25 Ryom

8 1 2
                                    

25

I don't really like this man. Not because he always appears whenever I get a chance to talk to Winifred. It's his guts that I hate.

He thinks everything and everyone is under him. That we all should be scared of him. That we are just his pawns to be controlled at any time.

But guess what? I am not his fucking pawn. I'm not scared of him.

Ako ang unang nakilala ni Winifred. Ako ang unang nakilala ng babae bago siya.

Pagkatapos nitong ilayo si Winifred sa akin, nanatili muna ako doon ng ilang minuto. Nag-iisip. Binalikan ang mga katagang iniwan ni Winifred bago siya sumama kay Fuentes.

Nawalan ako ng lakas kanina saglit. Parang may tumarak na kutsilyo noong tinanggal ni Winifred ang kamay ko sa braso niya. At nang nag-iwas ito ng tingin sa akin, para akong nasuntok sa atay.

I knew that she didn't like me. I knrw that she didn't even want me to be her friend.

At hindi ako mahilig na ipagpilitan ang sarili sa mga ayaw sa akin. Lalo na kapag babae. Though I never encountered a girl who didn't want my attention. Ngayon lang.

At tangina, tinamaan pa talaga ako ng malala sa isang 'to.

Gusto ko man na ipagsawalang bahala ang naramdaman kong 'to. Hindi ko rin naman kaya. Sinubukan ko naman.

Noong umalis siya kasama ang mga taong nagpakilalang tunay niyang mga magulang. Pagkatapos kong mabugbog.

Mahina akong napatawa nang maalala ang araw na iyon. My mother fired her bodyguards, kasi hindi man lang daw hinabol ang tauhan ni Edmundo. She pushed me to go to the hospital, but I didn't.

My father even asked me, pero wala silang nagawa. It was my mother who tends to my wounds and bruises. May kasama pang sermon.

"That girl isn't worth it, son. Ano ka ba!"

Inagaw ko sa kanya ang bulak na hawak para iparating dito na iwan na niya ako kung iyon lang ang tanging mga salita na lalabas sa bibig nito. I don't want to hear it. Napapagod ang tenga ko dahil halos isang daang beses niya iyong sinabi sa isang araw.

"She's a Fuentes for goodness sake, Ryom! We can't trust them. At hindi pa nga kayo ng babaeng iyon, ganito na ang makukuha mo?"

"Shut it, ma."

"There are lots of women out there, son. Ang daming pwedeng pagpilian, at isang Fuentes pa talaga?"

My mother was right. There are lots of girls out there. It's just that my heart only beats for one girl. It chooses only one out of the thousands of girls out there.

My heart had already chosen someone even before I got her name. Kaya sino ako para palitan iyon kung mismong utak ko ay binaback-up-an ang aking puso. Ni ayaw kong magreklamo dahil pati sistema ko nakikibaka na rin.

So to sum all this up, I won't give up this early. I won't give up at all.

Hindi si Edmundo ang makakahadlang sa akin para ipakita kay Winifred ang totoo kong naramdaman. Not even his men.

Bumalik ako sa party pagkatapos makolekta ang sarili. I tried to find Winifred at her table, pero wala na siya roon. Wala na rin ang mga Fuentes. At maging si Tatay ay hindi ko na makita.

Did they lock her up in her room?

Tiningala ko ang mga bintana sa mansyon. Wala ni isa doon ang may ilaw. Where did they lock her?

I'm just hoping that they didn't hurt Winifred. Dahil kapag nagkita ulit kami, galos at pasa ang una kong hahanapin sa katawan niya. At kung meron man akong makita kahit isang galos lang, humanda ang Fuentes na iyon. I will break him in pieces until I'm satisfied.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon