25

150 7 0
                                    

Pagtapak ko pa lang sa bahay ay agad mong maririnig ang masaganang halakhak. I was put in a halt and frowned.  I arrived late and my parents were supposedly dining now but they were currently located at the living room. One familiar voice I cannot distinguish can also he heard with them. Halatang nagkakasiyahan ang mga magulang ko at ang bisita nila.

Nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba ako o hindi. I was damn exhausted from work. Kung haharapin ko sila, baka hindi maging maganda ang pakikitungo ko sa  bisita. I can use the backdoor to sneak in. Pero kung iiwas ako, malamang sa malamang ay tatawagin ako ni Mama para harapin ang bisita.

Nag-iisip pa ako ng konkretong plano nang mapansin na nila ako sa gilid. Maliliit na hakbang ang ginawa ko patungo sa kanila. Nakita ko ang nakatalikod na bulto ng  babae. I squint my eyes trying to reckon, I swear that figure is familiar. 

May narinig akong boses ng isang bata. I bet he was still a toddler because he was just talking gibberish. Tumalon ang puso ko dahil doon. Matagal na akong hindi nakakakita o nakakasalamuha na mga bata. Hansse was the last one.

"Ma, Pa," pagbati ko sa mga magulang ko.

Ngumiti si Papa at inayos ang pag-upo. "Anak, dito ka muna at samahan mo kami. Kamustahin mo si Felicia. Ngayon lang ulit siya nakabisita."

My heart beats erratically when the woman turns her head to take a look at me. It was confirmed that this woman was her. The last time I saw her was fifteen years ago and though her features matured and sharpened she's still the same cousin I know. Nawala na siya sa isip ko sa tagal naming hindi nagkita pero napagtanto kong nangungulila ako sa kanya. She's one of the closest people I have. Kung may problema ako ay siya lagi ang nilalapitan ko.

Nanghina ang mga tuhod ko at agad na umupo sa tabi niya. Kaharap namin sina Mama at Papa.

"Hi," I breathed out. Tinatansiya ko kung paano ang dapat kong pakikitungo sa kanya. I don't know if I should be warm or just casual. Hindi ko alam kung naputol na pa ang koneksyon na mayroon kami noon. I can finally see the aftermath of being married to Hagen. Of forcing myself to please her mother, I ended up losing everything I have.

I waited for her response. Parang nawala bigla ang agam-agam ko nang ngumiti siya nang malawak sa akin. I guess our relationship was still repairable. "Kumusta ka na, Nessie?"

Sasagot na sana ako nang gumawa ng tunog ang bata. Bumaba ang tingin ko at umawang ang labi ko nang mapagtagpi-tagpi ang impormasyon. I looked at Felicia. "Anak mo?"

She nodded and coddled the baby. This is my nephew. The years that separated us gave me no reason to receive any news from her. Wala akong alam na kahit ano pa sa kanya. After such a long time, I wonder what more I have missed.

Natahimik ako at pinanood lang si Felicia na nilalaro ang bata. The baby's dark eyes darted at me. Para bang inaalisa kung sino ako. Naramdaman siguro ng mga magulang ko ang pananahimik ko at ginawa nila iyong pagkakataon para makaalis.

"Nakausap na namin si Felicia kanina. Siguro ay kayo na muna ang mag-usap." Iniwan nila kaming dalawa at napuno ng katahimikan ang paligid. It seems like the two of us were thinking what was the appropriate things to speak. The connection was still there but in order for it to be visible, we have to reconnect. Which was the hardest thing to do. Sa tagal ng taon na hindi mo nakasama ang isang tao, mag-aalangan ko sa tamang salita na sambitin. Nandoon ang walang kasiguraduhan kung naayon ba sa posisyon mo sa buhay niya ang sasabihin mo. Parang hindi ka na sigurado sa taong iyon kung kilalang-kilala mo pa siya.

I bit my lower lip. "Do you want to go to my room?"

Tumango siya at inakay ang pamangkin ko. My nephew has these chubby cheeks I was tempted to pinch. Tumayo na ako at pinasunod siya sa kuwarto ko.

The Truth About Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon