12

10 2 0
                                    

12

Humanap ako ng tyempo kung kailan ko mahila si Ryom. Iyong hindi napapansin ni Tatay. Hindi ko nakakalimutan ang banta ko sa lalaking iyon. 

Kailangan ko siyang paalisin sa bahay at buhay namin ni Tatay. Masyado na siyang dikit at masyado ng matagal ang pagtira nito sa amin.

“Winifred!”

Nagising ako sa tawag ni Tatay sa akin. Hindi ko na pansin huminto na pala ako sa pagwawalis ng mga buhok sa sahig. 

Kakaalis lang ng isang kliyente namin ni Tatay at ngayon naghihintay na ng panibago habang nililinisan ang kalat.

“Tay, ano?”

“Masisira iyang salamin kung nakatitig ka lagi d’yan!”

Napanguso ako. Ganda ko kaya.

“Tapusin mo na ‘yan.”

“Opo.”

Binilisan ko ang pagwalis, baka ano pa ang mapansin ni Tatay sa akin. Daig pa naman nito ang Cctv kapag ako na ang pinag-uusapan. Lahat nakikita kaya kailangan kong ayusin ang plano ko. 

Dapat iyong hindi nakikita ni Tatay. Iyong hindi niya mapapansin.

Susubukan kong gawin ito ng tahimik at plantsado.

At nang dumating nga si Ryom sa  shop— ewan ko kung ano na naman ang sadya nito— nilingon ko agad si Tatay. Tiningnan kung may ideya ba ito sa plano ko.

Tumingin sa akin si Ryom, siguro pumunta ito ngayon kasi kailangan naming mag-usap? At kailangan pa talagang nakikita ni Tatay? Para ano? Para hindi ko siya mapalayas kasi hindi papayag ang Tatay ko?

“Tay,” anito.”Pwede ho bang hiramin si Winifred saglit?”

Agad kumunot ang noo ko. Ano ang gustong palabasin ng lalaking ito?

“Sige, Ryom. Isauli mo lang kung kailan mo gusto.”

Mabilis kong binalingan si Tatay. Aba aba! Mali siguro ang rinig ko sa kanya. Bakit ang bilis nitong sumagot? Bakit  pumayag ito na parang isa akong bagay na pwedeng hiramin ng lalaking ito? May galit ba ang tatay sa akin?

Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng aking beywang. 

“Tay! Ipamimigay mo lang ako ng basta basta?”

“Hiram lang naman, Winifred.”

Umirap ako. Anong kaibahan no’n?

“At isa pa, si Ryom naman iyan. Hindi yan basta-basta lang. Siya ang dahilan kung bakit nakatayo pa ang parlor natin—”

“Kung may mahanap akong magandang pwesto, lilipat naman tayo. Hindi naman ito ang nag-iisang magandang pwesto,” putol ko kay Tatay.

Muli akong umirap. Nilagay ko ang walis sa tamang lalagyan at deritso ng lumabas ng shop. Hindi ko tinaponan ng tingin si Tatay at si Ryom. Alam ko naman na susunod ang huli sa akin. 

Kailangan naming mag-usap diba?

Sa likurang bahagi ng shop ako huminto. Magandang lugar iyon kung gusto kong maka-usap si Ryom na hindi naririnig ni Tatay. Pwera nalang kung pupuntahan kami ni Tatay dito. 

“Ano ang kailangan kong gawin para umalis ka sa bahay namin?” Nakatalikod ako kay Ryom. Alam ko namang nakasunod lang siya sa akin.

Hindi ito sumagot kaya hinarap ko siya.

Nakaunat ang labi na tila nainis sa tanong ko. Pinagkrus ko ang kamay sa aking dibdib. Sinubukang higitan ang inis niya.

“Mayaman ka naman. Ano ang habol mo sa amin ni Tatay? Wala kang makukuha dahil hindi kami mayaman tulad mo. Kaya umalis ka na. Maghanap ka ng bago mong matitirhan.”

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon