Chapter 10

1.5K 67 0
                                    

Tatianna Blice Solais

"Kaya pala gusto mo dito. The view is very comforting." komento ni Mommy.

After a couple of hours, we already arrived at Palawan. Mommy and Daddy is busy admiring the place.

"Parang gusto ko tuloy na tumira narin dito." ani pa ulit ni Mommy. I just chuckled at her.

She can't leave Makati, marami silang bussiness duon and I know my parents can't get rid of it.

"Mommy, Daddy. Aren't you tired? You can sleep in our room. Pwede niyo pong samahan si Taddieler duon." suhestyon ko. Mommy's eyes is twinkling and she look like excited.

"Tara na, Topher." ani ni Mommy at hinila si Daddy.

Naiwan naman akong mag isa sa sala at napagdesisyonang ayusin nalang ang mga gamit. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Daddy at lumabas para kumuha ng mga gamit.

When I open the door,the sun shine on me and was very dazzling. My smiles can't hide, magsisimula ako ng bagong buhay dito sa Palawan. Kami ni Taddieler.

Napakunot ang nuo ko ng may kararating na kotse at ipinarada sa katabing kotse ni Daddy. Inaabangan ko ang lalabas sa luob noon.

My body froze, I couldn't move my feet and seemed to be stuck to the ground on which I was standing. Kinarate ako ng kaba ng iniluwa duon si Thaddius at nakangiti na sa akin habang may hila hilang babae na halatang naiinis. Sunod namang bumaba si Yuen na nakakunot ang noo at nakatingin sa dalawang tao.

"Tangina, umalis kayo sa harap ko mga haliparot!" rinig kong sigaw niya. Sinamaan naman siya ng tingin ng babae at nag finger sign sakanya.Kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Yuen, halatang gulat.

Tuluyan nga akong hindi nakagalaw nang lumabas si Thaddeo sa loob ng sasakyan. Nakatingin na ito sa akin ngayon ng deretso at malalim. I can't even find words, my mouth is hanging.

Napabaling nalang ang paningin ko ng tinawag ako ni Thaddius. "Tati bebe! Joke lang kuya Thaddie." natatawa nitong saad ng sinamaan siya ng tingin ni Thaddeo.

Naglakad papalapit sa akin si Yuen at pinat ang ulo ko. "Saan na ang pamangkin ko?" ani nito at dumiretso na papasok sa loob ng bahay. Gulat lamang akong nakatingin sakanya.

"Wag kang papaloko sa Decatoria mo, redflag yun." ani ng babae nang makalapit na ito ngayon sa akin, hinihila naman siya ni Thaddius.

"Ang likot mong babae ka!" ani pa ni Thaddius.

"Sino ba kasing may sabi sayo na isama mo ako ditong kumag ka!" sigaw pa ng babae.

"Hahalikan na talaga kita Gillian pag hindi kapa tumahimik." banta pa ni Thaddius.

"Tanginang lalaking toh!" hiyaw pa nung Gillian at sinapak ang mukha ni Thaddius tsaka dumiretso papasok ng bahay.

Naiwang uma-aray si Thaddius sa harap ko, naawa naman ako ng mamilipit ito. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mukha niya.

"T-thaddius." mautal utal kong tawag.

"Tati Bebe, ang sakit manapak ng babae ko. Sana sayo nalang talaga ako nainlove, ang brutal ng girlfriend ko eh." maktol nito, natawa naman ako.

"Miss kita Tati bebe!" masiglang ani nito at niyakap ako. Yumakap rin ako sakanya pabalik, sa tatlong magkakapatid si Thaddius lang ang ka close ko. Maingay kasi siya e tapos madaldal pa. Inshort, nagmukha siyang Childish. Namiss ko itong kulungo na 'to.

Nanlaki ang mga mata kong nakatitig kay Thaddeo habang papalapit na ito sa amin ngayon at dumiretso kay Thaddius na agad niyang binatukan. Bahagya akong bumitaw sa pagkakayakap sakanya dahil mangiyak ngiyak na ito.

"Kung makayakap ka, wagas ah. Hindi pa nga ako nakayakap jan tapos ikaw sarap na sarap." ani pa ni Thaddeo.

Nagtago naman si Thaddius sa likuran ko at tila nanghihingi ng tulong. Natatakot akong magsalita kaya ang ginawa ko ay hinawakan nalang ang kamay niya sa likuran ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Thaddeo. "Ano wala kabang balak na kausapin ako at bini-baby mo nalang si Thaddius ? Siya nalang pakasalan mo, gawin mong ama ng anak natin. Ano?" ani nito.

My eyes widen, ibubuka ko na sana ang bibig ko pero wala akong mailabas na salita. Nakatitig lamang ako sakanya na malalim parin ang titig sa akin.

"Damn! Hindi nag protesta. Come here!" hiyaw niya at hinila ako papalapit sakanya. Nakakunot ang noo niya at tumingin na ngayon kay Thaddius na nakangiti.

"What are you smiling at? Step inside, fucker!" hiyaw pang muli ni Thaddeo, tumawa lamang si Thaddius habang nagmamartsa papasok.

"Selos!" sigaw pa nito, sinamaan lamang siya ng tingin ni Thaddeo.

"Yan kasi masyado kang malandi!" rinig kong sigaw ng babae niya pagpasok niya sa loob.

Hindi kami umiimik ni Thaddeo, nanatili lamang hawak hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Nakatingin lamang siya sa akin. Hindi ba siya naiilang?

"A-ahmm." dahan dahan kong kinuha sakanya ang mga kamay ko ngunit hinigpitan niya pa lalo ang paghawak nito. Napatingin na ako sakanya na mariing nakatitig sa akin.

"Balak mo pa talagang takasan ako. Kung hindi ko tinutukan ng baril si Declan ay hindi ko malalamang nandidito ka!" galit na ani nito.

"Tinutukan mo ng baril si Declan?" gulat kong tanong.

"Oo." walang pag aalinlangang sagot niya.

"Ang sama mo. He helped me when I am pregnant, he was there all the time. Ang sama mo para tutukan siya ng baril kahit na malaki ang utang na loob mo sakanya dahil siya ang umako ng responsibilidad mo." matapang kong saad sakanya.

Mariin niya akong tinignan, tila hindi niya nagustuhan ang isinagot ko. Bumuntong hininga muna siya bago siya magsalita.

"Then sorry, ang hirap hirap mong hanapin nung nawala ka. Natatakot akong mawala na naman kayo sa akin, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi siya matutukan ng baril dahil hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan kayo." ani pa nito.

"Ako ang nag utos na wag sabihin sayo!" naiinis kong saad.

"I have ways Tatianna, hinding hindi ka na mawawala sa akin ngayon." seryosong ani nito.

"Wala kang karapatan sa amin ng anak ko." saad ko.

"I have! Alam mo yan. Kahit sa batas. " hindi ako makaimik dahil tama ang sinabi niya. Nanatili lamang akong nakatitig sakanya ng malalim.

"You can't get away from me, Tatianna. At kahit takasan mo ulit ako sisiguraduhin kong sa akin at sa akin parin ang bagsak mo."

-

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon