Chapter::26
Binitawan lahat ni Chael ang mga hawak nito saka dinipa ang mga braso para salubungin ako ng yakap...
Malungkot akong ngumiti rito saka naluluhang mabilis akong lumapit rito para yakapin siya at duon ko hinayaan ang sarili kong umiiyak ng umiyak...
"Shh... tahana, magiging maayos din lahat, Babes huwag ka ng umiiyak sige ka papangit ang babies mo Pag labas nila gusto mo ba yun ha?" pabirong turan nito Habang hinahaplos ang buhok ko
Hindi ko mapigilang mapa tawa dahil sa sinabi nito
"Hindi mangyayari yun ang ganda kaya ng lahi namin." nag pupunas ng luhang turan ko rito
"Tsk! Hangin mo ah pasok na nga tayo sa loob may ikwekwento ka pa sa'kin saka may mga binili ako para sayo." naka ngiting wika nito saka isa Isang pinulot ang mga binitawan nito kanina...
Napailing na lang ako rito saka kinuha ang susi ng apartment ko sa bulsa ko para buksan ito
"Anong nangyari sa pag uusap ng Mommy ni Timothy? Inofferan ka nang pera?"tanong nito Habang inaayos ang mga pinamili nito naka halumbabang naka tingin lang ako rito
"Hindi..sabi niya mamili daw Ako either I hide or stay ewan ko nga kung anong trip ng mommy niya saka kahit anong piliin ko sa dalawa lugi ako nasa kanya ang advantage." Naka ngusong pag kwekwento ko
"Ay bago na pala ngayon hindi na 'Isang milyon layuan mo ang Anak ko' or 'Sabihin mo kung mag kano basta lalayuan mo ang Anak ko' ganun kuripot siguro parents ni, Timothy kaya hindi nag offer ng pera."naiilang na wika saka humarap ito sakin
"Tuluyang itatakwil ng magulang ni Timothy Calvin siya kung mananatili ako sa tabi niya at sigurado daw siyang maghihirap ang pamilya ko saka nag aalala Ako sakanya, Chael hindi sanay sa hirap si, Timothy Calvin kaya alam kong hindi niya kakayanin sa oras na tuluyan siyang itakwil ng magulang niya. Kaya siguro namamayat na siya."pigil ang luhang turan ko rito
" Sa mga sinabi mong yan parang alam ko na ang desisyon mo."iiling ilang na wika nito saka naka pabuntong hingang malalim
"Masyado pa naman kaming bata,Chael at madami pang pag subok ang dadating saka kung kami talaga gagawa ang tadhana ng paraan."turan ko rito
"Baka nakakalimutan mong dinadala mo ang anak niya-ang mga anak niya." pag tatama nito..
"Hindi ko na alam, Chael ang alam ko lang hindi ko kayang makita siyang nahihirapan at nasasaktan."malungkot na wika ko rito
"Naisip mo naman sigurong sa oras na iwan mo siya ay masasaktan siya ng sobra."
"Alam kong kakayanin niya sa oras na mawala ako sa tabi niya."tugon ko rito
Magsasalita pa sana ito ng mag-ingay ang cellphone ko nagtaka ako nang makitang si,Mama ang tumatawag
"Ma? Ba't napa tawag ka?" may pagtatakang tanong ko sa kabilang linya
"C-Courtney..." napakunot ang noo ko nang mapansing garalgal Ang boses nito
" Ma?Umiiyak Kaba? Anong nangyari? Ayos ka lang ba Ma?" nag-aalalang tanong ko rito
"C-Courtney ang l-lola mo...." mabilis na kumabog ang dibdib ko dahil nag sisimula na akong makaramdam nang kaba at takot na hindi ko maintindihan ang dahilan
"P-po?Anong nangyari kay Lola,Ma?"
" W-Wala na ang l-lola mo C-Courtney Uwi k-kana dito kailangan kita*sob*" Parang tumigil Ang pagikot ng mundo ko dahil sa sinabi nito at hindi agad ako naka imik tanging mga hikbi lang nito ang naririnig ko
"M-Ma teka Ma uuwi ako dyan M-Ma pupuntahan kita..." natatarantang turan ko rito bago binaba ang tawag aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko
"Anong nangyari?Bakit natataranta ka?"may pag aalalang tanong nito
"A-ang Lola ko,C-Chael wala na..."naiiyak na sambit ko rito " Kailangan kong umuwi samin,Chael kailangan Ako ni Mama."
" Shh kailangan mong kumalma, Courtney huwag kang mag alala sasamahan kita.."masuyong wika nito habang yakap yakap ako
"Nandito Ako para sayo, Courtney kami ng babies mo huwag kang mag-alala hindi kita iiwan sasamahan kita..."umiiyak na tumango tango ako rito saka humiwalay nang yakap
"Mag-ayos kana ako nang bahalang mag-aayos ng gamit mo." naka ngiting wika nito habang hinahaplos ang pisngi ko
"Salamat..." mahinang wika ko rito bago ginawa ang sinabi nito mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili..
Saktong paglabas ko ng banyo ay tapos na ding mag-ayos ng gamit ko si,Chael...
"Dadaan muna tayo mamaya sa bahay para kunin yung gamit ko ah." turan nito tahimik lang na tumayo ako rito
"Tara?" naka ngiting pag-aaya nito tumango rito Siya na ang nag bitbit ng gamit ko habang ako ay naka sunod lang rito..
"Malayo layo ang byahe natin pauwi natin sa probinsya niyo kaya matulog kana muna." turan nito habang inistart ang makina ng sasakyan
"Salamat,Chael."sinsiridad na wika ko ngumiti lang ito sa'kin
Huminga Ako nang malalim saka kinuha ang cellphone ko hinanap ko ang contact number nito sa phone book ko saka nag compose ng message sakanya...
To: Timothy Calvin
'Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. kahit paulit-ulit. kahit araw-araw. Kahit malayo tayong dalawa at matagal man tayo di magkita. Magbago man ang lahat sa atin.... Tandaan mo lagi ito. Di magbabago ang halaga mo bilang Ikaw dito sa puso ko. Until we see each other again love...'
Pagkasend ko nito ay tinanggal ko ang sim card saka pinutol ito bago itapon sa labas ng binta nang sasakyan ni,Chael....
"So your cutting your communication to Everyone?" tanong nito habang seryosong naka tingin sa highway
"I need to breathe at ikaw na rin ang nagsabi medyo maselan ang pag bubuntis ko at baka kung anong mangyayari sa babies.." turan ko rito habang naka sandal ang ulo sa binta ng sasakyan...
"Wala ka talagang balak ipaalam kahit kila, Tasia manlang?"
"Wala. Hindi pa Ako handang ipaalam sa lahat."tugon ko rito saka ipinikit ang mga mata ko
" I'm always here for you, Courtney sleep well gigisingin na lang kita mamaya pag dumating tayo."dinig kong turan ni, Chael ngunit hindi na Ako sumagot at hinayaan ang sariling tuluyang lamunin ng dilim....
Nagising ako ng maramdaman may mahinang tumatapik sa pisngi ko
"Hey, nandito na tayo." agad akong umayos ng upo sa sinabi nito bumaba ito ng sasakyan saka ako ako pinag buksan ng pinto..
Nang makababa ako ay saka lang nito kinuha ang gamit namin sa likod ng sasakyan nito...
"Salamat." turan ko rito habang inaalalayan ako nitong papasok sa loob ng bahay
"Ma..."
"Courtney anak...."agad akong sinalubong ng yakap ni, Mama at sa balikat ko ito umiyak
"I miss you,Ma...." mahinang usal ko rito habang hinahaplos ito sa likod at pilit kinakalma ito
"Ma tahana hindi magugustuhan ni,Lola pag nakita ka niyang umiiyak.."pag papatahan ko rito at pinipilit ang sariling huwag din umiiyak kahit mahirap dahil masyado akong emosyonal....
Ilang sandali pa ay kumalma na ito saka kami inaya ni, Chael na pumasok sa mismong loob ng bahay....
BINABASA MO ANG
CHOICE:Hide or Stay(🌹)
RomanceCourtney Choice's HIDE or STAY Cover photo not mine cdrts to the rightful owner!!