Chapter 6

1.5K 72 4
                                    

Tatianna Blice Solais

" You sure you ready?" Catalione asked.

Nag-aayos kami ng mga gamit namin ng anak ko sa Condo na kung saan ako pinatira nila Declan. I looked at Catalione who's now looking at me , I deepened my sigh as I gave her a simply nod.

"I will call Tita now." Ani pa nito at tumalikod na.

Punong puno ang isip ko tungkol sa pag iisip ng kung ano ano. Kinakabahan ako dahil baka ay hindi nila ako matanggap, baka hindi nila matanggap ang anak ko. I walked into the mirror near the Aparadors. Bumili si Declan ng mga estante at ibang gamit para dito sa Condo, he said na- siguradong matatagalan ang pag stay namin dito sa Makati lalo na pag nalaman na ng mga magulang ko na nandito ako daladala ang apo nila. I looked at the mirror, looking at my face .

"You bloom always." Napatalon ako dahil sa pagkabigla ng biglang dumungaw ang ulo ni Declan sa salamin. Bahagya pa itong natawa sa akin.

"-Hindi ka naging pangit simula ng mabuntis at mapanganak mo si Baby Taddieler. Don't worry about your face, you always look presentable." he said as he flashes a smile at me. " Ang epic ng mukha mo kanina haha." Tumatawa niyang ani, natawa narin ako sakanya at pabiro ko siyang binatukan.

"Be ready, they will arrived soon." Anunsyo ni Catalione pagbalik niya sa pwesto namin kanina. "I didn't tell them that you are here, ang sinabi ko lang ay may good news about sayo." sambit pa ulit nito. Muli akong tumango sakanya.

"Pinapunta ko na rin pala sina Amirah at Demetrius dito. Total magkadugo naman sina Demetrius at Thaddeo ay sagot na ni Demetrius ang kagagohan na ginawa ni Thaddeo. Siya na bahala ang sumalo sa mga suntok ni Tito total malandi rin naman ang isang yun." Catalione.

"Ang bitter mong babae ka baka kulang ka lang sa pagmamahal." sambit pa ni Declan.

Malakas akong natawa sa sinabi nito. Tumingin akong muli kay Catalione na halos mamula na ang mukha dahil sa inis.

"Magsawa sana sayo ang babae mo!" Catalione.

"Aba't." ngayon ay naiinis na si Declan habang nakangisi na si Catalione. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko na sila pinansin at lumakad papunta sa crib ni Baby Taddieler.

"Anak." tawag ko, natutulog lamang ito. Nakita ko pa ang pag ngiti ngiti niya, bahagya pa akong natawa dahil sa kacute-an nito. Hinahaplos haplos ko ang mukha niya, napangiti akong muli.

"Kung hindi man tayo natanggap ng ama mo, sisiguraduhin kong matatanggap tayo ng Lola at Lolo mo. Lalaban tayo anak, I will protect and love you no matter what." sinsero kong saad.

Hindi pa niya masyado maibuka ng maayos ang mga mata niya dahil sa bago pa lamang itong silang. According sa google, ang mga newborn babies ay nakakaaninag palang pero hindi pa sila nakakatutok sa bagay bagay but babies improve their eyesight while they're growing.

Kinarga ko ang anak ko ng makitang gising na ito. Lumapit pa sa akin si Declan tsaka kinuha sa akin si Taddieler at pinaglaruan ang kamay ng nito. "Ang gwapo gwapo ng inaanak ko. Baby I'm your Ninong, call me Dada when you grow up ha. Ninong ako Tatianna ha." natawa pa ako sa mukha niya dahil parang nagmamakaawa ito at nag hahanap ng assurance para maging Ninong ng anak ko. Bahagya akong tumango sakanya at ngumiti.

Natigil lamang kami ng biglang may nag doorbell. "Sila Tita na yan." saad ni Catalione at naglakad papalapit sa pintuan para buksan ito.

Hinawakan ni Declan ang kamay ko habang bitbit niya sa isang kamay si Taddieler. "Relax Baby Tati, everything's gonna be alright. Okay?" tumango ako sakanya. He squeezed my hand like he's giving me hope, hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Bubuksan ko na." anunsyo ni Catalione.

Hinihintay ko ang pagpasok ng mga magulang ko habang hawak hawak parin ni Declan ang kamay ko at hinehele si Taddieler.

"Tatianna!"

My body frozed, looking at my mother who was about to cry running to me. Agad niya akong niyakap at umiyak ng umiyak, umiyak ako at niyakap din siya pabalik. Ang akala ko ay sampal ang ibubungad niya sa akin, knowing that I'm only a failure to them. Her hug gives me assurance na kahit anong pagkakamali ang nagawa ko ay tatanggapin parin nila ako.

"Bakit ka naman biglang nawala anak. Pinag-alala mo naman kami ng Daddy mo eh. Don't ever do that again." umiiyak na saad nito at niyakap ako ulit.

Yumuko ako at grabe grabe na ang paghikbi. Umalis ako ng hindi man lang inisip ang kahahantungan ng lahat.

Tumingin ako kay Mommy. "Mommy, I'm sorry. I'm really really  sorry M-mommy. Please forgive me." umiiyak kong saad.

Yumuko ako at bahagyang ibinaba ang dalawa kong tuhod, muli akong tumingin sa kanya at hinawakan ang mga kamay nito tsaka ako umiyak ng umiyak habang nasa mga kamay niya.

"Mommy, forgive me please. Ang dami kong kasalanan sa inyo ni Daddy. Mommy, I'm sorry.I failed you." humihikbi kong saad.

Naramdaman kong may humawak sa aking mga braso, inangat ko ang paningin ko. Bumungad sa akin ang umiiyak kong Ama at pinapatayo ako.

" Stand up, Mossy. Hindi kami kahit kailan nagalit sayo, you are our daughter. My only daughter, our Baby Mossy. I miss you Mossy." Daddy.

"Daddy, sorry." hikbing hikbi akong yumakap sa kanila.

-

"Mommy, Daddy, I have something to tell you." sambit ko.

Kumalma na kaming lahat matapos ang pag-iyakan. Bahagya akong lumapit kay Declan para kunin si Taddieler atsaka lumapit muli sakanila. Nangangatog ang mga tuhod ko at pilit na tinutuwid ang mga salita.

"Daddy, Mommy. This is Blessed Taddieler, m-my son." ako.

They look surprised, they look at me with their wondering eyes. Lumapit sila sa amin ng anak ko, nagulat pa ako sa mga naging reaksyon nila.

"Topher, may apo na tayo. Is this real, may apo na kami. Our grandchild, oh my god!" natutuwang ani ni Mommy.

"Ang gwapo ng apo ko." Saad pa ni Daddy.

Hindi na nila ako muling pinansin at pinagtuunan ng atensyon ang anak ko. Lumapit naman sa akin sina Catalione at Declan, they both look surprised at my parents reaction. Mukhang sabik na sabik sila sa sanggol. I smile genuinely. Tanggap nila kami!

The doorbell suddenly rang." Baka sina Amirah na to, ako na ang magbubukas." ani ko at lumapit sa pintuan.

When I opened the door. My body turned freezed. Looking so surprised when a cold blue eyes met my gaze. I feel my knee trembling and I know anytime I will collapse.

"T-thaddeo."

-

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon