45

206 8 0
                                    

I heard the chirping of birds as I stepped outside to bask in the sun. Dala-dala ko ulit ang laptop ko at nagbabalak na magdagdag ng panibagong kabanata sa ginagawa kong kuwento. The first few days since I moved here, I went on hiatus. I was mesmerized by the island's beauty that I have forgotten about my responsibilities. I haven't moved or opened my laptop and focused on exploring the vicinity of the tiny island.

Pero ngayon na nalibot ko na ang buong isla, nasanay na ako sa paligid ko at kaya ko nang isipin kung ano ba dapat ang gawin. But that doesn't mean that being used to my surroundings states that I cannot appreciate its beauty. Hindi kumukupas ang ganda ng isla at minsan ay napapatigil pa rin ako sa paglakad para pagmasdan ang ganda nito.

Kung puwede lang ay manatili ako dito ngunit hindi maaari. May mag-aantay sa pagbabalik ko sa syudad.

My feet stepped foot on the grainy white sand as I strutted to the hammock placed in the palm trees. I made sure that it was placed facing the horizon. I opened my laptop and took a deep breath as I said my mantra loudly before doing my work.

Naputol ang matinding kong konsentrasyon nang tawagin ni Mang Kulas ang pangalan ko. My eyes lowered at the word count. More than five thousand. Huh.

Ngumiti ako at kumaway kay Mang Kulas. Sa anim na buwan kong pananatili dito ay halos kilala ko na ang mga naninirahan sa isla dahil maliit lang rin ang lugar. Nakakasalamuha ko rin sila at talagang malalapitan mo sila. Sobrang bait pa.

Lumapit si Mang Kulas sa akin na may hawak na isang buko. Ibinigay niya iyon sa akin at masaya ko namang tinanggap iyon.

"Maraming salamat po."

"Walang anuman, ineng. Dapat mamayang hapon ay nasa bahay mo ka na dahil mukhang may paparating na sama ng panahon. Mabuti nang mag-ingat."

Tumango ako at sinabihan ang utak na ipaalala sa akin ang importanteng impormasyon. "Maraming salamat po sa pagpapaalala."

Kumaway si Mang Kulas. "Oh siya, kailangan ko nang umalis at hinahanap na ako ng aking asawa."

"Sige po. Ikumusta niyo na lang po ako kay Aling Este."

Nang umalis siya ay masaya kong ipinagpatuloy ang pagtype. During my months of staying here, I can say I am fully healed. I used to take sleeping pills before for fear that something bad may happen to me when my senses are weakened but now, I can sleep soundly at night. Takot din ako dating makasalamuha ang mga kakikilala ko lamang na mga tao dahil naalala ko ang nangyari sa akin dahil kay Romano. But the residents has prove that they have clean intentions and it's only a matter of time and trust before I became close with them.

Minsan ay napapaisip ako na ang paglayo ay nakakatulong upang maghilom ang mga sugat. You can distance yourself from horrendous memories and fill them with more joyful ones. You will just realize that what happened before does not matter anymore when you are too busy living in the present and focusing on the future.

Bandang tanghali nang mapag-isipan kong magpadala ng mensahe sa anak ko. 

The island is a secluded place but it still has a signal reception. Alam kong ako mismo ang magsabi na gusto kong mapag-isa ngunit ang pagiging ina ko ang nagtutulak sa akin para kausapin pa rin ang anak ko. Minsan ay nagpapadala rin ako ng mensahe sa mga magulang ko para sabihing ayos lang ako at buhay pa. It is to assure them and give them a peace of mind. I know I almost gave them a heart attack because of the accident and this is my way to make up.

'I'm still alive'

Iyon lang ang ipinadala ko at matapos ang ilang minuto ay nag-heart react siya sa message ko. Iyon lang lagi ang ipinapadala ko at hindi na naglalahad pa ng mga kuwento. I was afraid that if I talked too much, she could have a clue that will lead to her finding my location. Siya ang nagkukuwento sa buong araw niya... at pati ng kay Hagen.

The Truth About Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon