7

9 1 0
                                    

7

Gusto kong matawa habang tinanaw si Ryom na paika-ikang naglakad patungo sa bahay. Kaya lang mas nanaig ang inis ko sa kanya kaya inirapan ko nalang siya.

Inabot siya ng sampung minuto galing sa binabaan namin patungong bahay. Hindi naman iyon aabot ng ganon katagal. Dalawa o tatlong minuto lang dapat ang nakakain sa oras.

At dahil nga basag ang 'kanya' kaya ito umabot ng sampung minuto. Idagdag pang panay talon si Bruno dito.

Pinigilan kong hindi matawa.

"Bruno stop!" Saway nito.

Ngunit ang malanding aso na iyon ay hindi tumigil. Mas lalo lang itong kumulit. Ang paa ay sumasagi sa masakit na gitna ni Ryom tuwing tumatalon ito sa katawan ng lalaki.

At dahil medyo naawa na ako kay Ryom, tinawag ko ang aso namin. Dahil kung hindi ko iyon gagawin, baka bukas pa makarating ang lalaki sa bahay.

Galit ako sa kanya at sa kahihiyang dinulot nito sa akin. Ngunit may puso din naman ako. At tingin ko nasasaktan talaga ito.

"Pasok sa bahay!" Tawag ko sa aming aso. Winagayway pa nito ang buntot. Akala siguro nito makikipaglaro ako.

"Bruno! Pasok!"

Tinapunan ko ng tingin si Ryom. Para itong bagong tuli kung kumilos.

Hindi ko ito binigyang pansin. Pinagpatuloy ko ang ginawa. Nagluto para sa aming hapunan. Hindi ko na inutusan para na rin makahinga ang 'masakit' dito.

Sa pagpatuloy ng mga araw, parang natanggap ko na, na hindi pa aalis ang lalaking ito sa buhay at bahay ko. Pero may parte pa rin na ayaw ko sa kanya. Hindi iyon mawawala.

Hindi ko rin naman mapapaalis sa bahay kasi nalaman na ni Tatay na ito ang nakabili sa lupa ni Merly. Sobrang saya pa nga ng bakla no'ng nalaman ang kontratang binigay ng lalaki sa amin.

At gaya ng sabi ko, halos lumuhod ito sa pasasalamat. Mabuti nalang at nasa Manila ito. Hindi ko masaksihan ang nakakahiyang luhod nito.

"Ba't di mo sinabi kaagad, Winifred!" Matinis nitong pagalit sa akin.

Nagtanong kasi kung naisara na ba ang shop. Magpapadala daw ito ng pera para may dagdag pambayad kung sakaling makakahanap ako ng malilipatan.

At ayon, nasabi ko sa kanya.

"Kasi naman, tay. Aalis naman talaga dapat tayo—"

"Siya naman ang may sabi na hindi na tayo aalis sa lupa niya. Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo?"

"S'yempre, tay! Mabait ako. Sumusunod ako sa kung ano ang napagkasunduan."

"Sos! Ikaw na bata ka! Gusto mo yatang mastress si Tatay mo. Magkakawrinkles ako sa'yo!"

Ngumiwi ako. Kahit hindi nito kita ang ekspresyon ko sa mukha. Alam kong alam nito ang reaksyon ko ngayon.

"Tay naman—"

"Anong 'tay naman, 'tay naman', Winifred? Ang mga ganyang opportunity hindi pinapalampas! Ikaw na nga ang binigyan ng malaking pabor. Ikaw pa itong mag-iinarte. Kurutin ko 'yang singit mo, eh!"

"Kasi pakiramdam ko may mali, 'tay!"

Mabuti nalang at mag-isa ako sa shop. Walang customer at wala iyong lalaking pinag-uusapan namin ni Tatay.

Walang makakarinig.

"Pakiramdam mo lang 'yan, bruha ka! Pag-uwi mo ng bahay. Linisan mo 'yong kuwarto ko. Magpapadala ako ng pera, bilhan mo ng foam si Mr. Bagong owner ng lupa at nang hindi sumakit ang katawan sa matigas nating papag."

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon