Chapter 47

384 5 0
                                    

Chapter 47

"Sinong Angel, Teacher?Hala Teacher huwag ka pong sasama sa Angel."puno ng pag aalalang wika ni, Calena

"Hala nakaka see ka po ng Angel?"

" Hey Ano ba kayo huwag kayong magulo baka nakikipag usap si, Teacher sa Angel na nakita niya."seryosong saad ni, Acre sakanila

" Totoo ba ang Angel?"takang tanong ni,Flynn hindi ko mapigilang matawa sa pinag sasabi nila saka nag bend Ako Hanggang sa maka pantay kaming apat

"Totoo ang Angels diba sila nga yung nag guguide sa atin ang kaso lang hindi natin sila nakikita."malumanay na paliwanag ko rito

" So lagi pong may Angel na naka bantay sa'min?"nagtatakang tanong ni,Calena

"Oo binabantayan niya ang bawat galaw niyo saka nalalaman din niya kung may nagawa kayong bad tapos isusumbong niya kay Papa God pag sinumbong niya yung ginagawa niyong bad babawasan ni,God yung points niyo sa Heaven."Ani ko

"Mama totoo po?"pare pareho kaming tumingin kay Courtney na naka titig lang sa'min

" Hala,Mama bakit ka po na iyak?"may pag aalalang tanong ni, Alhena rin

Umayos Ako ng tayo saka humakbang palapit sakanya

"Ayos ka lang?Ngayon na ngalang ulit tayo nagkita tapos umiiyak ka pa." masuyong wika ko rito saka pinahid ang luha nito

"H-hindi ka ba galit sa'kin?" hilam ang luhang tanong nito ngumiti ako rito saka masuyong hinila siya payakap

"Bakit naman Ako magagalit sa babaeng pinaka mamahal ko?" I mumble

"Kasi iniwan kita."

"Alam mo kung gaano kita kamahal, Courtney ni minsan hindi ako nagalit sa ginawa mo hinding hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal kita at alam kong may dahilan kaya mo ginawa ang bagay na yun."saad ko habang titig na titig sa mga mata nito

"Ginawa ko lahat para pagbinalikan mo Ako wala ng magiging problema. Mahal na mahal kita,Angel na kahit walang kasigaraduhan kung babalikan mo pa ako ay naghintay pa din Ako." puno ng emosyong wika ko rito

" I-ikaw yung naka tira sa dating apartment ko?"naka awang ang labing tanong nito

" Sinabi ko naman sayong hinihintay kong balikan mo Ako diba."naka ngiting sagot ko rito

" Excuse,Teacher kilala mo po ang Mama namin?"

" Bakit mo po ni hug Mama namin, Teacher?"

"Mga A-anak mo?"tanong ko rito sunod sunod ang paglunok ang ginawa ko lalo nung maalala kong may papa sila

"Oo."naka ngiting sagot nito nang hihinang umupo Ako sa sofa salas nila

"H-huli na ba ako?"pigil ang hiningang tanong ko bagkus na sagutin Ako ay bumaling ito sa mga bata

" Sa kwarto niyo muna kayo ah may pag uusapan lang kami ng Teacher niyo."malambing na wika nito naka titig lang ako sakanila

"Okay po,"sabay sabay na turan nila saka walang lingon likod na nag tungo sa isang pinto siguro duon ang kwarto nila

"Hindi ko inaasahang Ikaw pala yung Teacher na madalas nilang ikwento sa amin." tipid ngiting wika nito naka titig lang ako rito

"Pasensya kung umalis Ako noon ng walang paalam hindi naman kasi dapat ganun eh kinausap Ako ng Mama mo tapos kailangan din Ako ng Mama ko dahil nawala na si Lola."

" Gusto kitang balikan pero naisip kong ito ang makakabuti sayo sa'kin kahit na alam kong pareho tayong nasasaktan. "

" Mahal na mahal kita eh kahit pa hindi ko madalas sabihin."

CHOICE:Hide or Stay(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon