20

10 1 0
                                    

20

Napatanga ako nang nakita ang loob ng van na pinadala nina Nanay. Akala ko ordinaryong van lang iyon. Nagtaka pa nga ako kung bakit sinabi nila na dito muna sila matutulog habang hindi pa ako handa na sumama sa kanila sa Manila.

Pero nang inimbitahan ako ni Papa na pumasok sa loob, literal na nalaglag ang panga ko. Nagmumukhang bahay ang loob ng van kesa kubo namin ni Tatay.

Mas malaki pa nga ang van kesa kubo namin. At ang mga gamit... naku! Kahit pagsama-samahin pa namin ni Tatay ang nagastos namin sa pagpatayo ng kubo, walang-wala iyon sa kumpara sa gamit ng nasa loob ng van.

Hindi nakapagtataka ang nakikita kong mamahaling gamit, mayaman naman sila Nanay. Kaya lang hindi ko inasahan na ganito sila kayaman! Parang hotel na to, e!

May sala, may T.V may lababo, may kusina pa. At higit sa lahat, kay laki ng kama! Pwedeng-pwede akong tumambling doon.

"We'll be staying here while we wait for your decision, anak."

Sa pagkamangha ko, walang salita na lumabas sa aking bibig. Maging si Tatay ay hindi na rin nakapagsalita. Kitang-kita ang mangha sa mukha nito.

"You don't have to decide now. Your mother and I can wait for you."

Buti nalang talaga hindi ko sila inimbitahan na sa kubo nalang muna namin sila ni Tatay. Muntik ko na iyong masabi, buti nalang dumating itong van nila.

Nakaramdam na rin ako ng hiya kina Nanay. Hinihintay nila ang desisyon ko. At hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko. Nakakahiyang andito sila at wala man lang akong mai-offer sa kanila kundi ang magandang tanawin lang sa paligid at ang sariwang hangin.

Hindi ako maka-offer sa kanila ng pagkain kahit pa na masarap iyon para sa akin, baka sa kanila hindi. Halata pa naman na hindi sila sanay sa pagkaing probinsya.

Kaya noong pumayag ako na sumama sa kanila sa Manila, para tingnan kung kaya ko bang iwan ang mundo na nakasanayan at kinalakihan ko, akala ko wala ng magiging problema. Ayoko na rin kasing makita si Nanay na nahihirapan mamuhay sa lugar na hindi siya sanay. Kahit maganda ang higaan nila.

Lalo pa't hindi pa tuluyang magaling ang kanyang mga paa. Hindi siya dapat malayo sa sibilisasyon. Hindi siya dapat malayo sa doktor niya.

May pag-alinlangan man ako, sasamahan naman ako ni Tatay kaya okay lang. Pero nang umeksena si Ryom, parang gusto ko tuloy umatras.

Sinaway ko na ang lalaki na huwag makialam. Hindi naman niya problema ito, e.

Hindi ba siya takot mabugbog?

Hindi yata dahil nang pinaulanan siya ng mga suntok mula sa tauhan ni Papa, nagawa pa nitong lumaban. Wala naman akong magawa kahit pa pinatigil ko na sila. Boses ni Papa ang sinunod nila.

"Let's go." Kaya noong sinabi iyon ni Papa, agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. Pati rin si Tatay ay nagmamadali. Mukhang nabasa nito ang takot ko para kay Ryom.

Kailangan naming umalis agad para tumigil na sila sa pambubugbog sa lalaki.

Tinawag ako ni Ryom pero hindi ko siya nilingon.

Bakit kailangan pa niyang makialam. Hindi ko kailangan ang tulong niya at kahit kailangan ko iyon, hindi niya dapat ako tinutulungan.

Wala siyang utang sa akin. Ako pa nga itong may utang sa kanya kung tutuusin.

Pwede naman niya akong pabayaan nalang.

Umandar ang sasakyan at agad lumipad ang mukha ko sa labas. Tiningnan ko kung tinigilan na ba ng mga tauhan ni Papa si Ryom.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon