9

9 2 0
                                    

9

Tapos na ang pabrika ni Ryom. May mga empleyado na din itong nakuha. Nagsimula na ring gumalaw ang negosyo nito.

Buti pa sa kanya meron. Habang sa akin tila huminto ang galaw ng aking mundo. Walang kabago-bagong nangyari.

Si Tatay mag-iisang buwan ko ng hindi makontak. Tawag o text wala akong nakuha galing dito. Kahit pa oras-oras akong nagpapadala ng mensahe.

Kinakabahan ako. Gusto mo mang tawagan ang kasamahan ni Tatay sa trabaho, hindi ko naman alam ang kanilang numero.

Ni hindi ko pa nakita ang mga mukha ng mga kaibigan ni Tatay. Tanging palayaw lang ang alam ko sa kanila.

May mga kliyente man na pumapasok sa shop, hindi pa rin mawawala sa isip ko si Tatay. Kung ano na ang nangyari rito. O kung maayos lang ba siya.

Kung andito lang sana si Tatay, makikita niya kung gaano na karami ang mga kliyente namin. Malaking tulong na may pabrika si Ryom sa tabi ng aming parlor shop.

Malalim akong napabuntong hininga.

Kakabukas ko pa lang ng shop, plano ko na iyong isarado pabalik. Kating-kati na ang aking mga paa na puntahan si Tatay sa Manila. O sa kung saang probinsya ito napadpad ngayon.

Imposibleng nasa probinsya pa ito ngayon. Hindi naman aabutin ng tatlong linggo siguro ang isang birthday party ng mayayaman diba?

Dalawang beses na itong ginawa ni Tatay na hindi ako kinontak. Noong una, naniwala pa akong busy ito. Walang signal sa pinuntahan nito. Pero ngayon, hindi na.

Malakas ang kutob ko na may problema. Malakas ang kutob ko na may masamang nangyari kay Tatay kahit ayokong isipin ang bagay na iyon.

Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin lahat ng masasamang bagay. Tatlong linggong walang paramdam. Ni ha, ni ho, wala akong natanggap. S'yempre iyon na ang magiging takbo ng utak ko.

At kung wala pa ding text mula kay Tatay ngayong araw, pupunta na akong Manila. Hahalughugin ko ang buong Kamaynilaan kung maari.

Ang mas nagpapatakot sa akin ay wala ni isa sa mga kaibigan ni Tatay ang kumontak man lang sa akin. Hindi ko alam kung gagaan ba ang loob ko dahil doon o hindi.

Walang kumontak, siguro dahil okay lang si Tatay. Pwede ring, walang kumontak kasi hindi nila ako kilala. Hindi ko na alam kung ano ang tamang iisipin.

'Pupuntahan ko si Tatay...' pinal kong desisyon iyon.

Hanggang tanghali lang balak ko na maghintay. Kung wala pa din, dederitso na ako sa terminal. Kung pwede nga lang lumipad para mas mabilis, ginawa ko na. Kaso hindi ako makakalipad. Kaya titiisin ko nalang ang mahabang biyahe pa-Manila.

"What's the rush?"

Mula sa pag-eempake ng kaunting gamit papasok sa aking bag narinig ko ang boses na iyon. Hindi ko kailangang huminto o mag-angat ng tingin para tingnan kung sino ang nagsalita.

"Winifred? What are you doing?" Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin.

"Pupunta akong Manila," pero sinagot ko siya. "Ikaw na muna ang bahala sa kubo at kay Bruno. Alam mo naman na ang mga trabaho sa kubo," ani ko at tuloy-tuloy aa pagpasok ng mga gamit sa bag.

Alam nito kung gaano katindi ang pag-alala ko kay Tatay. Ni hindi na pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi nito sa nakalipas na tatlong linggo.

Mabuti na din na andito si Ryom. Ito minsan ang kumakausap sa mga kliyente para hindi ako papalpak sa trabaho. Mas marami ang naging oras nito sa shop kaysa sa sarili nitong negosyo.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon