huh?"
"Two lines means positive so yes, Courtney magiging mother kana at magiging ninong na Ako." naka ngiting wika nito at bakas ang tuwa sa mukha nito Hindi ko tuloy maiwasang mapa luha habang may ngiti sa labi
"Magiging Mommy na ako?" naluluhang tanong ko rito naka ngiting tumango tango ito saka ako niyakap at tuluyan na akong napa hagulgol dahil sa sayang nararamdaman
"Hey, Don't cry, Courtney makakasama sa baby Yan." pag-alo nito tumango tango Ako rito saka pinatahan ang sarili ng kumalma na ako ay saka lang Ako nito pinakawalan mula sa pag kakayakap niya...
"I'm happy for you siguradong magiging mabuting ina ka." naka ngiting wika nito
"Natatakot ako, Chael hindi ko alam kung kaya ko bang panindigan ang responsibilidad na ganito." pag amin ko rito
"Alam kong makakaya mo saka nandito kaming mga Kaibigan mo."masuyong wika nito saka pinunasan ang luha ko "Alam mo mas mabuti pa Tara sa hospital ipapa check up kita sa OB para malaman natin kung ilang weeks na yan at kung anong dapat nating gawin." naka ngiting pag-aaya nito saka Ako inalalayang tumayo
Tahimik lang akong nag patianod rito namalayan ko na lang nasa loob na kami isang clinic at may kung anong nilalagay yung Doc sa Tummy ko Hindi naman umalis sa tabi ko si,Chael hawak lang nito ang kamay ko
"Confirmed,Ma'am your 5 weeks pregnant and there's a possibility that's your having a twins." naka ngiting wika ng Doc
"Doc twins?Wala naman silang lahing kambal,Doc." takang turan ni,Chael rito habang ako ay tahimik lang na nakikinig pilit na iniintindi ang sinabi nito
"May mga ganung case na nangyayari Sir kahit walang lahing kambal, triplets, Quadro." paliwanag ni Doctora rito
"Kung ganun,Doc ano ang dapat at Hindi dapat sakanya ,Doc?"
"Bibigyan kita ng reseta para sa Vitamins ng babies dahil medyo maselan ang pag bubuntis mo Lalo na't first time mo kaya hangga't maari umiwas ka sa stress ay mabibigat na gawain huwag din puro puyat." sagot nito
"Salamat po,Doc."ngumiti samin si Doc saka nag paalam na ihahanda lang daw nito ang reseta ng mga vitamins na bibilhin namin..
"Sasabi mo ba agad kay, Timothy?"tanong ni, Chael ng kaming dalawa na lang ang naiwan
" Oo may karapatan siyang malaman pero Hindi pa nga lang ngayon nag hahanap pa ako ng tamang tiempo."sagot ko rito habang inaalalayan ako nitong maka upo
" Eh sa iba sasabihin mo ba?"
"Saka na siguro tayong dalawa muna ang nakakaalam kay, Timothy Calvin ko muna sasabihin bago sa iba."sagot ko rito saka kami parehong napa lingo sa pinto ng bumukas ito saka pumasok ang naka ngiting si Doctor habang may kung anong hawak na papel..
"Yan ang lahat ng dapat bilhin niyo."
" Thank you,Doc!"Sabay naming pasalamat rito tinulungan akong maka tayo ni, Chael saka kami sabay na nag paalam may Doc bago kami umalis sa clinic nito..
" Dito ka lang ako na lang bibili ng Vitamins mo."bilin nito bago bumaba ng sasakyan Hindi ko mapigilang mapa ngiti habang hinahaplos ko ang may umbok ng sinapupunan ko
" Kita mo yun, Babies siya ang Ninong Chael niya at halatang ma sspoil kayo sa oras na lalabas kayo."pag kausap ko rito...
Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng mabasa ang nilalaman nang text message...
From: Unknown
'Hey,Ms Courtney Solace this is Timothy Calvin's mother can we meet up at the Coffee shop where you're working'
Napa higpit ang hawak ko sa cellphone ko pagkatapos kong magreply sakanya...
BINABASA MO ANG
CHOICE:Hide or Stay(🌹)
RomanceCourtney Choice's HIDE or STAY Cover photo not mine cdrts to the rightful owner!!