Chapter::32

234 5 0
                                    

Chapter::32

"Bakit ba nauso yung surprised quizz na yan ang baba tuloy ng score ko." reklamo ni, Keane

"Kaya nga nauso ang advance reading diba?" natatawang turan ko rito

"Ayos naman yung score ko Hindi nga lang perfect tulad ng kay, Timothy."natatawang turan ni, Cavier

"Kung ganun ako lang ang mababa ang score."nanlulumong turan ni,Keane

"Okay lang yan umabot naman yung score mo sa passed scores."pag checheer up ko rito

"huwag kang mag-alala iinom natin yan."turan ni, Cavier napa iling na lang ako

"Hindi ako makakasama may gagawin akong report."agad na imporma ko sakanila

"Pwede ka namang humabol. "dahilan ni, Keane

"May iba akong pupuntahan." pupunta ako ulit sa Bar na yung magbabakasakaling makita ko ulit siya

"Saan ka naman pupunta?" nag dudang tanong ni, Keane

"Wala ka ng pakialam dun." pabirong sagot ko rito napa iling na lang silang pareho

"Malaki ka naman na kaya alam naming alam mo na ang ginagawa mo."Cavier said while tapping my shoulder

"Btw pa send na lang ako nung gagawin ko sa research."Keane said

"Yung sa'kin din."tumango na lang ako pareho sakanila Saka kami sabay sabay na lumabas ng room tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila tungkol sa kung saang bar sila pupunta..

"Ano nga palang gagawin natin sa up coming events? Balita ko debates ang gagawin ng mga Humss habang ang tvl cooking contest meron na din Yung iba."Tanong ni, Cavier

"Bakit sakin niyo tinatanong Ako ba ang Class President? May gaganaping quizz bee at isa ako sa representative."

"Oo nga pala noh? Yung religonal quizz bee yan diba? Nakilala mo na ba yung iba mong kasama?"tanong ni, Keane

"Hindi eh pangalan palang nila ang alam ko. Yung sa HUMSS representative hindi ko alam ang mukha. Courtney Solace daw ang pangalan eh Kilala niyo ba? "tanong ko sakanila

"Hindi eh. Parang ngayon ko nga lang narinig ang pangalang yan."kibit balikat na sagot ni, Cavier

"Sikat yang si, Courtney sa mga taga HUMSS kaso ilap daw sila sa mga tao kaya hindi niyo Kilala tanging mga nasa HUMSS building lang ang nakakakilala."sagot ni, Keane

"So paano mo alam? Huwag mong sabihing may babae ka dun? "

" Wala ah taga dun kasi yung pinsan ko tapoa nakwento niya sakin ng isang beses lang."tanggi nito

"Saka scholar kasi siya alam niyo naman kung gaano kahirap yung exam nila para makakuha ng scholarship dito diba."dagdag nito

"Interesting."tatangong tangong komento ko

"Ang alam ko kasi Kaibigan silang mag kakaibigan ay sikat sa kanya kanyang department nila kahit na ang iba ay nasa Junior High palang."Pag kwekwento nito

"Wow iba din kung chissmoso noh madaming nalalaman."natatawang turan ni, Cavier rito

"Anong chissmoso ka dyan hindi kaya."naka simangot na reklamo ni, Keane rito saka inambaan ng suntok si, Cavier

Napa iling na lang ako at hinayaan silang mag asaran habang ako tahimik na pinag patuloy ang pagkain...

Napa buntong hinga ako pag katapos kong gawin ang report presentation ko para bukas bago ko pinatay ang laptop ay sinend ko muna kila,Keane at Cavier yung gagawin nila sa research..

Nang maayos ko lahat ng gamit ko ay tumayo na ako saka nag tungo sa banyo para mag bihis pag kalabas ko ng Cr ay agad na napatingin ako sa orasan

11:27pm na kaya nag madali na akong umalis ng bahay baka hindi ko na siya maabutan pa..

Palakad lakad lang ako sa labas ng bar kung saan tingin ko ay dadaanan niya sana ay makilala pa ako nito.

"Pre mag isa ka lang ata?" agad akong umayos ng tayo saka naiilang na tumingin sakanila at mukhang naka inom..

"Mukhang mayaman ka ah."

"Gusto mo sumama ka muna sa amin inuman tayo." napa igtag ako sa gulat dahil sa biglang pag-akbay sakin nung isang lalaki

"Hindi na kailangan may hinihintay lang ako."magalang na tanggi ko rito saka maingat na tatanggalin sana ang braso ng lalaking naka akbay sakin ng sakalin ako nito

"Hindi namin sinabing ayawan mo kami." gigil na gigil na turan ng lalaking sakal sakal ako

"B-bitaw i-i c-cant b-breath." hirap na hirap na turan ko nahihirapan na din akong makahinga dahil sa higpit ng pag kakasakal nito

Napa singhap at mahinang napadaing ko dahil sa biglaang pag suntok ng kasama nito sa sikmura ko..

"Ang ayaw namin yung tinatanggihan kami." madiing wika ng lalaki saka Ako nito muling sinuntok sa sikmura..

Agad akong napahiga dahil sa pang hihina ng bitawan ako ng lalaki habol ko rin ang sariling hininga ko...

Naramdaman kong pinag sisipa nila ako bago tuluyang lamunin ng dilim ay may narinig akong pamilyar na boses ang sumigaw "Hoy!Ano yan?!" ang tanging narinig ko bago nawalan ng malay

Nagising ako ng maramdamang may nakatitig sa akin. Wala sa sariling hinila ko ito

Napamulat ako ng maramdaman may malambot na dumampi sa labi ko..

Sumalubong sakin ang gulat na gulat na mata ng babaeng hindi ko inaasahang makita ko ulit..

Napakurap kurap Ako ng bigla ako nitong tinulak kahit na nakahiga na ako...

Sinundan ko lang ito ng tingin na nag mamadaling sa tingin ko ay pumasok sa kwarto niya

Napangiti na lang ako ng maalala ng paglapat ng labi nito sa labi ko sayang hindi manlang nagtagal ng ilang oras..

Mahinang napa daing ako ng maramdaman ko ang pasakit ng sikmura ko dahil sa pag upo ko..

Ilang sandali akong napatitig sa pintuang pinasukan nito bago naisipang abutin ang cellphone ko para imessage si Thea

To:Thea

'I won't be able to go home tonight kila Cavier na Ako mag papalipas ng gabi'

Nang masend ko ito ay muli akong nahiga at pinikita Ang mata sinusubukang matulog..

Gising na gising ang diwa ko ng maramdamang may kung anong pinatong sakin I think it's a blanket

Pinanatili kong mag kunyaring natutulog habang pinapakiramdaman ang ginagawa ng babae Hindi ko manlang natanong sakanya ang pangalan niya bahala na bukas ko na lang aalamin...

Gustong gusto kong imulat ang mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko ang titig nito sa mukha ko

"Nakaka t*ng*na talaga napunta sa isang lalaking hindi ko kilala ang first kiss ko."dinig kong saad nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko

Ibig sabihin ako ang first kiss niya?Wala pa siyang boyfriend?May pag-asa pa ako kung ganun..

Saka lang ako nag mulat ng mata ng maramdaman kong wala na siya wala sa sariling napa titig ako sa kisame..

Hindi ko mapigilang mapa ngiti tuwing naaalala ko ang sinabi nito at kung anong pakiramdam nang labi nitong dumampi sa labi ko...

Nakatulugan ko ang pag iisip tungkol sakanya kahit na sa kaalaman ko ay tanging pinto lang ang hadlang sa aming dalawa para makita ko siya...

Kung ganito lang rin naman mangyayari sakin pag nabubugbog ako edi sana matagal na akong nagpabugbog kung ganito ang kapalit willing akong ulitin ng ulitin...

CHOICE:Hide or Stay(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon