1

15 1 0
                                    

1

May mga bagay na dapat hindi na pinapansin. Lalo na kapag walang kwenta ang mga bagay na iyon. Pero hindi ko rin maiwasang balikan tanaw ng mga walang kwentang bagay.

Kahit papaano may natutunan din naman ako sa bagay na iyon. Alam ko na na hindi lahat ay mabait. Alam ko kung paano binabago ng pera ang prinsipyo ng isang tao.

Bumuntong hininga ako. Iniling ang ulo para burahin ang mga eksenang naglalaro sa aking utak. Pinukos ang atensyon sa trabaho.

Isa-isa kung pinaghiwalay ang puti sa de color na mga damit. Martes ngayon at day off ko. Plano kong labhan ang mga damit namin ni Tatay sa sapa. Iyon naman ang lagi kong ginagawa tuwing day off.

Tatlong taon simula noong nagtapos ako sa aking kurso. Marami ang nag offer sa akin ng trabaho pero wala akong tinanggap kahit isa.

Puro kasi malalaking kompanya iyon. At ibig sabihin mayayaman ang mga nandoon o feeling mayayaman. Ayokong makipagplastikan sa kanila. Ayokong matulad sa kanila.

Hindi ko naman kailangan ng malaking sweldo para mabuhay. Noon siguro, pero ngayon hindi na. Ayaw kong matulad sa iba na nakahawak lang ng ilang libo, kung makaasta ay tila milyonaryo na.

Binago ko ang pangarap kong maging mayaman. Ang gusto ko nalang ay mabuhay ng matiwasay. Hindi problemado sa pera at hindi mapera.

Pagkatapos kong magraduate, nag-aral ulit ako sa TESDA. Cosmetology, para matulungan ko si Tatay. Iyon naman ang pangarap nito sa akin noon pa. Ang manahin ang trabahong gusto nito.

At dahil sa kursong tinapos ko na Business administration, ginamit ko lahat ng aking natutunan para patayuan ng maliit na parlor si Tatay sa aming probinsya.

Malayo sa mayayaman. Malayo sa mata pobreng nilalang.

Isang taon na ang parlor ni Tatay. Malapit sa bayan ng Binaliw, sa Nueva Vizcaya. Ang probinsya ni Tatay. Simple ang pamumuhay namin ni Tatay.

Wala itong naging kwestyon sa gusto kung mangyari sa aking buhay noong nagbago ang desisyon ko. Sabi lang niya, susuportahan niya ako sa abot ng kanyang makakaya.

Kaya lagi akong napapabalik tanaw sa nangyari sa akin noon. Anong nakita nila sa tatay kong bakla para husgahan nila ito at ang mga katulad nito na tila mamamatay tao?

Masama ba na magkaanak ang isang bakla?

E, tingin ko nga mas mabuti pa ang mga bakla dahil alam nila kung paano magmahal. Kaysa iyong tuwid na lalaki pero hindi kayang panagutan ang ginawang buhay. Hindi marunong magsikap, laging lasing, laging nambubugnog ng asawa.

Bakit iba ang pananaw nila? Bakit kay dali nilang manghusga hindi pa nga nila nakikita ang taong hinusgahan?

"Winifred!" Matinis ang boses ang tumawag sa aking pangalan. Hindi ko pa kita kung sino 'yon. Alam ko naman ang nagmamay ari ng boses.

"Tay!" Sigaw ko pabalik. Iniwan ang mga damit na nasa sahig ng aming bahay kubo.

"Alis na ako. Iwan na muna kita!"

Lumabas ako ng kwarto. Pinuntahan si Tatay na kabababa lang mula sa dalawang baitang naming hagdan.

Nakasuot ito ng highwaist fitted jeans at pink spaghetti na damit sa pang-itaas. Bakat sa dibdib nito ang strapless bra para kunyari may malaki itong hinaharap. Ang buhok nitong kulay green sa dulo at itim sa tuktok ay tuwid at maayos na nakalambitin sa likod nito.

Pula ang labi dahil sa lipstick. Mataas ang pilik-mata na mas lalo pang tumaas dahil sa eyelash mascara na gamit.

"May date ka, tay?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Nakapameywang pa ako na akala mo isang istriktang nanay.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon