28

6 1 0
                                    

28

"I told you I would come if you needed my help. I would drop everything for you."

Inirapan ko si Ryom. Nagyayabang na naman, e. Pero pagtitiisan ko nalang siya sa ngayon. Siya lang naman kasi ang nakakaalam sa mga hinaing ko nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyayari sa araw ko. Sinabi ko sa kanya ang trato ng nga empleyado sa akin. Kung iba siguro ang nasa sitwasyon ko, matutuwa sila. Ako hindi. Sobra naman kasi silang mabait.

Hindi ako sigurado kung sinabihan ba sila ni Papa bago ako dumating o tinakot. Imposible naman kasi na sunod-sunoran  sila sa akin gayong bagong salta lang ako.

Inilabas ko lahat ng iyon kay Ryom. Kay Tatay sana pero masyado itong masaya sa nangyayari sa salon niya. Malapit na itong matapos kay tuwang-tuwa ito. Hindi ko maatim na putulin ang tuwa nito.

Hindi rin ako makapagsabi kay Nanay dahil ayokong problemahin niya ang problema ko. Busy siya sa nalalapit na kasal nila Papa. At ayaw ko nang dumagdag sa dapat niyang isipin.

At kung kay Papa naman ako magsasabi, siguradong walang mangyayari. Hahayaan niya lang. Baka nga sabihan pa nito ang lahat na huwag akong bigyan ng problema at tratuhin nalang na parang prinsesa.

Kaya si Ryom nalang talaga ang natitira. Nakikinig lang naman din siya sa mga hinaing ko

"Paano ako matuto kung lahat sila sunod ng sunod lang sa mga sinasabi ko?" Sinabi ko iyon sa kanya kagabi.

Tapos ang binigay pa na trabaho sa akin ni Papa ay sobrang gaan lang. May secretary pang binigay at pareho kaming nakatanga kapag maaga kong natapos ang trabaho.

"Are you exhausted?" Tanong nito pagkatapos akong maglintaya sa kanya.

Tumango ako at inisang lagok ang gatas.

"Gusto kong umalis sa mundong ito. Kahit saglit lang. Gusto kong pumunta sa Nueva. Kahit isang araw lang."

"Okay. We'll do it," mabilis nitong wika.

Irap lang ang binigay ko sa kanya. Akala mo talaga pwedeng-pwede, e. Hindi pa nga ako sigurado kung papayag si Papa.

"Pupuntahan kita bukas. Pagkatapos ng trabaho mo. Let's go to Nueva together."

Akala ko biro lang niya iyon. S'yempre sino akong tanga para maniwala sa lalaking ito?

Kaya lang bigla itong nagtext sa akin kanina. Malapit na daw siya. Nataranta ako bigla. Tuloy pala ang plano niya?

Pero hindi ako nakapagsabi kay Papa. Hindi iyon papayag lalo pa't si Ryom ang kasama ko. Ngunit heto ako ngayon, nakaupo sa passenger's seat ng kotse ni Ryom.

"Itetext ko na lang si Papa," ani ko sa bodyguard para hindi ito mapagalitan. "Puwede naman pong sundan n'yo ako. Uuwi lang ng Nueva saglit."

Nagsenyasan sila. Nagkibit ako ng balikat dahil hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila.

"Tayo na," binalingan ko si Ryom. Ngumiti lang ito bago minaobra ang sasakyan patungong kalsada.

Alas una na ng hapon, tantiya ko alas syete ng gabi kami makakarating sa Nueva. Okay lang naman ako sa mahabang biyahe. Hindi ako sigurado rito kay Ryom, siya kasi ang magda drive. Walang papalit sa kanya kapag napagod siya sa biyahe.

Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit kong bag. Kailangan ko munang tawagan sina Papa bago ko asikasuhin 'tong driver ko.

Isang ring lang sumagot na agad si Papa. Hindi na ako magtataka kung alam na nito ang dahilan ng pagtawag ko.

Sana lang hindi siya galit.

"Pa..."

"Winifred, anak... You're with that boy."

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon