27

12 1 1
                                    

27

Pagkatapos ng araw na iyon inabala ko ang sarili para pag-aralan kung paano ang trabaho ni Papa. Nagpatulong ako kay Rigor. Wala naman itong reklamo. Maigi niya akong tinuruan sa lahat ng mga tanong.

Akala ko noong una, hindi ko makukuha agad ang mga binabasa ko. Ang tagal na kasi noong nagkolehiyo ako at tinalikuran ko na rin ang kursong makakatulong dapat sa akin ngayon.

Pero sa loob lang ng isang linggo, alam ko na ang pasikot-sikot. Hindi lahat pero at least may alam na ako. Hindi katulad noon na ni isa ay wala akong alam.

"Ano sa tingin mo kung mag-aaral ulit ako, Rigor?" Huminto kami saglit para magmeryenda.

Wala sina Papa dito sa library dahil may pinuntahan kasama ni Nanay para sa kasal nila. Gusto sana akong isama ni Papa kaya lang umayaw ako. Para na rin makapagdate sila Nanay.

"Why, miss?"

Nagkibit ako ng balikat. "Para gumaling ako agad sa trabaho? Nakakahiya kasi kapag wala akong alam."

"Experience is the best teacher, miss. Kung gusto mong mag-aral para ka lang bumalik sa simula no'n. Mr. Fuentes is a great teacher you could have. Hindi na kailangan bumalik ka pa ng skwela. There, they teach you the basics, while your father teaches you everything about business. Lahat pati iyong hindi tinuturo sa skwela."

"Pero diba dapat alam ko rin ang mga basics? Para hindi ako nganga balang araw?"

"We are already doing the basics, miss."

"Huh?"

"Huh?"

Tinuro nito ang mga papel na tumabon sa mesa. Pati iyong mga libro na nakapatong doon.

"These are the basics."

Hindi ako makapagsalita. Eto na? Akala ko ba basic. Bakit masyadong komplikado?

"Hindi naman siguro ako pagtatawanan, ano?"

Baka wala akong masabi kapag tinanong ako sa meeting. Baka mapahiya ko si Papa.

"No one will dare to laugh at the heiress. They will have to face the consequences if they do."

Agad pumasok sa isip ko ang pagtutok nito ng baril sa lalaki noong nakaraan. Napahawak ako sa noo ko ng wala sa oras na akala mo ako iyong tinutukan.

Napangiwi ako at kinuha ang dokumentong binasa ko kanina. Nakakatakot naman itong si Rigor.

Linggo ng gabi, kinabahan na agad ako para bukas. Papasok na ako sa kompanya ni Papa bukas, at iyong ilan sa mga trabaho niya ang tatrabahuin ko. Kahit pa sinugurado nila Nanay, Papa, Tatay at Rigor na magiging okay lang lahat, kinakabahan pa rin ako. Paano nga kung pumalpak ako?

Gusto kong sabihin na, bahala na. Kaya lang hindi pa rin naman nawawala ang kaba ko, e.

Iyong trinabaho ko dito sa opisina ni Papa dito sa bahay iyon rin nan daw ang magiging trabaho ko bukas sabi ni Papa. Wala akong dapat ipag-alala. At kung may tanong ako, tatawagan ko lang siya o kakausapin si Rigor.

"Of course you will do a great job tomorrow!"

Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Ryom. Katawagan ko ulit ang unggoy. Gabi-gabi bago kami matulog. Siya ang huli kong nakakausap tuwing natatapos ang araw.

"Paano mo nalaman, aber? Nag-aayos lang ako ng mga buhok noong nakaraan at biglang opisina na ang trabaho ko ngayon. At deritsong mataas na posisyon pa iyon. Lahat siguro ng mga empleyado ni Papa, galit sa akin."

Bumuntong hininga ako. Isa pa iyon sa nagpapakaba sa akin.

And daming nagtatrabaho ng maayos para malagay sa mataas na posisyon tapos, heto ako, ni walang experience sa pang-opisina natrabaho— except noong Ojt ko— biglang andoon na sa mataas na posisyon. May sariling opisina pa at katabi pa ng opisina ng may-ari at CEO.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon