Chapter 40

244 5 0
                                    

Chapter 40

Nakahinga ako nang maluwag nang natapos naming mag take ng isang exam na inabot pa talaga nang dalawang oras dahil 600 items lahat and take note most of the answer ay essay

"Argh!!! Thanks Gad i survive."parang pagod na pagod na saad ni,Keane tinawanan lang ito ni, Cavier

"Napiga utak ko duon sa essay ah halos maubusan ako ng english."naka ngusong reklamo pa nito

"Damn iisa palang yun pero halos maubos na lahat ng nireview ko."pag papatuloy nito

"Edi mag review ka ulit."pambabara ni, Cavier rito

"Ano daw susunod?"tanong ko dahil hindi ko na nagawang ma check yung schedule nang exam namin

"Ano ba nakalimutan ko din."nagkamot batok na sagot ni,Keane

"Ang ala--"hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang mag ingay ang cellphone ko

Lolo Astig Calling ~~

"Saglit sasagutin ko lang toh."paalam ko rito saka lumabas ng room namin nagtataka rin kasi ako kung bakit napa tawag si Lolo samantalang ako naman yung laging tumatawag

"Lo? Napatawag po kayo?"

"Apo ang lola mo.."

"Bakit Lo anong nangyari kay Lola?"

"Sinugod ko rito sa hospital bigla siyang inatake hanggang ngayon ay nasa loob pa din ito nang ER hindi ko ma contact ang Daddy mo ang Mommy mo naman ay may pinuntahan..."

"Teka lang,Lo pupuntahan ko po kayo dyan." Agad kong binaba ang tawag saka dali daling pumasok ulit sa room para kunin ang gamit ko

"Saan ka pupunta?Malapit nang dumating si Sir."

"Timothy!!"

"Anong nangyayari?" Hindi ko sila pinansin basta dali dali na lang akong umalis nang school at nag punta sa hospital

Halos nawala na lahat sa isip ko tanging ang Lola ko na lang na nasa hospital ang nasa isip ko

Habol ko ang sariling hininga nang makarating ako nang hospital agad kong pinalibot ang tingin ko para hanapin kung saan si Lolo

Dali dali akong lumapit rito nang makita itong mag-isang naka upo sa upuang nasa harapan ng OR

"Lo."agad na tawag ko rito nag angat ito nang tingin kapansin pansin ang pagod at pag-aalala sa mga mata nito

"Apo..."

"Ayos lang daw ba si,Lola Lo?"

"Hindi ko alam basta na lang siyang nilipat sa OR hindi ko na alam kung anong nangyari."bakas ang takot sa boses nito alam ko kung gaano nito kamahal si,Lola kaya alam kong natatakot ito para sakanya

"Huwag kang mag-alala,Ko magiging maayos lang po si,Lola."pagpapagaan ko ng loob nito

"Sana nga apo dahil hindi pa ako handang mawala sa'kin ang Lola mo."

"Ako rin,Lo hindi pa ako handang maiwan din ni Lola lalo na ngayong kayo na lang ang meron ako."sang ayon ko rito

"Alam kong hindi ka matitiis nang magulang mo, Timothy lalo na't ikaw ang panganay nila."wika nito Lolo saka tinapik ako sa balikat

"Darating din ang araw na matatanggap nila ang relasyon niyo."tipid ngiting dagdag nito

"Sana nga Lo dahil mahal na mahal ko po talaga si, Courtney at balak ko pong mag propose sakanya sa graduation namin gusto kong nandun kayo ni,Lola."naka ngiting sambit ko rito saka napatingin sa pinto ng OR nag hihintay na lumabas rito ang Doctor na umaasikaso sa Lola ko

Agad akong napatayo nang makitang lumabas na ang Doctor na umasikaso sa Lola ko inalalayan kong tumayo si Lolo saka kami sabay na naglakad palapit sa Doctor

"Doc kumusta ang Lola ko?"

"Ayos lang naman ang Asawa ko hindi ba?"may pag aalalang tanong ni,Lolo rito malungkot na ngumiti sa amin ang Doctor

"The patient heart didn't make it."malungkot na wika nito agad kong sinalo si Lolo nang kamuntikan itong matumba

"Time of Death 10:35AM I'm sorry i did my best to save the patient but her body is to weak to handle the operation."

Hindi ko mapigilang tahimik na maluha habang dinig na dinig ang hagulgol ni,Lolo na mas ikinadurog ng puso ko

Namalayan ko na lang na dumating na si,Thea at ito ang umalalay kay Lolo dahil mukhang napansin nitong hindi ko na kakayanin..

Sila Mommy na ang umasikaso sa bangkay ni,Lola habang ako ay naka tulala lang sa kung saan at pilit na pinag sisink in sa utak ko ang nangyari

Si Lola wala na.. Hindi ko na makakasama si Lola hindi ko na siya makakasaran...wala nang pipingot sa tenga ko...

Wala na ang Lola ko iyak lang ako ng iyak nag kulong lang ako sa kwarto halos ayaw ko nang lumabas ayaw kong makita hindi ko kaya

Napatingin ako sa hand mold na ginawa ko pag kakita ko nung singsing ay agad na pumasok sa isip ko si, Courtney

Dali dali kong hinanapan ang cellphone ko para tawagan siya

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Sorry the number you dailed isn't available

Halos ibato ko na ang cellphone ko nang operator ang naririnig ko sa kabilang linya

Ngunit may naka agaw ng pansin ko ang nag iisang message sakin ni, Courtney kahapon na tuluyang ikawasak ng puso ko

From:My Angel

'Kung may uulitin ako sa buhay ko,gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita.kahit paulit-ulit. kahit araw-araw. kahit malayo tayong dalawa at matagal man tayo di magkita. Magbago man ang lahat sa atin...Tandaan mo lagi ito. Di magbabago ang halaga mo bilang ikaw dito sa puso ko. Until We see each other again love....'

Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko habang paulit ulit na binabasa ang message nito

Umaasang mali lang ang pagkakabasa at pag kakaintindi ko kahit na ilang ulit kong basahin ay hindi nag bago pasakit ng pasakit

She's saying Goodbye indirectly

"N-no... you promise me..."umiiyak na usal ko kahit alam kong hindi nito naririnig

"P-please Angel i need you...M-my Angel you won't leave me right?"tila nababaliw na ako dahil kinakausap ko na ang hangin

"Courtney nangako ka..."umiiyak na usal ko habang pilit pa ding tinatawagan ito kahit operator lang ang sumasagot

"Pleaseeee... Angel.. don't hurt me like this... Hindi ko kakayanin Angel.."humihikbing pakiusap ko sa hangin

Iyak lang ako ng iyak habang paulit ulit na pumasok sa isip ko ang mga nangyari dahilan para walang tigil kong pag iyak tunog babae man ay wala kong pakialam...ang mukha man akong bakla sa harapan nila dahil sa pag-iyak i don't care....

CHOICE:Hide or Stay(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon