Chapter::25
Halos isang buwan na ang nakakalipas nung ma meet ko ang parents ni, Timothy Calvin Akala ko hindi na nila kami pakikialaman kaya nagulat ako ng maka tanggap ako ng message mula sa Mommy nito at gustong makipag kita kung saan ako nag tratrabaho...
Halos ilang minuto din akong nag stay sa labas ng coffee shop dahil nag dadalawang isip ako kung tutuloy na ako o Hindi
"Courtney Solace, bibigyan kita nang dalawang pag pipilian."bakas ang pagiging matapobre sa boses nito na para bang isa akong langgam na mabilis niyang apakan elegante kung maka upo naka Cross arms and legs
Nasa loob kami ng coffee shop kung saan ako nag papart time job tuwing labasan.
Nakakaramdam man Ako nang takot ay pilit konh you pinapatatag ang sarili, Hindi ko basta pwedeng ipakita sa kanya na malaki ang apekto nito sakin
"Choice?"takang tanong ko Ano toh exam? Multiple choice ganun
"hm.. layuan mo ang anak ko." prangkang saad nito Hindi ko maiwasang magulat pero agad ding nakabawi, parang wala namang choice dun eh
"Akala ko ba may dalawa akong pag pipilian?"may sarkasmong tanong ko rito
"Wala ka talagang modo kaya ayaw ko sayo para sa anak ko."may pang uuyam na saad nito parang siya meron ah
"Okay lang ho, Hindi ko rin naman gusto na Ikaw yung naging Ina nang taong minahal ko eh."matamis ang ngiting saad ko rito, Nice one Courtney ikaw na talaga
Napansin ko ang pag kuyom nang kamao nito at halatang pinapakalma ang sarili
"Hindi ko nga alam kung anong nakita nang anak ko sayo, Walang ka-aya-aya sa ugali mo. galing ka rin sa mababang antas nakakapag taka nga at nagawa mong Maka pag aral sa skwelahan kung nasaan ang anak ko eh, Lalo na at para lamang sa mga katulad naming mataas ang kinakatayuan sa lipunan ang kayang maka pag paaral duon."Puno nang pang iinsultong saad nito sakin aray ah maganda naman daw Ako
"Hindi niyo na kailangan malaman kung anong nakita nang anak niyo sa akin at para ho sabihin ko sainyo mahirap lang ho kami pero Hindi Ako b*bo at alam kong pano gamitin yung utak ko kaya ako nakapag aral sa pinapasukan nang Anak niyo."pekeng ngiting turan ko rito
Kung hindi lang siya ang mama ng lalaking mahal ko ay kanina ko pa siguro nasampal sinabunutan saktan o di kaya ay iwan ito pero kailangan ko parin siyang igalang...
Tandaan mo, Courtney kailangan natin siyang paki samahan dahil kung Hindi dahil sakanya ay wala ngayon ang lalaking iniibig at ang taong naging dahil kung bakit mo nagawang maging masaya
"Tulad nga nang sinabi ko may dalawa kang pag pipilian." muling saad nito
"Hide o Stay." seryosong saad nang Mama ni Timothy sakin, Alam kong nakita nito ang pag tataka at pagkalito sa mga mata ko dahil Hindi ko nakuha ang gusto niyang iparating
"Hide,alam mo naman kung anong ibig sabihin nang hide Hindi ba?Mag tago ka, mag tago ka sa Lugar na malayo sa anak ko at sisiguraduhin mong Hindi kana ulit mag papakita sakanya at kung yun ang pipiliin mo sisiguraduhin kong Hindi kana mag hihirap sa buhay." paliwanag nito
"Stay,ibig sabihin ay manatili ka sa tabi nang anak ko pero isa lang ang sisiguraduhin ko para sayo, sisiguraduhin kong mag hihirap ka, Hindi lang ikaw kung hindi pati ang pamilya mo."naka ngising saad nito
Hindi Ako makapag salita dahil sa sobrang gulat,para sakin ay parang wala namn akong pwedeng pag pipilian
Alin man sa dalawa ang pipiliin ko ay may masasaktan akong taong mahalaga sa'kin.
Sa Anong paraan ba dapat ako pumili? Mahalaga sa akin ang pamilya ko at may pangarap akong gustong matupad...
Ngunit mahal ko rin siya kung hindi dahil sakanya ay Hindi mo mararamdaman ang sayang nararamdaman nito tuwing mag kasama sila
"Mukhang hindi mo ata kayang mag desisyon ngayon." pansin nang Mama ni Timothy sa'kin ng ilang minuto na ay wala parin tugon akong maisagot rito
Malamig ang matang napatitig ako sa Mama ni Timothy kating kati ang kamay kong saktan ang babaeng nasa harapan ko ngayon
"Hindi naman Ako ganun kasama kaya bibigyan kita nang dalawang linggo para mag desisyon at makalipas nang dalawang linggo muli tayong mag kikita rito sa parehong oras."naka ngiting saad ng ina nito saka kinuha ang bag niya
Bago umalis ang Mama ni Timothy ay nag iwan ito nang pera sa ibabaw nang table namin pambayad siguro sa inorder niyang kape para sa amin na Hindi manlang namin nagawang bawasan
Pero mas ikinatigalgal ko ang huling sinabi nito bago Ako tuluyang iwan
"Kung mahal mo ang anak ko iiwan mo siya dahil sa oras na Hindi mo siya iniwan at mananatili ka sa tabi niya baka tuluyan na nga siyang itakwil ng ama niya."
Sunod sunod ang naging pag tulo nang luha ko dahil sa samut saring emosyon na nararamdaman ko
Hindi pa nakatulong ang pag bubuntis ko dahil masyado akong mas nagiging emosyonal pinahid ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko masama nga pala sa babies ang stress
Determinadong mariing naka kuyom ang mga kamaong lumabas Ako ng coffee shop
Suminghap Ako nang malalim na hanging bago marahang pinakawalan saka nag simulang maglakad sa kung saan
Walang direksiyon ang mga paa kong naglalakad hinayaan kung saan man sako dahil nang mga paa ko at dinala Ako ng mga ito sa isang playground..
Wala sa sariling napatulala ako kung saan habang naka upo sa isa sa mga benche sa playground malalim ang iniisip..
Ano bang dapat piliin ko o dapat ba akong mamili....
Panandalian lang ba talaga ang kasiyahan na naramdaman ko?
Buong buhay ko ay puro hirap ang hinarap kung Hindi nga lang dahil sa ilan sa mga kaibigan ko ay Hindi ako laging nakakakain noon...
Sa dalawang pag pipiliin lugi ako luging lugi dahil kahit alin ang pipiliin ko rito ay may mahalagang tao ang mawawala sa akin.
Should I hide?
or
Should I stay?
Kung aalis ako pano ang babies namin?Pano ang pangako namin sa isa't isa?
Ano bang kulang sakin at hindi Ako magustuhan ng magulang nito para sakanya?
Dahil ba sa mahirap Ako?Eh Ano naman kung mahirap Ako at least may paninindigan atleats hindi ko sasaktan yung anak nila dahil mahal na mahal ko..
Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko
Future Ninong Chael Calling~~
Napangiti ako nang makita kung sino ang tumawag.Mukhang pinalitan nito ang names niya sa phone book ko Hindi naman Halatang excited siyang maging ninong eh noh
"Hoy nasaan ka?Bakit walang tao rito sa apartment mo?Huwag mong sabihing nag tratrabaho ka?"sunod sunod na tanong nito pagkasagot ko ng tawag nito
"Hey,Chael." walang buhay na bati ko
"Hoy g*gu ayos ka lang ?May nangyari ba? nasaan ka? Pupuntahan kita." may pag aalalang turan nito
"Ayos lang Ako. Chael Timothy's Mom and I talked."
"Uwi kana, Courtney mag didilim na sabihin mo sa'kin lahat sa personal hihintay kita dito sa labas ng apartment mo."turan nito bago ako binabaan ng tawag
Napa buntong hininga na lang ako saka tumayo na at nagsimulang humakbang papuntang sakayan pauwi samin....
BINABASA MO ANG
CHOICE:Hide or Stay(🌹)
RomanceCourtney Choice's HIDE or STAY Cover photo not mine cdrts to the rightful owner!!