38

4 1 0
                                    

38

Sa resthouse ni Ryom ako tumuloy nang dumating ang gabi. Mas pabor iyon para hindi ko na kailangang agahan ang aking gising kung sa bahay namin ni Tatay ako tutuloy.

Okay lang naman sana iyon sa akin. Matagal na  rin kasi akong hindi nakatulog sa kubo, kaya lang inaayos pa ng kubo ni Tatay ngayon. Pinaayos ni Papa para daw mas maaliwalas at malawak kung sakaling uuwi ako dito sa Binaliw.

Binili rin ni Papa ang katabing lupa sa kubo namin ni Tatay. Pinalaki niya ang kubo pero hindi sila gumamit ng mga mamahaling materyales tulad ng tiles, semento at yero. Talahib pa rin ang gagawing bubong at amakan ang dinging, kawayan naman ang iba at nara ang haligi para sa kubo.

May binigay na kuwarto si Ryom sa akin, ngunit sa kuwarto niya ako humantong.

Pagkatapos kasi naming kumain ng hapunan, hinatid na niya ako sa kuwarto. Pero ang unggoy, panay naman ang tawag gayong nasa kabilang kuwarto lang siya.

Kaya naman para wala ng hassle kinatok mo siya sa kuwarto niya. Nagpanggap pa ang unggoy na nagulat ito. Nakangiti naman.

"You don't like your room?" Tanong nito na may malaking ngiti sa labi.

Inirapan ko siya at nilagpasan. Dumeritso ako sa kama niya. Hinila ang kumot hanggang balikat at pumikit na.

Kailangan kong matulog ng maaga para maaga rin ako gumising mamaya. Dapat gising na ako pagdating ng team dahil sa mi-make-up-an pa ako. Ayokong malate at baka ikakasira iyon ng schedule.

Kahit pa dito lang sa farm ni Ryom gaganapin ang shoot, dapat responsable pa din ako sa oras.

Ang mabibigat na bisig ni Ryom ang naramdaman ko pagkalipas ng ilang segundo pagkapikit ko ng mata. Ang binti nitong pinatong din sa katawan ang sunod kong naramdaman.

Ano ba ang tingin niya sa akin? Kutson? Hindi po siya magaan. Mabigat po s'ya. Buti nalang boyfriend ko ang unggoy na 'to at gustong-gusto ko ang init ng katawan niya, kaya hinayaan ko na.

Hinarapan ko na rin siya at pinatong ang ulo sa dibdib nito. Dapat ako ang pumatong at hindi siya. Magaan ako, e.

"Are you tired?" Tanong nito. Wala pa yatang balak matulog.  Hindi ko siya sinagot, bagkus ay niyakap ko nalang ng mahigpit. Kung magsasalita pa kasi ako, hahaba lang ang usapan.

Baka mamaya pa kami makakatulog nito.

"Goodnight, baby."

Kinabukasan, malambot na haplos ang nagpagising sa aking likod. Tamad kong binuksan ang aking mga mata.

At ang unang kong nakita ay ang mukha ni Ryom. Nakaupo na ito sa gilid ng kama. Iba na rin ang suot na damit nito.

"The team are already here. They're having their coffee downstairs."

Napabangon ako ng mabilis. Late na ba ako sa schedule?

"Anong oras na ba?"

"It's still four-thirty am."

Patay na. Tatlumpong minuto nalang bago magpapakita ang haring araw. Wala na akong oras para mag-ayos.

Mabilis akong bumaba ng kama. Tinakbo ko ang banyo sa loob ng kuwarto ni Ryom at agad binuksan ang shower. Hindi ko na inalintana ang lamig sa tubig. Sanay naman ako kaya keri lang.

Tinawag pa ako ni Ryon pero nasa loob na ako ng banyo. Saka ko lang naisip kung bakit niya ako tinawag.

Kuwarto niya ito. Lahat ng gamit ay kanya. At lahat ng gamit ko ay nasa kabilang kuwarto!

Ano lalabas ako na burles or lalabas na ang damit ko kagabi ang suot?

Mabuti nalang at pareho kami ng shampoo ni Ryom, iyong eendorse ko sa kompanya ni Lolo. Ang sabon naman ay iyong sabon na nakita ko sa banyo. Alam kong iyon din ang gamit ni Ryom dahil naamoy ko iyon lagi sa kanya. Bahala na. Hindi naman iyon problema.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon